Abstruse 2: Chocolate Cake
LUCA on the side ==>
His POV
"Pinagsasabi niyo dyan?" Sabi ko para hindi nila mahalata.
"Malay ba namin. Baka kasi meron" Toby
"Umamin ka nga!" Wayne
"Diba sabi mo hindi ka pa handa?" Cris
"May tinatago ka ba sa amin?" Tanong ni Seth na parang nagdududa. Hinohotseat na ako ng mga unggoy na to ah.
"Baka nga" Ganti ni Rhys
"Hoy ano ba kayo! Oo nga, hindi pa ako handa sa mga ganyang bagay." Pagsisinungaling ko. Hindi nila pwedeng malaman. Mapapahamak ako pati na rin si Ry. Di pa kami handa.
"Ano ba kasi ginawa mo?" Rhys
Mas pinili kong hindi banggitin sa kanila kung sino siya, para hindi sila makahalata.
"Akala ko kasi ... --ANO ... Basta napagsalitaan ko kasi siya ng masama. Ang dami kong nasabing hindi maganda. Ayun umiyak siya. Hindi ko naman sinasadya eh. Siguro napagbuntungan ko lang siya ng galit." Yumuko ako kasi naalala ko yung mukha ni Ry nung panahon na napagsalitaan ko sya ng masasamang bagay tungkol sa kanya.
Nadala lang ako.
Di ko sinasadya.
"Nako." Sabay sapol sa noo ni Cris
"Di ba pare okay lang na mantrip tayo ng babae. Wag lang umabot ng makasakit tayo physical man o emotional." Pagpapaalala ni Toby sa rule namin sa tropa.
"Oo alam ko yan. Kagaya nga ng sinabi ko, nadala lang ako." Pagaamin ko.
"Bakit ba kasi siya ang napagbuntungan mo ng galit?" Usisa ni Rhys habang may ngininguya na pagkakaalam ko nachos iyon. Mga matatakaw talaga ang mga ito.
Anong sasabihin ko ngayon? Na kasi siya ang may kasalan ganun?
Isip Luca.
Isip.
Isip.
Aha!
"Natapunan niya kasi ako ng inumin niya kanina. Eh ang init nun, inis na ako nun nasigawan ko siya. Ewan ko ba't naginit ang ulo ko nun." Pagpapaliwanag ko.
"Eh bat ba init ng ulo mo?" Seth
"Hindi ko alam. Nag-init agad ang ulo ko mas lalo na nung panahon na yun at bagsak ako ng isang quiz natin. Major subject pa man din yun." Di ko man pinapahalata pero studious to mga tol. Haha.
Misan lang magseryoso katulad kong sobrang gwapo. HAHAHA!
Pero hindi iyon ang rason! Nagtaka lang naman kasi ako kasi panay ang tingin ni Ry sa akin kanina at hindi lang yun basta tingin. Parang papatayin na niya ako eh. Katakot kaya (_ _)
"Wow pare! Nakakapagtaka ngayon ka lang nagalit ng ganun. Nanigaw ka pa ng babae." Amaze na sagot ni Wayne. Hindi naman kasi ako katulad niya na sobrang sensitive. Bilis kung magalit ang isang to. Short tempered kasi.
"Atleast hindi matulad mong laging highblood." Sagot ko.
"Psh." Tignan mo to nagsusungit agad.
"Tulungan niyo ko ayusin to nakokonsensya ako." Sabi ko.
"Wait pakainin mo muna kami. ^_^" Rhys
