Abstruse 3: Confused
Riley and Megan on the side ==>
Her POV
Hay.
Away nanaman.
"Palibhasa plastik." Sydney murmured beside me.
"Sydney, stop it." Mali rin naman kasing magsalita ng kung ano ano behind Tori's back.
"What? Siya naman talaga ang may kasalanan." Defend niya sabay irap. At ako pa talaga tinarayan niya. Just trying to help here okay?
"Wag na lang tayong magsisihan para walang away." Suggest ko. Tama naman kasi kung magsisisihan lang din sila eh di wala rin lang papupuntahan ang away na to. Pani pa sila magkakaayos kapag nangyare yun diba.
"Yun naman gusto niya eh . . . Away" bulong niya pero narinig ko.
"Syd..."
"Tss." Pagsusungit niya.
As for now, nagabsent si Tori dahil sa nangyare. Malaking scene din kasi ang nangyare, mas lalong lalala ito kapag nalaman ito ni Mrs. Mesha, she'll immediately report it to our parents and that's bad. Si Mrs. Mesha ang adviser namin, close kami lahat sa kanya pero somehow, nagsusumbong pa rin siya sa kanila.
***
Kinabukasan pagpasok ko, lalapit sana ako kay Hannah dahil pumasok na pala siya at nagiisa siya ngayon. Palapit na ako ng may humila sa akin.
"Goodmorning Ry! Samahan mo naman kami." Hyper niyang pagkakasabe at hinila ako palayo kay Tori. Si Megan ang humila sa akin at hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.
"But, kakausapin ko pa sana si Tori eh." Turo ko kay Tori na hanggang ngayon nakayuko pa rin. Tumingin siya kay Tori at tsaka umirap.
"No, you should come with us." Megan said then smiled at me.
No choice kasi baka may masabi nanaman sila. Wala naman akong magagawa eh.
"Kain tayo girls." Pagaaya ni Megan.
"Kayo nalang busog pa ako eh." That's true kasi inubos ko pa yung cake na ginawa ng tatay 'niya'. Pinadala niya pala yun kasi hindi ko daw naubos. Haha pwede naman kasing hati kami eh.
"Are you ignoring us Ry?" Stacey asked.
"Huh? Why would I do that? Busog lang talaga ako." Depensa ko.
"Okay, sabi mo eh."
Sasagot na sana ako ng nagsalita si Megan.
"Omg! Is that true?!" Sigaw niyang may halong arte. May pinaguusapan pala sila ni Sydney.
"Yah wala ka kasi kahapon. You missed the fun." Sabat ni Irish.
Okay?
Hindi ako makarelate.
"Aba't ang haliparot na yun! It's the truth naman eh. He took away Luigi from you! And flirted with him at the same time. Argh! That girl! She's getting unto my nerves na talaga! I swear if that might happen to me ipapakita ko sa babaeng yun kung sinong binabangga niya. Omg!" I gulp. Feeling ko para sa akin yun. Naiimagine ko na mangyayre sa akin kapag nalaman niya na may relasyon kami ng mahal niyang si Luca na mahal ako at mahal din ako. Ah basta ang gulo!
"No, she didn't" sabat ko na siya namang ikinatingin nilang lahat saakin.
"WHAAAT?!" Sabay sabay na sigaw nila. Excluding Paris and Peyton kasi wala sila dito. Si Irish nananahimik lang.
