Chapter 17
Hazel's POV
-Cafeteria
"Talaga?!"
Nilagay ko ang aking hintuturo ko sa bibig ko na ibig sabihin ay tumahik sila.
"Uy, wag naman kayo sumigaw. Pinagtitingan tuloy tayo ng iba rito." Saway ko sa kanila.
Tumawa naman si Joyce.
"Sorry, nabigla lang kami. Di namin akalain na pumayag talaga ang Alpha na maging mate ka nya. Ahh! Super sweet naman." Nakikilig na sinabi nya.
"Uyy! Tama ang hinala namin. May something nga kayo ni Alpha Lennox. Ayy."
Sinusundot sundot ko ni Samantha sa tagiliran ko. Itong dalawang ito o. Habang break time namin, tinatanong nila ako kung ano nangyari sa pag-uusap namin ni Lennox nung nakaraang linggo. Sa una, ayaw ko magkwento tungkol doon pero dahil alam ko na makukulit sila, kinuwento ko na lang. At yun nga kilig na kilig naman silang dalawa.
"Kaya pala blooming ka nung mga nakaraang araw pa. So, ano, may sinabi ba sya na kung ano ang feelings nya sa iyo? O inamin mo ba yung feeling mo sa kanya?" Naeexcite na sambit ni Joyce.
Napakamot ako sa batok. Bakit ang kukulit ng mga ito?
"Sa totoo lang, hindi ko masabi kung ano talaga status na namin dalawa. At saka-
Bahagyang napayuko ako para nila akong makita ang pamumula ng mukha ko.
"Di ko lang maamin sa kanya kung ano nararamdaman ko dahil nahihiya pa ako." Dugtong ko.
Nawala yung ngiti nila dalawa.
"What?" Taka ni Joyce.
"Oh come on, hindi nyo pa inamin yung feelings nyo sa isa't isa." Sabi ni Samantha pagkatapos uminom sya ng juice habang nakasimangot ang mukha nya.
"Hayaan nyo na. Sinabi ko rin naman sa kanya na magdahan dahan muna kami upang makilala pa namin isa't isa." Sabi ko habang kinakain ko yung sandwich ko.
"Akala ko official couple na talaga kayo. Ano ba yan." Pahihinayang tono ni Samantha.
"Ano ba, Samantha, darating din sila dyan. You know, sa simula close lang sila then one day malalaman na lang natin na lovers na. O diba." Palagay naman ni Joyce.
Napailing iling na lang ako. Isang linggo na matapos nagkaayos kami ni Lennox, parang naninibago ako sa kanya tulad nang: kapag nagkasulubong kami, kinakamusta nya ako; minsan kapag kami lang dalawa, nag-uusap tungkol sa maliit na bagay; at kapag wala syang pack meeting, niyaya nya ako pumunta sa lawa. Napansin naman ng iba yung ginagawa namin. Kaya lang di ko pa nakikita yung iba pang emosyon nya. Palagi na lang seryoso at striktong tignan. Sana makita ko yung totoong ngiti nya balang araw.
*riiiiinnngggg*
"O, time na pala. May recitation pa naman tayo mamaya. Let's go, guys." Sabi ni Samantha na agad tinapos yung kinakain namin saka lumabas na kami sa cafeteria.
"Nasaan pala sina Bryan at Dane? Di ko naman sila nakikita mula umaga kanina." Tanong ko kay Samantha.
"May training sila ngayon kaya absent sila." Maikling sagot nya. "But hey, may nakalimutan akong itanong sa iyo. Nag-kiss na ba kayo?" Bulong nya.
Naglaki ang mga mata sa tanong nya. Kiss? Namula ang mukha ko doon.
"A-ano ka ba hindi pa nga naging kami eh nag-kiss na agad." Tanggi ko.
BINABASA MO ANG
My Ruthless Alpha [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
RomanceMy Ruthless Alpha A shy and loner girl, Hazel, has been abused and bullied since her parents died in the car accident. But she has a good heart despite on what happened to her. But her fate will be change when a mysterious creature came to her. A m...