ABSTRUSE 21: Blood Stains

1 0 0
                                    

ABSTRUSE 21: Blood Stains

"Kuya Ryle..." Iyon na lamang ang nasabi ko kasi puro hikbi ako sa kaiiyak habang nakatingin sa Kuya ko na hindi ko nakapiling ng sampung taon. Eto totoo na siya sa harap ko. Naramdaman ko na lang ang yakap niya sa akin.

"Kuya ang sama mo bat mo ako iniwan. Ang tagal tagal mong bumalik. Alam mo bang miss na miss ko na yang kalokohan mo!" Di ko alam pero tinawanan niya lang ako habang hinahagod ang likod ko. Sheez ang tangkad na niya at binatang binata ang dating. In fairness kahit labag sa kalooban ko ang gwapo ng kapatid ko ngayon. Siyempre sino ba namang hindi gagwapo eh galing States kasama si Daddy dun. Hay.

"I miss you too Riley. Hindi ka pa rin nagbabago uhugin ka pa rin kahit kelan." Napasimangot ako sa sinabi niya. Uhugin? Ako? Diba sipunin yun? Eww. Grabe talaga siya. May mang bubully nanaman sa akin. Alam ko si Kuya suplado yan kahit kanino pero saming pamilya niya mas lalo na sakin ubod ng kalokohan at kabaliwan yan. Hinding hindi ka magsasawang kasama siya kaya nga namiss ko siya eh.

"Ewan ko sayo. Sama mo talaga kahit kelan." (≧3≦)

Ayun ginulo ang buhok ko. Kainis may maninira nanaman ng ayos ko araw araw HAHAHA pero atleast may kasama na ako sa kalokohan. ~~,

"Saglit nga Kuya what's with the sudden show up? May nangyare bang masama? How's Daddy?" Pagkatanong ko automatic na dumilim ang mukha ni Kuya.

"I'm here for good li'l sis." Hindi niya sinagot ni isa sa tanong ko. Nice talking talaga ng taong to. Grabe.

"But why?" Seryoso ko siyang tiningnan. Alam niya pag ganito ako kailangan ko ng wastong sagot, yung katotohanan.

Sa huli sumuko din siya tumungo kami nila Granny, Manang Tess, Ako at si Kuya sa living room ng bahay para makapag-usap ng maayos at dun kinwento niya lahat ng pamamalupit ng tatay namin sa kanya. Sinabi niyang nag-umpisa ito last year ng mag-aanim na taon na ang anak nila ng babae niya. Sa isang taon na yun unti unting nagbabawas ang binibigay ni daddy na allowance niya sa credit card niya. Pati ang condo unit niya kinuha ni Daddy kaya wala siyang matirhan kaya tumuloy raw muna siya sa bahay ng barkada niya. Wala siyang makitang dahilan para maging ganun ang pakikitungo ng daddy namin sa kanya kundi ang pambibilog ng babaeng yun sa daddy namin na pati si Kuya pinagdadamutan niya na tunay naman na anak ng daddy. Nung asa States palang si kuya base sakanya wala daw siyang nagawa kasi hindi rin niya nakausap ang daddy kasi tinaboy lang siya ng mga guard ng mansiyon namin sa US nung magtangka siyang kausapin ito. Buti na lamang raw at medyo nakaipon si Kuya ng pera at nakauwi siya dito hindi naman daw siya pupwedeng manatili doon dahil nakakahiya na rin sa barkada niya at magagraduate na siya ng highschool ng walang kapera pera kaya umuwi siya dito para dito tapusin ang pag-aaral niya at makatungtong na rin sa college.

Galit ang naramdaman ko ng narinig ko yun. Pati ba naman kapatid ko pagdadamutan ng bruhang yun. Ang kapal naman talaga. Kawawa siya sa nadanas niya sa isang taon na yun na panggigipit ng babaeng yun sa kanya. Si daddy kasi naunder na ng babaeng yun kaya sinusunod niya lahat ng nananaisin nito. Bruha siya! Baka kung ano ng pinainom niya kay daddy kaya ganun na lamang ang pang aalipin niya sa daddy namin. "Why did you let her do that to you Kuya?! You should've fight for your right on that whore! Anak ka kuya ipaglaban mo kung ano ka!" Dahil sa galit ko nasigawan ko siya.

"Calm down Riley. Ginawa ko naman lahat eh pero anong laban ko sa pera nila. Anong laban ko kay Dad na sobrang napaikot na niya? Wala. Kasi nga sabi mo anak lang ako. Anak lang tayo Riley hindi dapat tayo makialam sa gulong to." Kalmado lang siya habang nagsasalita habang ako sobrang frustrated sa mga nangyayare.

"Bahala ka. Bahala ka kuya Ryle basta ako ipaglalaban ko kung anong tama kahit pa man lumipad akong papuntang States ngayon makaharap ko lang ang babaeng yun." Sa aming dalawa kasi kahit na siya ang lalaki siya ang mahina kapag pamilya na ang pag-uusapan. Ayaw na ayaw niyang maki-alam puro ako ang may reklamo at ganid sa mga nangyayare ni wala siyang kibo.

ABSTRUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon