Chapter One

37.2K 617 42
                                    


Chapter 1


Hazel's POV


* Dream *


Naglalakad ako sa isang malawak at madilim na kagubatan. Tanging ang buwan lang ang nagsisilbing liwanag para makita ko ang daan. Hindi ko alam kung bakit ako narito, pero pakiramdam ko parang bang may tumatawag sakin. Patuloy pa ako lumalakad hanggang sa may narinig akong kumakaluskos.

*tick tick tick*

Napahinto ako sa paglalakad at dahan dahan kong lumingon sa aking likuran. Ano kaya yun? Malakas ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko maiwasan na matakot sa kung ano man iyon. Dahan dahan naman ako lumakad papunta sa mga damuhan kung saan doon ko narinig ang kumakaluskos.

*Grrrrr*

Napahinto ulit ako dahil sa gulat ko na biglang may nag angil ng isang hayop. Ilang segundo lang bigla itong lumabas sa mga makakapal na damuhan.

Isa itong lobo.

At mas nakakagulat pa hindi basta ordinaryong lobo kundi malaki ito kasing laki ng uso. Itim ang balahido at dilaw ang mga mata ito. Nakatingin sya diretso sa mga mata ko. Kung makatingin ito sa akin ay seryoso at kalmaldo pero hindi sya mabangis na tignan. Hindi ko mapaliwanag ang aking sarili dahil nawala ang takot ko at naging kalmado din ako nang magkatinginan kaming dalawa. Hanggang sa may narinig akong isang hindi pamilyar na boses.

'MATE'


* krrrriiiinnnngggg*

Nabangon ako bigla dahil sa ingay ng alarm clock. In-off ko ito at saka umupo na maayos sa kama. Nagbuntong hininga ako dahil napaniginipan ko na naman yun. Simula nung 13 years old  ako, palaging nagpapakita ang lobo na iyon sa panaginip ko. May ibig ba sabihin yun? Kung bakit palaging ko itong napaniginipan? Napailing na lang ako at nagsimulang mag-ayos na dapat ayusin dahil maraming pa akong gagawin lalo na first day of school ko ngayon.

Pagpunta ko sa kusina ay wala doon sina Tita Ester at Tito Rudy, malamang natutulog pa sila sa kanilang kwarto. Tuwing tanghali kasi ang duty nila sa trabaho tapos uwian nila sa gabi pero minsan madaling araw na silang nakauwi dahil nakikipag-inuman pa sila sa mga kaibigan nila.

Pagkatapos kong kumain, naghanda na rin ng makakakain kina Tita at Tito pagkakagising nila. Dumiresto na akong maligo at nag ayos ang aking sarili. Di ako mahilig sa make-up o kaya magsuot ng maiikling damit kasi mas gugustuhin ko pa magsuot ng simpleng T-shirt, pantalon at rubber shoes. Tinignan ko ang aking sarili sa salamin. 

'Kaya mo iyan, Hazel.'  isip ko lang. Isa na naman araw na kailangan kong malampasan.

Nilalakad ko lang papunta sa school dahil malapit naman iyon kaya hindi na kailangan mag-jeep o tricycle pa.

Ay, nakalimutan ko pala magpakilala, ako si Hazel Marie Velasco. 17 years old. At 4th year high school sa St. Vicente high school. Maaga na akong naulila sa mga magulang ko dahil namatay sila sa car accident. Pagkatapos, inampon naman ako ng kapatid ng mama ko na si Tita Ester at ang asawa nya na si Tito Rudy. Sa kasamang palad, ang akala ko ay mabait sina Tita at Tito pero hindi pala. Simula tumira ako sa kanila ay doon din nagsimulang inaabuso nila ako. Suntok, sampal, sinabunutan, lahat na iyon naranasan ko. Tiniis ko lang yun pero kapag nakaipon at nagtapos ako sa high school ay saka aalis ako papunta sa probinsya. Kung tinatanong nyo kung paano ako nakaipon ay dahil may part time job ako bilang waitress sa isang coffee shop. Sa pagpunta ko sa probinsya ay makahanap ako doon ng apartment at trabaho para sakaling doon na rin akong mag aral ng college.

My Ruthless Alpha [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon