CHAPTER 22- We are friends forever.

166 5 0
                                    

I miss the old him..Maraming araw na ang lumipas simula nung nag-away kami ni Dj ta's nagkabati naman pero you know what, after that bigla nalang nawala yung lahat.  Ewan ko ba pero alam niyo ang dami talagang nagbago. Pati siya, nagbago. Di ko na nga makilala e. Siguro ito talaga pag masyadong mong pinapahalagan yung isang tao, lahat ng pagbabagong nagaganap between the two of you, napapansin mo. Minsan, natanong ko 'ba't ko pa ba siya nakilala?' -___-

Ang sakit e. Ang hirap tanggapin. Pero kahit ewan, alam ko na nasasaktan ako dahil mahal ko na yung bestpren ko! At yun naman talaga yung pinaka-ayaw kong mangayari e. Hay, pamahak talaga yan love'love na yan. -____-

Di na niya ako hinahatid at sinusundo sa bahay.

Di na niya ako linilibre. XD

Di na niya ako sinusuportahan sa lahat na mga ginagawa ko.

Di na siya ngumingiti sa mga jokes ko'ng corny.

Di na kami nagkakausap.

Iniiwasan niya pa ako pero di lang niya pinapahalata.

Ano ba yan bestpren! Ano kaya yung problema nito no? Ay, nagsawa na siguro sa'kin yun. Di ako yung pinili niya e. Obvious naman na yung barkada yung first choice niya at di ako.. 

Ang galing-galing no? Ako na nga yung nagpapahalaga sa kanya, ako pa yung may concern sa kanya ta's ako iniwan! Ang unfair naman ata ng mundo? xD

Bakit ganoon? Ba't ang tanga ko parin? Ba't siya biglang nagbago? Sabagay, pareho lang naman silang lahat na mga lalaki e, nagbabago kapag nagsasawa na! -_____-  

Hay, di ba ang sabi ko nun hanggang mag-bestfriends lang talaga pero bakit bigla nalang atang naging pag-big?

Di ko naman inaasahan na aabot pa talaga 'to sa gan'to. Ayoko na naman kasing ma-inlove sa love'2 na ito e, pero lintik e- ang hirap iwasan! Dahil simula nung dumating siya, simula ng dumating si Dj ng di inaasahan ay di ko man lang namalayan na nagbago na pala ako.

Wala na si Kath na masungit at lovehater.

Wala na si Kath na manhater at pakipot.

Wala na si Kath na astig at matigasin yung puso..

Dahil ang natitira nalang ay yung Kath na tanga, bobo dahil sa sobrang lambot ng puso..at lahat ng yun ay dahil sa bestpren niya, si Dj.

Ba't kaya ganun? Bakit sa dinami-dami ng lalake sa boung mundo..Bakit yung bestfriend ko pa? -______-

--------------------------------------------

Afters a few days.

Ilang araw na kaming di nagpapansinan ni Dj. Simula nung sabihin niyang gagawin niya ang lahat para mapatawad ko siya. Ano ba yung lahat na pinagsasabi niya? E, kahit isa wala nga siyang nagawa. -_____-

Heto, nagmumuni-muni sa park parang tanga lang. Wala na talaga si Dj, wala na ata talaga si Bestpren, wala na ata talaga ang taong akala kong laging andyan.

"Hoy!" Si Kiray yan. Alam ko yan kahit di ko pa tinitignan.

"Ayses, andyan ka lang pala Ms. Looner!" Sigaw nila Miles habang papalapit sila sa akin.

"Oy Kath, si Dj..nakita namin kanina..kasama yung mga boys na classmates natin at sila Jay-r. Di ba kilala yun dito na druglord?" Sabi ni Miles tapos tinabihan nila ako pareho.

"Ganun ba? Bahala siya. Ginawa ko na lahat-lahat para sa ikakabuti niya. Kung ayaw niya e di wag. Doon naman ata siya masaya..Di ko naman siya mapigilan dahil di naman niya ako nanay para utusan siya kung ano yung dapat at di niya dapat gawin.." Sagot ko.

"Pero Kath, mababago mo pa siya..dahil mahal ka niya." Sabi ni Julia.

"Mahal? Siguro, baka, ou. Wala na siguro yun, napagod na yun. Nagsawa na yun sa kakadiskarte." Oo, naramdaman ko yun, mahal niya ko at pati narin yung nangyari sa bukid.

"Pero bestfriend mo siya, dapat mo siyang pagsabihan." Panunutsot naman ni Miles.

"Yun na nga yun e...bestfriend niya lang ako, di niya ako girlfriend." Sagot ko kay Miles.

"Pero Kath, you should know that you're more than a girlfriend, sana naman wag kang masyadong marter. Di ba mahalaga siya sayo? Kath, porket mahalaga..dapat linuluwagan mo? Wag kang masyadong tanga at kampante Kath dahil baka makatakas. Sige ka, pag nawala si Dj, malulungkot ka dahil ako may Igi boy na ako, si Miles sila na ni Marco at si ako naman, masaya na ako kay Albie..ikaw, paano nalang kung mawawala si Dj? Eh, wala ka naring lovelifebalik ka na naman noon, masyadong looner, ayaw magkagusto—mala'cactus yung puso at kill joy. Ano ba naman yan..." Sabi ni Julia.

"Oo nga, mahalaga siya kaya nga natatakot akong mawala siya. Losing him's like losing a very expensive diamond, it hurts too bad. You know what Juls, tama ka. Dapat matagal ko nang na-realize na mas may karapatan ako higit pa sa isang girlfriend. Pero..alam niyo, useless parin yun e. Kahit ano pang sabihin ko sa kanya, di parin yun makikinig sa akin. Kung noon nakinig siya, siguro dahil mahal niya ako..pero ngayon na hindi na..hindi narin yun makikinig. Kaya hayaan nalang natin siya. Hinayaan ko na nga lang e, bahala na. Andyan naman kayo e, alam ko naming di niyo ako naman iiwan kahit maging killjoy ako ulit, di ba?" Tanong ko sa kanila.

"Siyempre naman Kath, ikaw pa. Lakas mo sa amin e." Sabi nilang lahat ng sabay-sabay at nag group hug kaming lahat.

~~~~~~~~~~~~

Sarap talaga pag andyan mga kaibigan mo. Kahit anong mangyari, masaya ka dahil andiyan sila eh..- Kath.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

Ano na namang drama kaya ang mangyayari sa susunod na kabanata guys? Excited na ako dahil 'wala talagang laman ang utak ko, grabeee. Hahaha. Pero guys, unti-unti ko nang ini-improve ang writing skills ko as a author dahil baka ma-bored kayo sa mga next chapter eh. XD

#Vote. Comment please! :)

Got To BelieveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon