CHAPTER 27- Postponed Panliligaw.

137 6 0
                                    

Pagkatapos ng napaka-dramang peace offering ko ay dumiretso na kami sa labasan ni Kath. Ililibre ko sana siya ng biglang sumigaw si Kiray. 

"Kath! Si Francis!" Kabadong sigaw ni Kiray.

"Kirs? Wala dito si Francis." Sagot ko sa kanya.

"Ba't mo siya kasama Dj?" Pagsusungit ni Kiray.

"Ahm, Kirs. Okay na kami." Sagot ni Kath.

"Okay! Pero Kath, si Francis nga! May nangyari sa kanya. Nabundol daw, nadisgrasya, nalumpo-- basta! Dumiretso na tayo sa ospital please?" Atat na sagot na Kiray.

"Ha? Ano? Si Fr-ancis? Nasa hospital? Nasagasaan?!--O-tara! Ano pa bang hinihintay niyo. Shet." - Kath.

"Wait Kath. Sabay nalang tayo please? Kunin ko lang bag ko." Sabi ko kay Kath at dumiretso na ako sa classroom. 'Badtrip' sabi ko sa sarili ko habang naglalakad ako papuntang classroom.

Pagbalik ko ay nag-iisa nalang si Kath.

"Oh, asan si Kiray." tanong ko sa kanya.

"Umuna na siya--ano, tara?" -Kath.

"Tara." Kinuha ko yung susi ng sasakyan sa bag ko at dumiretso na kami sa parking area.

"Ikaw ang magda-drive?" Tanong niya.

"Oo, wag kang mag-alala. Marunong na akong mag-drive." Sagot ko.

Pumasok kami sa sasakyan at dumiretso sa Perpetual Succour Hospital. Atat na atat si Kath at di siya mapakali.

"Mahal mo ba siya boss? I mean, mahal mo na talaga no?" tanong ko sa kanya na kunwari tinutukso ko siya.

Napatingin siya sa'kin at biglaan na lamang siyang huminahon. She slightly smiled. I don't know but her eyes seems saying 'Yes, I do' At alam ko namang di lang niya sinasabi sakin dahil alam ko na ayaw niyang makita ko na 'mahina din siya at kahit kailan, di niya kayang iwasan ang nararamdaman niya.'

Napayuko ako, nahiya ako sa sarili ko.. Di ko alam kung bakit ang gago ko, kung bakit ang torpe ko at kung bakit ang duwag duwag ko! Grabe, ang bading bading ko! Grabee. -,-

Pero siguro, ito naman talaga di ba pag mahal mo talaga ang isang babae? 'Tawagin ka man na bobo, duwag, tanga at torpe ng boung mundo ay okay lang dahil ang importante, masaya ang taong mahal mo..ang importante, andiyan lang siya at malaya mo siyang nakakasama.'

Cellphone vibrating. May phone call si Kath. Call answered.

 "Hello?" -Kath.

Loudspeaker on.

"Hello? Kath!?" Tarantang sagot ni Kiray. Narinig ko, naka- loudspeaker eh.

"Kirs?" -Kath.

"Kath, wala dito si Francis sa hospital!" -Kiray. 

"Ha? E-asan?"-Kath.

"Kath, ewan! Basta wala. E, sabi kasi ng mommy, dito siya-dinala pero pagdating namin dito 'wala eh!" -Kiray. 

"Ha? Sige, subukan kong i-contact mommy niya. Sige bye Kirs, ingat kayo diyan." Malungkot na sagot ni Kath tsaka binaba ang phone.

Huminga siya ng malalim, tumingin sakin at ngumiti (sarcastic smile) ta's tinawagan niya kaagad yung mom ni Francis pero walang sumasagot.

Tapos, pinaki-usapan ako ni Kath na pumunta sa bahay nila Francis pero pagdating namin dun ay wala si Francis pati mommy niya at halos puro yaya lang nila ang nasa bahay.

Got To BelieveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon