Abstruse 4: Don't
Tori on the side ==>
Her POV
"Argh. Look at that girl pinapatunayan talaga ang kalandian." Here we go again. Nakita kasi nila na magkasama si Luigi at Tori kanina. Nanahimik lang ako.
"I can't believe naging kaibigan naten ang bruhang yon." Megan said. Everything's getting worst already.
"Sarap ipakain sa buwaya." Stacey
"Baka ipinanganak na talaga siyang ganon. Haha!" Said Irish. Eh ikaw ipinanganak na may nabubulok na kaluluwa, sobrang panlalait naman na ata yan. Eh ni wala nga siyang ginawa sa inyo.
"Ang sabihin mo sakit na niya yan haha. Malubhang sakit." It's Megan who talked.
Malubhang sakit na kalandian? Hindi nga kasi malandi si Tori. Nagsisimula nanaman sila.
"She's so desperate! I hate her!" Sydney shrieked.
Kung tutuusin siya ata ang desperada eh. Kung may mahal na iba yung tao tanggapin niya hindi yung ipinagpapalit niya yung sarili niya sa taong hinding hindi magkakagusto sa kanya.
Breaktime namin ngayon. Paubos na yung pagkain namin, yung kay Megan di pa ewan ko ba sa kanya kanina pa kinakalikot yung phone niya.
"Bibili lang ako guys. I'll be back." Tumango lang silang lahat. Kailangan kong bumili ng maiinom baka mabulunan pa ko ng di oras.
***
Pagbalik ko.
Hindi na lang sana ako bumalik baka mairita ako't masigawan ko pa sila. Paano ba naman! Ayun magkatabi si Luca at Megan. Hinaharot siya ni Megan pero parang okay lang sa kanya. Nakakairita. ~.~
"Ano ba Ash! Haha!" Ayun nagkikilitian sila palibhasa hindi niya alam na andito ako kaya sinasakyan niya ang trip ng haliparot kong kaibigan.
DISTANSYA PLEASE! Akin yan uy!
"Pahingi lang naman eh." Pagpapacute niya.
"Huy tigilan mo ko! Di mo ko makukuha sa ganyan mo ha. Alam ko cute ka pero--- ANO BA?! Tumigil ka nga." Tumingin siya sa side namin at nagmake face siya na parang kinikilig.
Shet. Ang landi neto.
"Konti lang naman eh. Sige na." Sige ipagpatuloy mo lang yan. Lagot ka sa akin mamaya. Kainis nakikita ko sa kanila yung sweetness namin. Nakakatangina lang.
"Ehem. Sorry to disturb you guys. Excuse me pero mauna na ko sa room. May itatanong pa ko kay Dylan eh. Bye Girls." Nakita kong napalingon silang lahat sa akin. Yes lahat including him. Nandito din kasi ang tropa niya.
"Okay girl see you then." Megan. I just looked at her and nodded. Lumingon ako sa katabi niya. I glared at him, he looked so uneasy. Bahala ka sa buhay mo! Ginusto mo yan.
"Ah wait, Ry" Ano nanaman ba. I looked at him innocently and smiled. Control your temper Ry. Kaya mo yan.
"Yes?" Okay act as magkakilala lang kayo para di halata.
"Nothing. Just wanna ask may homeworks ba tayo today?" He asked me a nonsense question.
"Ahm. Better ask others na lang. I have to go." At umalis na ko agad. Nagiiba na talaga atmosphere dun. Kairita!
Medyo nakalayo na ako sa cafeteria at papasok na ko sa room.
"OMG! Dylan I miss you babe!" I ran towards him and hug him very tight.