CHAPTER 28- Batang Simangot at si Batang Kulit.

137 8 0
                                    

Dj's Pov: Nandito ako sa bahay nila ni Kath. Excited na akong Makita siya muli. Yun nga lang, may sakit siya. Ba't kaya masakit yung puso niya? May sakit kaya siya? Basta andito na ako, itatanong ko nalang sa kanya mamaya pagpasok ko.

"Tao po. Tao po." Kinatok ko yung pintuan nila Kath. Pero parang wala atang tao? Uulitin ko nalang. "Tao po. Tao po." Hintayin ko nalang siguro na may magbukas ng gate. Ang panget naman kasi kung papasok nalang ako bigla baka mapagkamalan pa akong magnanakaw- gwapong magnanakaw pala. Hahahahah. XD Pero baka umalis na sila ng bansa? Napakatahimik kasi ng bahay nila eh, parang wala na talagang tao—at may planong bumalik. Umalis na kaya sila? Imposible, di naman aalis yun ng hindi nagpapa-alam sa akin, mami-miss ako nun.

"Iho? Anong sadya mo?" Biglaang tanong ng isang aleng kapit-bahay nila ni Kath na dumaan kagagaling lang doon sa isang tindahan malapit dito sa bahay nila ni Kath.

"Ah, ale— may tao po ba dito?" Tanong ko sa kanya.

"Diyan? Eh, maagang silang umalis iho eh. May dumating pa nga ditong ambulansya eh, ang balita ko—inatake daw sa puso yung anak ni Min." Sagot niya.

"Si Kath po?" Tanong ko na parang sinasabi ko sa sarili ko na 'totoo?'

"Oo! Si Kath iho, yung nobya mo! Di ba ikaw yung lalaking lagi niyang kasama?" Ang sarap naman niyan sa pakiramdam manang pero sana nga.

"Sige po. Sa'ng ospital po ba dinala si Kath?" Tanong ko sa kanya.

"Sa Perpetual Succor Ospital iho. Oo! Oo! Nakita ko sa ambulansyang sinakyan nila at nakasulat doon 'Perpetual Succor Ospital Ambulance.'' Sagot niya.

"Ah ganun po ba—Eh ale, mauna na po ako kasi bibisitahin ko muna yung bestfriend ko, di ko po girlfriend. Baka kasi kumalat na nobya ko siya at pagalitan pa siya ng mama niya. Sige po ha? Salamat." Umalis ako agad at pinuntahan ko si Kath sa ospital.

*Perpetual Succor Ospital*

Pagdating ko doon ay nakita ko siya, napakahina niyang tignan at putlang-putla siya. Pero kahit maputla siya't sakitin, ang ganda parin niya. "Kath!" Sigaw ko at yinakap ko siya agad. Kumalas ako agad ng yakap sa kanya at tinanong ko siya "Ano bang nangyari sa'yo?—Akala ko, umalis ka na. Pinakaba mo ko ha—Anong bang sakit o nararamdaman mo? Ano bang sakit mo?" Deri-deritso kong tanong. Sana nga matanong ko rin sa kanya na 'mahal mo ba ako' pero andyan mama niya baka mapektusan pa ako nito. XD

"Wala, okay lang ako. Wag kang mag-alala.—Ano ka ba, wala akong sakit. Ikaw talaga, inuunahan mo akong bigyan ng sakit. Okay lang ako, ang lakas lakas ko oh, at maganda pa." Birong sagot niya.

"Ahm, iho." Tawag sa akin ni Tita.

"Ah, Tita. Opo, baket?" Sagot ko.

"Ah, iho. Pwedi bang humingi na favor?" Tanong niya sa akin.

"Anything Tita. Ano po yun?" Sagot ko sa kanya.

Then sabi niya na pwedi ko ba daw kumuha ng mga damit ni Kath tapos sabi ko 'Sure Tita' then umuwi ako agad sa bahay nila. Nabigla ako kung bakit bukas yung ilaw sa loob pero sabi ko 'baka bumalik dito kadali si Tita kanina pag-alis ko'. Pumasok ako sa loob at dumiretso na ako sa kwarto ni Kath.

Hinanap ko yung mga damit ni Kath pero iba yung nakita ko, isang box. Ayoko ko sanang buksan yung eh pero something is trying to push me to open it. Pagbukas ko, may nakita akong isang panyo. 'Teka, familiar to ah?' Sabi ko sa sarili ko. Ano ba yan! Ganyan na ba talaga ako ka 'alone' para sarili ko nalang yung kinaka-usap ko? Pero sabagay, ako lang naman talaga dito sa bahay na'to, alangan naman yung panyo kausapin ko. XD Pero seriously, naalala ko'to eh. Naa-alala ko talaga 'to. Teka ha..

*Flashbacks*

'Ay! Naa-alala ko na. Ito pala yung panyong naiwan ko sa park noong bata pa ako tapos magkasama pa nga kami ng first love ko eh. Asan na kaya yung batang yun? Napaka-masayahin talaga ng batang yun at sincere pa sa mga nararamdaman ng iba—pero di ko alam yung pangalan niya eh. Aysus! Past is past. Bata pa ako noon, wala pa akong alam sa totoong meaning ng love. Pero noon yun, mas mahalaga yung ngayon—Pero  teka 'paano napunta kay Kath ang panyo ko? Nakita niya kaya 'to? Napulot? Kapareho lang sigurong batman ng design. Pero di bale na, itatanong ko nalang pagdating ko sa ospital.' Yan yung mga nasabi ko sa sarili ko habang tinitignan ko yung panyo.

"Sino ka?!" Tanong ng isang batang bugwit na ang takaw-takaw kumain ng cake nila ni Kath.

"Ako? Sino ako? Hahaha—Ikaw batang tabachingching, sino ka?" Tanong ko sa kanya tapos linapitan ko siya at kinurot ko yung pisngi niya.

Sino sa tingin niyo ang batang tabaching-ching sa bahay nila Kath? Magnanakaw? Pulubi? O ano kaya—katulong nila Kath? Sino kaya? Hulaan niyo nalang kaya, nakakapagod mag-suggest—joke. #Vote. #Comment. #Follow me. #Spread. XD

Got To BelieveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon