Chapter 11
Third person's POV
"Get that girl." Utos ng pinuno ng mga rogues.
The rogues nodded. After they left, Benjamin came. He is the second command in their group.
"I heard about a human that is a new member in Blood Moon pack. Sigurado ka ba sa magiging plano mo? Nagagamitin natin yung babae laban sa alpha at sa kanyang pack?"
"Of course, I know what I'm doing, Benjamin, you will see. At nasisigurudin ko na mababagsak ko ang Blood Moon Pack." He replied.
-
Hazel's POV
- Cafeteria
"Ahhhhh!" Natutuwa at malakas na tumili si Joyce sa loob ng cafeteria ng school.
Grabe naman sya dito pa mismo sa cafeteria. Napangiwi na lang kami dahil pinagtitingin kami ng mga tao rito.
"Joyce, will you stop that. Everyone here is staring at us dahil sa pagtitili mo." Naiiritang sabi ni Samantha habang tinatakpan nya yung dalawang tenga nya.
Nag-pout naman si Joyce at nag-peace sign sya. "Sorry, ok. Di ko mapigilan na kiligin kina Hazel at Sir Lennox. Ayieee."
Kinurot-kurot nya pa ako sa tagiliran. Hayy naku. Napailing na lang ako. Di namin kasama ngayong break time sina Dane at Bryan dahil pinagtawag sila ng P.E. couch na si Sir Baron. Habang wala pa sila, kinukulit ako ni Joyce ikwento kung ano daw nangyari sa pinuntahan namin ni Lennox kahapon. Kaya ayun kinuwento ko sa kanila yung nangyari.
"I'm glad naging ok na kayo ni Sir Lennox." Masayang sambit ni Samantha saka ininum yung juice nya. "Bukod sa nag-sorry sya sa'yo, may sinabi pa sya? Like, you know, feelings for you." Taas-baba ang kilay nya.
Teka. Bakit nya tinanong iyon? At feelings ni Lennox para sa akin?
Nilunok ko muna yung kinain ko bago ako sumagot. "Ah wala naman. Wala syang ibang sinabi." Pagkaila ko.
Talagang wala naman sya sinabi maliban sa - Ah. Bakit ko naalala naman yun? Bumibilis ang tibok ng puso tuwing naalala ko yung... yung niyakap nya ako.
"Wala ba? Pero yung mukha mo naba-blush. Hmm." Panukso na sambit ni Joyce. "At sa nakikita namin sa kilos ni Sir Lennox ay parang may gusto talaga sya sa iyo, girl." sabi nya na kilig na kilig.
"Ha?!" Pagkabigla ko. "Anong pinagsasabi ninyong dalawa? Wala sya gusto sa akin no."
Si Lennox? Magkakagusto sya sa akin? Parang imposible naman mangyari.
"Weh?" Sabay na sinabi nila.
"Oo nga. Hay naku, kayong dalawa, balik na lang tayo sa classroom para maka-review tayo sa exam natin mamaya." Paiibang usapan ko sa kanila para di na nila ako kulitin pa.
"If you say so." Sambit ni Samantha bago kami umalis sa cafeteria.
Kahapon pala, inaamin ko naging masaya ako nung kasama ko si Lennox. Kahit may pagka-seryoso at masungit sya, may natatago pala syang mabuti sa kanya. Habang naglalakad kaming tatlo sa hallway nang may naalala pala ako.
BINABASA MO ANG
My Ruthless Alpha [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
RomanceMy Ruthless Alpha A shy and loner girl, Hazel, has been abused and bullied since her parents died in the car accident. But she has a good heart despite on what happened to her. But her fate will be change when a mysterious creature came to her. A m...