Chapter Eighteen

15.3K 397 17
                                    


Chapter 18


Hazel's POV


-6:30pm  

"Wow! Hazel, ang ganda mo sa dress na yan. Sigurado, matutulo ng laway si Alpha Lennox." Mapanukso na sambit ni Samantha habang inaayos nya ang dress ko.

"Oo nga, masasabi namin na ikaw ang pinaka magandang babae sa mundo." Puri naman ni Joyce habang mine-make up nya ako.

Hindi ko sila kinikibo dahil namamangha pa ako ang sarili ko sa salamin. Totoo nga yung mga sinabi nila. Maganda nga ako ngayon. Light red dress yung sinuot ko. May manggas ito hanggang sa siko at may yellow belt pa ito na hanggang tuhod yung haba ng palda. Simple pero maganda naman. Katulad yung bilin ko sa kanilang dalawa kanina na light make-up lang. Nakalugay ang buhok ko pero may itim na headband para may style. Red sandals na may 1 inch ang takong sa mga paa ko. Di ako sanay na matataas na takong. Sinuot ko na rin yung kwintas ni mama at bracelet na binigay sa akin ni Lennox kaya lalong bumagay sa akin.

"Salamat sa tulong nyong dalawa. Sa totoo lang, first time na niyaya ako na mag-date. Di ko maiwasan na kabahan ako mamaya. Baka mapalpak o di kaya may di magandang mangyayari." Palagay ko na ayoko naman mapahiya si Lennox kapag nangyari yun.

"Hey, hey. Ano ka ba? Wag mo isipin na ganun mangyayari. Just relax and stay confidence. Be yourself." Paalala ni Samantha. "Pero pagkatapos yung date niyong dalawa, bukas ikwento mo sa amin kung ano nangyari sa nyo ha?"

Bumungisngis silang dalawa. Pailing iling na lang ako. Talaga lang naman o.

"Oh! Come on, baka naghihintay na si lover boy mo sa labas. You know him. He's not a typical patience man." 

Tumango na ako kay Joyce. Ito na. Bumuga ako nghangin, Ang first date ko kasama si Lennox. Hanggang ngayon di pa ako makapaniwala na niyaya nya ako mag-date ngayon. Pagbaba namin at pumunta sa living room, nandoon na pala si Lennox na naghihintay pero nakatalikod sya sa amin. Ilang segundo nakalipas, naramdaman nya yata na bumaba na kami at lumingon sya sa amin. Wow! Halos napanganga ako sa itsura nya. Masasabi kong ang napakagwapo nya. Black polo pero fitted ito kaya nakikita ang kanyang muscles. White pants at black shoes. Napansin kong nagpagupit sya ng buhok kaya lalong bumagay sa kanya. Tulala sya nang makita nya ako.

"Maiwan namin kayo, Hazel, Alpha Lennox." Rinig kong nagpaalam si Joyce saka umalis na silang dalawa ni Samantha. Habang kami na lang ni Lennox ang naiwan. Naku, bakit biglang uminit dito?

"Ah h-hi."

Hi lang? Ano ka ba naman, Hazel.

"Hazel."

"Hmm?"

"I must say you're very beautiful today." Saad nya.

Umiinit na naman yung pisngi ko dahil sa sinabi nya. First time ko na may nagsabi sa akin na maganda ako.

"Salamat." Nahihiyang sagot ko.

Tumango sya.

"Shall we?" Tanong nya na nilahad yung kanang kamay nya sa akin na parang humawak ako sa kamay nya.

Tumango ako at nung humawak ako sa kamay may parang kakaibang kuryente na dumaloy sa katawan ko. Sa isip ko, baka naramdaman din ni Lennox. Hindi nagtagal umalis na kaming dalawa.

-

"Lennox, di ako familiar yung mga pagkain nila rito." Palagay ko matapos nag-order si Lennox sa waiter.

My Ruthless Alpha [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon