ABSTRUSE 24

1 0 0
                                    

ABSTRUSE 24

Nakakainis!!! Bwisit talaga tong taong to kanina pa ako bagot na bagot dito. "Hoy! Ayaw mo talaga ako pagawain?" Tanong ko.

"Obvious ba? Malamang. Manahimik ka na lang diyan panget ako na gagawa nito." At talagang tinawag pa akong panget. Asar! Okay na sana eh sarap isipin na nagiging mabait na siya kaso ubod ng kasupladuhan kala mo gwapo.

"Siguro kaya ayaw mo kong pagawin kasi crush mo ko noh?!" Konti nalang talaga yun na iisipin ko.

Eto siya ngayon. --> -___-

Luhh? Anong ginawa ko. "Naglipanan talaga mga assuming sa mundo. Sa panget mong yan magugustuhan kita. Wag nalang!" Grrrrrrr! Di ako assuming!!! At mas lalong di ako panget.

"Kapal mo! Akala mo gwapo ka?" Nasusuka tuloy ako. Pwe!

"Bulag ka ba? Kita mo tong mukhang to? Maraming naglalaway dito." Tinulak niya pa ako sa noo. Waaa! Awts. Sakit. *pout* Nakakarami na siya ha.

"Yuck! Akin na nga ako na gagawa." Agaw ko sa papel di naman niya ako pinigilan kaso nung nakita ko yung equations at problems napanganga ako. Tinawanan niya naman ako kaya sinamaan ko siyang tingin.

Waaa. Problema ng hindi nakikinig eh. *pout*

"Oh bat di mo simulan?" Asar niya. (>ω<) Di ko alam eh.

"Oo na sayo na. Ikaw na magaling!" Sarap kitusan eh. Naiinggit ako gusto ko din matutunan kaso di maabsorb ng utak ko. Huhu. T-T

Tinawanan nanaman niya ako sa pangalawang pagkakataon. Wala pang 10minutes natapos na niya at siya pa nauna. Napa-Woah! ako. Math genius pala to di halata. Napalumbabab nalang ako pati yung iba naming kaklase nagpasa na rin.

"Hoy panget wag kang ngumuso mas lalo kang pumapanget!"

"Wala kang pakialam *pout* " Sino ba kasi umimbento ng Math sarap ipalapa kay Katie yung malahiganteng pusa namin sa bahay.

"Wag ka ng malungkot. Gusto mo turuan kita?" Lumiwanag ang mukha ko sa narinig ko. Pero parang ginawa naman niya akong aso kasi tinap niya pa ako sa ulo. -__-

"Talagaaa?! Yey thanks!" Di ko naiwasang yakapin siya. Emegesh! May tutor na ako! Kaso mokong nga lang pero keri yan mapagtitiisan naman siguro. Wohooo!

"WAG KA NGANG LUMAPIT SAKIN MAHAWA PA AKO NG KAPANGITAN MO!" Ay highblood para yakapin lang eh. Arte naman neto sumigaw pa yan tuloy pinagtitinginan kami.

"Okay sorry!" Para namang may nakakahawa akong sakit kung mandiri to. "Pero thanks mabait ka rin naamn pala." Nginitian ko siya. Di naman pala madamot to sadyang suplado lang.

"Ako mabait? Tss. Asa!" Napakunot ang noo ko kasi nagwalk out siya bigla. Bawiin ko na kaya yung sinabi ko. Suplado pa rin talaga siya.

"Uy Ry tara!" Aya ni Lauren kasama si Erin. Tumango ako tsaka sabay kaming nagtungo papunta sa cafeteria time na rin kasi.

Nakakapagtaka talaga yung mokong na yun lakas makamood swing. In a minute mabait siya at nag-aya pa siyang maging tutor ko tapos masabihan lang siya ng mabait nagsungit nanaman. Problema nun? Weird.

ABSTRUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon