ABSTRUSE 22: Katangahan 101
Aww ang sakit ng tuhod ko. Inatake nanaman ako ng katangahan. Kanina pa tumutulo ang dugo mula dito kaya di ko magalaw. Kainis pero buti nalang nakatago ako agad.
Nakakatawang isipin na sa ibang kwarto ako napadpad dahil hirap akong maglakad. Pasalamat ako't ang pinakamalapit na silid ay ang kay Luke at ito ang napasok ko. Wala siya dito nasa school pa ata.
Inayos ko ang upo ko. Inilabas ko ang phone ko at idinial ang number niya hindi pa ako sigurado kung umalis na si Cris Ian kasi di naman na ako nakakarinig ng ingay sa labas. After three rings sumagot siya.
[Hello?! Where are you?!] He has his worrying voice after answering the phone. Siguro nga pinaalis na niya si Cris Ian kasi di siya makakasigaw ng ganyan kung kasama niya pa rin si Cris Ian. Nakaramdam naman ako ng sakit.
"Ah shit!" Impit na sigaw ko. Napabalikwas ako sa sakit.
[What the hell is happening there Riley?!] Mas lalo na siyang nag-alala ngayon sa sigaw ko.
"Luke's room. Hurry!" Pinatay ko na agad at sinapo ang parehas kong tuhod na dumudugo. Ang sakit!!! (>o<) Ayan na ang bwisit kong luha tuloy tuloy na umaagos sa mukha ko. Ang hina ko talaga pag nasasaktan ako. Dinadaan ko nalang sa iyak kasi wala naman akong magagawa.
****
His POV
I'm pretty sure na dugo ni Ry to. Una palang kinutuban na ako sa ingay na narinig namin ni Cris Ian dito sa taas. At eto nga hindi ako nagkandaugaga maghanap kung saan ko nailagay ang first aid namin. Kailangan ko yun kasi nung tumawag siya alam ko may nangyare na sa kanya nang pagdaing niya sa sakit.
Nahanap ko din siya at halos lumipad na ako papunta sa kwarto ni Luke. Bakas sa sahig ang dugo papunta sa kwarto. Halos masira ko na ang doorknob para lang makapasok.
"L-lu..."
Pagpasok ko andun siya sa isang sulok masinsinang pinupunas ng sariling dugong umaagos sa tuhod niya habang umiiyak. Kalat na sa tiles ng kwarto ang bakas ng dugo niya. Nanigas ako sa kinatatayuan ko.
Pinilit niyang tumayo para lumapit sakin pero nanginig ang tuhod niya't napaluhod siya at saktong naitama ang tuhod niya sa sahig na nagdulot ng malakas niyanga sigaw at iyak.
"Ahhhhhhhhhh!!!"
"Shit!" Doon lang ako natauhan. Bakit ba natatameme ako kapag nakikita ko siyang nasasaktan kasi wala akong nagawa.
Linapitan ko siya at tinulungang umayos ng upo. Kalat na ang dugo sa uniform niya at sa katawan niya pati na rin ang kamay ko nalagyan sa dami ng dugong lumalabas. Una kong pinahid ang luha niya sa mata bago ko pinunasan gamit ang bulak ang mga dugong nakalat sa katawan niya pati na rin sa paligid ng sugat niya.
Malaki nga ito at kita agad ang pagpasa ng tuhod niya sa masama niyang pagbagsak. Inaplayan ko naman kaagad ito ng betadine bago ko nilagyan ng malaking gauze. Pagkalinis ko sa lahat tinitigan ko siya patuloy pa rin ang tuluyang pagbagsak ng luha niya sa kanyang magagandang mata.
Pinahid ko ito at isinukbit sa tenga niya ang mga natitirang buhok na kumalat sa mukha niya. "Tahan na nandito na ako." Paninigurado ko.
Payakap ko siyang tinulungang tumayo bago ko siya binuhat ng parang bagong kasal. Tahimik lang siya habang buhat ko papunta sa kwarto. Hindi ko kinakaya kung may masamang nangyayare sa kanya para kasing doble para sakin ang sakit na nararamdaman niya at hindi ko kakayaning makita siyang ganun.
****
"Sigurado ka ba talagang wala ng masakit sayo?" Tanong ko. Kanina pa kasi siya tahimik simula nung may nangyare sa kanya. Ngayon ay diretso lang siyang nakalingon sa bintana ng kwarto ko habang nakarest ang likod niya saheadrest ng kama ko.
