Chapter Thirteen

16.3K 386 9
                                    

Chapter 13


Hazel's POV


Takot at nakakagulat. Ito ang nanaig sa akin. Yung tao naging...naging isang lobo?! Imposible. Hiniling ko sana na isa lang itong masamang panaginip. Pero totoo ito. Totoong nakikita ko ngayon. Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa takot lalo pa mabagsik ang itsura nya na ilang minuto lang susugurin na nya ako. Halos di ako makagalaw sa posisyon ko.

"Calm down and shift back, Luis." Utos ng pinuno nya.

Sumunod naman yung Luis. Nagpalit anyo sya bilang tao ulit. Ngumisi muna sya sa akin bago nagbihis. Humarap naman yung pinuno sa akin.

"How rude. I forgot to introduce myself. I'm Ernest Woodz. And I'm the leader of the rogues. Gusto ko malaman mo na matagal na kami ni Alpha Lennox na magkaaway. Too bad for him na hindi pa nila alam kung saan kami nagtatago. As you know, sa nakita mo ngayon, kami at yung mga kakilala mo sa pack ni Alpha Lennox ay mga taong lobo o madaling sabi ay mga werewolves kami." saad nya.

Parang hindi mai-sink in sa utak ko yung mga sinasabi nya. Ibig nya sabihin kung totoong mga taong lobo sila pati rin pala sina Samantha, Joyce, Brian, Dane, Michael, Lennox, at yung mga nakatira sa mansyon ay mga werewolves din?!

"I-imposible." Pabulong na sabi ko. "Hindi totoo ang mga sinasabi mo."

Tumawa muna sya na marahan.

"Believe me, my dear. Kitang kita mo naman kung paano nagbagong anyo ang kasama ko. Darating araw, makikita mo rin sila na nagbabagong anyo."

Lumuhod sya sa harapan.

"Matagal ko na sila sinusubaybayan. Naghahanap lang kami ng kahinaan ng kanilang pack para madali silang babagsakin. The reason why dinakip ka namin ay dahil sa gusto namin malaman kung ano meron ka at kung bakit tinanggap ka sa pack nila kahit na isa kang lang hamak na TAO." Idiniin nya yung salitang 'tao'.

Marahan na hinawakan nya ang baba ko at ngumisi sya bago nya ituloy ang sasabihin nya.

"Sa pag-alaman ko, hindi basta tatanggap si Alpha Lennox ang isang mahinang tao katulad mo na isasama ka sa pack nya. So tell me, may alam ka ba kung bakit tinanggap ka yang Alpha Lennox sa pack nya?"

Tanong nya habang matalim ang tingin nya sa akin. Umiling ako na marahan.

"W-wala. Wala talaga akong alam. Maniwala po kayo hindi ko talaga alam kung bakit o ano pinakarason kung bakit nandoon ako." Depensa ko.

Tinignan nya ako kung totoo ba o hindi yung sinasabi ko. Lalo akong kinakabahan sa ano man gagawin nya sa akin. Napalunok ako.

"Tsk. Tsk. Tsk. Is that so? O sige, di na kita pipilitin. Malalaman ko rin kung bakit. After all, gagawin kitang pain laban sa kanila." Sabi nya saka binitawan nya ang baba ko at tumingin sya sa dalawang lalaki sa likod ko.

"You two, ibalik nyo na sya sa kulungan." Utos nya sa dalawang lalaki.

"Masusunod po, pinuno."

-

Nang makabalik kami sa kulungan ay tinulak nila ako papasok kaya napadapa ako sa lakas ng pagkatulak nila.

"Hazel?" Boses ni Lena ang narinig ko.

"Lena, Joseph" Tawag ko sa dalawa.

Mabilis kong nilapitan sila at yumakap na mahigpit kay Lena. Nag-alala din ako sa kalagayan nilang dalawa. Kumalas kami sa pagkayakap at nakita ko na di mapigilan umiyak si Lena.

My Ruthless Alpha [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon