Special Chapter

2.7K 65 4
                                    

SPECIAL CHAPTER

THIRD PERSON'S POV (Before the wedding day)

"Hazel, kahit anong suot mo ng wedding gown, bagay pa rin sa iyo." Sabi ni Joyce habang namamangha syang tignan sa wedding gown na sinuot ngayon ni Hazel.

Namula ang mukha ni Hazel dahil sa komento ng kaibigan nya. Nalalapit na araw na kasal nila ni Alpha Lennox kaya kailangan nakahanda na lahat. Abala din si Lennox sa pag-asikaso sa ibang plano nila. Buong hapon sila ni Joyce na abala sa pagpili ng wedding gown.

"Pero mas gusto ko na itong gown, Joyce. Simple pero elagante ito tignan. Ano sa tingin mo?" tanong ni Hazel na di nya maalis ang tingin nya salamin. Kita sa salamin na tumango si Joyce. Tinignan ni Hazel yung nag assist sa kanya. "Ah miss, ito na lang po kukunin ko po."

"Sige po ma'am."

Nang matapos sila sa shop, niyaya ni Hazel si Joyce na kumain muna bago silang umuwi. Nakarating sila sa isang convenience store at bumili ng hotdog at softdrinks. Masayang nagkukwentuhan habang kumakain sila. Halos mag iisang taon na nang naka-graduate silang magkakaibigan. Plano nila sa America na silang mag aaral ng college dahil pinaplano ni Lennox na doon na rin silang lilipat kasama yung ibang pack members. Sa peripheral vision ni Joyce, may napansin sya sa labas ng convenience store.

"Hazel."

"Hmm?"

"Look outside."

Tinignan ni Hazel yung tinutukoy ni Joyce sa labas. Nanlaki na lang mga mata nya nang makita nya kung sino iyon. Si Jane.

"Well, well, kahit nakatapos na tayo, makikita pa natin bruhilda na yan." Saad ni Joyce saka inubos yung pag-inom ng softdrinks habang si Hazel ay nanatiling nakatingin sya kay Jane.

Kasalukuyang may kausap si Jane ng lalaki, sa tingin nila baka boyfriend nya pero may kasama itong babae. Nakikitang mangiyak-ngiyak si Jane habang kausap nyang lalaki parang nagmamakaawa na ito.

"Halika, Joyce, puntahan natin." Pagyaya ni Hazel na di nakapalag si Joyce dahil nihila sya agad.

"Sabi ko sa iyo wala na tayo. Bakit ka ba namimilit sa akin?!" Pasigaw ng lalaki kay Jane na lalo kinaiiyak ng dalaga.

"Greg, please, don't do this to me." Nahagulgol na sa pag-iyak ni Jane pero nagmamatigas pa rin yung lalaki. Tumingin si Jane sa bagong girlfriend ni Greg. "This is all your fault. Inakit mo yung boyfriend ko, you bitch!" Akmang susugurin nya yung babae nang humarang si Greg sa kanya.

"Ano ba?! Di ka ba talaga titigil?!" Singhal nya nang sasampalin sana nya si Jane nang may pumigil sa kanya.

"Pagsinaktan mo sya, ipapakalat ko itong video na ito."

Lumingon agad si Greg sa nagsalita. Kitang kita nya na hawak ni Hazel ang cellphone na parang vinideo nga nya yung nangyayari. Namutla naman si Greg sa nakita nya. Dahil sa takot sa banta ni Hazel ay umalis na lang si Greg na kasama nya yung babae. Agad naman lumapit sina Joyce at Hazel kay Jane na ngayon iyak sya na iyak.

"Ayos ka lang?" Pag-alalang tanong ni Hazel pero di sumagot si Jane dahil patuloy itong umiiyak.

"Tss. Hay naku, Hazel. Hayaan na natin sya. Problemang love life nya naman yan." Naiiritang sambit ni Joyce.

"Bakit nandito kayo?" tanong ni Jane na nakatingin sya kina Hazel.

"Obvious ba? Edi iniligtas ka namin. Kung di naawa sa iyo si Hazel, baka nakatikim ka ng sampal ng lalaki." Joyce rolled her eyes as she makes poker face.

My Ruthless Alpha [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon