CHAPTER 1- When we met.

1.4K 16 0
                                    

"Sa isip at panaginip, bawat pagsilip ng tadhana hinahanap--." Alarming Phone!

Kath's Pov:

Umaga't pasokan na naman! Nakakainis talaga kasi kelangan mo pang bumagon ng maaga pero buti nalang, maganda ang bangon ko everyday dahil lagi nalang boses ng husby ko ang gumigising sa akin....ang aking alarm tone..

"l wish I can hear your real voice Mr. Mustache! Ganda talaga ng umaga ko kapag ikaw yung unang naririnig ko." Pasigaw kong sabi sabay kuha, halik at turn-off sa alarm clock ng phone ko.

"Hay! Makahiga nga muna."

Pahiga na sana ako ulit nang biglang umepal si mama.

"Kath! Bangon na, alas otso na oh. Late ka na naman."

"Weeeh? Excited? 6 AM pa naman ma eh.." "5 minutes please.."

"Anong 6 AM Kathryn? Eh.. baka yung cellphone mo lang yung mali ang oras?"

Hmm? Tama ba yung narinig ko, mali ang oras ng phone ko? Tignan nga natin kung totoo yung sinasabi ng commander mother ko.

Mama ko? Protective at caring yan. Gusto niya na makapagtapos kami ng pag-aaral para makabalik na si papa galing America at magkaroon kami ni Clarence ng magandang kinabukasan. Tsaka, maganda mama ko teh! Mana sa akin! Heh! Haha

Lumabas ako at tinignan ang aming biggest clock ever! Ginawa kasi yun ng lolo ko simulanung 18 years old pa siya. Ngayong wala na si Lolo ay kami nalang ang nangangalaga sa orasan. Lumang-luma na mga eh. Pero may sentimental value yun no!

-----

"Luh! Patay na naman ako neto kay maam." sabi ko sa sarili ko.

"Hahaha, patay ka talaga. Pati sa akin kapag bumagsak ka!" epal ni mama. Nako patay ako netoooh! Grounded na naman ako kay mama for 3 weeks. Lah, makakasurvive pa kaya ako nito? Putang cellphone, kasalanan mo talaga 'to!

"Opo mama. Ako di papasa? Hahaha. Eh, ang talino kaya nitong anak mo no? Mana kaya ako sayo!"

"Hoy, ikaw Kathryn Chandria Bernardo ha?" Sabi ni mama. Fullname talaga? "Alam ko na yang moves mo. Pomopogi points ka para mabigyan kita ng malaking allowance? Maligo ka na nga diyan at sa second subject ka nalang pumasok" dagdag niya.

Got To BelieveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon