ABSTRUSE 25
Hindi ko alam kung san ako pupunta ngayon. Alam ko mukha na akong tanga naglalakad mag-isa sa ulan palayo sa University. Ang dungis dungis ko na pero wala akong pakialam bahala na kung san ako makakarating.
Nakatunganga ako sa kawalan at pilit akong umiisip ng dahilan kung bakit niya ginawa yun. Sumasakit na yung ulo ko kakaisip at sa ulan na malakas na bumubuhos. Di ko na maramdaman kung tumulo na pa rin ba ang mga luha ko dahil sa tubig ulan.
Pahakbang palang ako ng may maramdaman akong yumakap saakin sa likod ko. Amoy palang kilalang-kilala ko na. Napahagugol ako sa di malamang dahilan. Magkahalong galit at tuwa ang dahilan. Galit kasi sa ginawa niya at tuwa kasi nandito siya.
Pilit kong nagpupumiglas pero mas malakas siya sakin kaya sa huli lumambot ang tuhod ko.Hinila nalang niya ako basta basta ng walang salita patungo sa bahay nila. Hindi ko pala namalayan na ang daan na tinahak ko ay papunta sa kanila.
Hinila niya ako paakyat sa kwarto niya at pinaupo sa kama. Tinaas ko ang tuhod ko at humalikipkip. Nilalamig na rin ako dahil sa ulan. Naramdaman ko namang pinatungan niya ng tuwalya ang balikat ko. Nakatingin lang ako sa malayo at hindi siya tinignan at baka maiyak nanaman ako.
Dahan dahan siya sa pagpunas sa braso, binti at mukha ko. Hindi ako nagreklamo at nanatili akong tahimik hindi ko alam kung ano bang sasabihin ko. Narinig kong humugot siya ng isang malalim na buntong hininga. "Ry..." Mahinang tawag niya sakin dun napatingin ako sakanya.
Di na napigilan ng mata ko ang nagbabadya nanamang luhang kumawala dito agad ko namang pinunasan ito at umiwas ng tingin. Bakit ganyan ka Lu pinapaiyak mo ako tuwing tumitingin ako sayo. Naramdaman ko naman ang mga bisig niya sakin at parang tumataas baba yung balikat niya. S-sandali umiiyak ba siya?
"B-baby I'm so sorry muntik ko ng magawa yun sayo... R-riley patawarin mo ako nabastos kita." Eto ang unang beses kong nakita siyang umiyak pero bakit ganun ako yung mas nasasaktan pag nakikita siyang ganyan.
Sa wakas nagkalakas loob na akong tignan siya. Hinawakan ko ang pisngi niya at pinahid ang mga luha niya. Bakit sa kabila ng ginawa mo sakin hindi ko magawang magalit sayo ng tuluyan? Wala eh mahal kasi kita eh.
"Tahan na. Okay lang kalimutan na natin yun." Umiiyak pa rin siya.
"Hindi okay yun Ry... p-pasensya ka na ang tanga tanga ko!" Yung itsura niya ngayon frustrate na frustrate siya. Ginulo pa nga niya buhok niya sakin sa inis. Hindi ako nakatiis hinawakan ko siya sa mukha at ang isa ko namang kamay nakahawak sa kamay niya.
"Tignan mo ako, sabihin mo sakin kung bakit ka nagkakaganyan." Hinaplos ko naman ang pisngi niya para mapatahan siya. Muli bumuntong hininga siya.
"Kasi naiinis ako at hindi ko alam kung selos lanh ba to oh ano! May kasama kang lalake kanina. Sino ba yun? Sabi nila boyfriend mo daw pero Ry diba ako lang boyfriend mo." Ang sarap hilain yung nguso niya kasi nakapout siya at nakapuppy eyes kahit bakas pa rin yung luha sa mga mata niya. Ang cute!
Hindi ako nakatiis hinila ko siya sa batok at I kissed him it was passionate dahil tumugon siya. Ngayon nakakabaliw na yung halik niya hindi na siya gaya kanina na marahas.
Siya ang unang humiwalay samin at humugot ng hangin. Parang naliw din to kasi ngising-ngisi. "Tama na baka di nanaman ako makapagtimpi." Tsaka tumawa. Namula naman ako dun kailangan talaga sabihin? Di ba uso sakanya yung salitang 'awkward'.
Hinaplos ko ang magkabila kong braso. Brr ang lami ha na pansin naman yun ni Lu. Ako kasi si tanga nagaulan pa problema ng walang payong.
"Maligo ka muna Ry manghiram ka muna ng damit ni Ate tutal wala pa naman siya dito." Tumango ako tsaka tumungo sa kwarto ni Ate Lucy. Sakto may CR naman si Ate Lucy sa kwarto niya.
