Abstruse 8: Slowly Spreading
LAUREN on the side====>
Chelsenne's POV
"Lauren, look at those two they look so good together." I pointed at Alexa(Ry) and Luca who is now running around the gymnasium. Hinahabol ni Luca si Alexa kasi nagkukulitan sila. As we observe, all of us Megan's not here. Absent ata. We all knew if she's here matinding judgement ang makukuha ng dalawang yan if meron siya. Kaya ka niyang ipahiya sa maraming tao until wala ka ng mukhang maihaharap sa kanila. She's that cruel.
"Ahh... Sweet. Wait, Ry is in great trouble what if nakita ito ni Megan!?" Pag aalala niya. Alam naming lahat that Megan has a huge crush on Luca.
"She's not around."
"Nice, for me SHE'S NOT NEEDED HERE cause she's bad." Baby talk in Lauren may pagkachildish kasi siya but in a good way naman.
She's not needed here...
She's not needed here...
She's not needed here...
UGH! Hanggang ngayon Hindi ko pa rin nakakalimutan ang mga katangang iyon. The moment they stole HER from me.
3 years ago... First year.
"Ry, she's not needed here. Get her lost." Utos ni Megan. Nauusap sila ngayon at nagbubulungan.
"But she's my bestfriend! I can't leave her." Pagtatanggol ni Ry sa akin. Nagbubulungan sila pero akala nila hindi ko ito naririnig.
"LEAVE HER OR ELSE....
I'll make her life miserable."
Hindi ko na narinig ang huling sinabi ni Megan dahil unti-unti niyang nilayo si Alexa sa akin. Paulit-ulit nilang kinukuha si Alexa kapag magkasama kami kaya most of the time nag-iisa lang ako.
Until one day...
"Ry dali! Let's shop." Aya ni Megan kay Alexa at hinila niya pa ito kaya lang hinawakan ko ang kaliwang kamay ni Alexa para pigilan ito. Napatingin si Megan sa akin dahil sa pagpigil ko kay Alexa. Tinaasan niya ako ng kilay.
"Where will you take her?" I asked in a low deep voice.
"Somewhere far away from you!" Duro niya. "Let's go Ry" Lumingon si Ry sa gawi ko nang may awa sa kanyang mga mata.
Starting that day I was alone. Kapag sabay silang pumasok mukhang ang saya saya nila. Di nila alam dahil sa kanila kaya ako malungkot. Hindi na niya ako kilala, di na niya ako pinapansin di na katulad noon. Binulag nila ang bestfriend ko. They changed her. They took her away from me.
They took my bestfriend away from me...
-end-
"HUY! Di ka naman nakikinig eh!." Angal ni Lauren na parang bata.
"H-hah?"
"Sabi ko na nga ba! Ang sabi ko po Lunch na! Eto lalim talaga ng iniisip, di ko mareach!" Usisa niya habang naglalakaf kami patungong cafeteria.
"Ah eh o'sige kita na lang tayo mamaya." Paalam ko. Di kasi kami sabay kumakain dahil umuuwi siya for lunch. Sabay-sabay silang magpapamilya kumain every lunch. Family get together nila dahil iyon lang daw ang free time ng mga magulang niya mula sa trabaho.
