Chapter 33

33.7K 651 50
                                    

Chapter 33: The Grandparents

Diana POV

Maaga kaming nagbiyahe ni Trevor kaya't dumating kami ng madaling araw sa bayan ng Algaya, magkakalayo ang mga bahay at karaniwang bukid na may mga tanim na palay ang matatanaw, malawak ang mga kapatagan at tahimik ang lugar.

Alas singko kami nakarating ngunit may nakikita na akong mga magsasaka na nagdidilig sa mga palay, mga ilang minuto pa bago tumigil ang sasakyan sa harap ng isang may kalumaan na matayog na gate, may malaking arko sa itaas mismo ng gate na may tatak na Silician Real Estate.

Silician?

Binusina ni Trevor ang sasakyan at bumukas ang maliit na gate sa gilid ng main gate, may lumabas na isang lalake at lumapit, binaba ni Trevor ang window para makita siya ng lalakeng tumatayo bilang gwardya, noong nakompirma na si Trevor ang nasa loob ay mabilis niyang sinenyasan ang dalawa pang mga kasamahan sa loob para buksan ang gate.

Mukhang kilala siya ng mga tauhan ng Lolo niya. Sa totoo lang, medyo kinakabahan ako sa pakikipagkilala sa grandparents ni Trevor, pero bakit naman ako kakabahan? Ewan ba! Basta sa isip ko dapat good ang first impression nila...

Pinaharurot na ni Trevor ang kotse papasok sa loob ng Silician Real Estate, may mga puno na naglinyahan sa kalsada nito, malawak ang kalupaan at maraming farm animals, may mga nagpapastol din at tulad ng mga nakita ko sa labas ay malalawak ang bukid na karaniwang tanim ay palay o di kaya'y tobacco, may mga nagkalat ding maliliit na bahay at kubo na mukhang tirahan ng mga tao, titingin lang ang mga tao na nadadaanan namin sa sasakyan ni Trevor na may pagtataka ngunit agad namang babalik sa trabaho.

"Pagmamay ari ng Lolo mo itong buong hekta hektaryang lupain?" Tanong ko kay Trevor na abala sa pagmamaneho.

Tumango siya habang nakatuon ang atensyon sa daan, "haciendero si Lolo." Matipid na sagot nito.

"Ahh..." sagot ko, "ang Lolo mo ba ang Papa ng Mom mo?"

He nodded, "Silician ang maiden name ni Mama." That explains it.

"How about your fatherside grandparents?" I pried.

He sighed, "hindi ko na sila naabutan o nakilala."

Mas pinili ko na lang ang tumahimik kesa sa magtanong pa ulit, matapos ang ilang minuto'y may bumungad sa akin na malaking bahay na halatang may kalumaan na, habang palapit kami ng palapit ay mas lalong nagiging malaki ito, mukhang three-storey house ito na napatayo noong mga 1900s. Karamihan sa bahay ay yari sa kahoy ngunit hindi nakatakas sa aking mga mata ang pagka-modernize nito, mukhang parating nire-renovate ang bahay na parang mansion na rin dahil sa laki't lawak.

Pinark ni Trevor ang kotse kasama ang ibang mga sasakyan na nakahilera sa tabi ng bahay, tumingin siya sa akin, "we're here." Tumango naman ako't lumabas na kami, may mga sumalubong sa amin na nakangiti.

Binuksan ni Trevor ang likod ng kotse't nilabas ang dalawang maleta, hinila niya ito't sinenyasan akong sundan siya, noong nasa harap na kami ng bahay ay bumukas ang malaking pinto nito't bumungad ang dalawang mag-asawang halata ang katandaan sa hitsura, ngumiti silang dalawa kay Trevor at noong makita ako'y mas lalong lumaki ang ngiti ng lalake-must be his Lolo and the other is his Lola.

"Apo!" Sabay na tawag nila kay Trevor, halata ang saya sa kanilang mga mata-speaking of eyes, berde ang mata ng Lolo niya! Iyon nga lang, hindi masyadong halata ang kulay unlike Trevor na defined. That must explain where the genes had been passed.

"Lo, La." Nagmano si Trevor sa dalawang matanda, ako naman ay lumapit para magmano at magpakilala rin.

"Ako po si Diana El Derostova." Saad ko sa dalawa.

Escape my EnclosureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon