CHAPTER 23- Bata?!

140 7 0
                                    

*Sa school*

Basa lang ako ng basa ng mga aklat. Nagco-compose ako ng short stories such as love stories, fairytales, comics at iba pa. Minsan natutulog nga ako sa classroon eh, di kasi kami pinapasukan ng teacher namin dahil wala naman ding maayos na pasokan ngayon kasi nga malapit na matapos 'tong school year calendar namin. Minsan nga kahit buhok ko, kinakalbo ko nalang para na din di ako ma-bored. Wala na kasi akong ibang magawa e kasi si Kiray, Miles at Julia nakikipag-date na naman nina Albie, Igi at Marco. Ewan ko sa kanila basta ako dito nalang ako, bahala sila sa buhay nila. :3

"Kath, halika nga!" Sigaw ni Kiray.

"Ayoko nga. Dito lang ako." Sagot ko sa kanya.

"Ayaw mo talaga? Seryoso ka?" Tanong niya. Ano kaya yun? Hmmm. \m/

"Bakit?—Ano ba naman yang kalokohang ginagawa mo kirs?" Tanong ko sa kanya ng pasigaw. Eh nasa malayo eh, alangan naman ibulong ko. Di ba? XD

"Hindi 'to kalokohan kath, kagwapuhan 'to!" Ano bang kagwapohang sinasabi ng susong 'to. -_-

"Kagawapohan?" Litong-lito kong tanong sa kanya.

"Oo at kalangitan din!" Kalangitan din? Woootdda? Anghel bayan? Bumaba sa lupa, pinadala para sa akin? XD

"Huh? Ano bang pinagsasabi mo diyan Kirs?" Tanong ko sa kanya.

"Nako sis! May Richard Yap at Enchong Dee sa school!" Ha?! Lol. Alam kong si Dj na naman yan.—Pero paano kung meron nga? Omeygid.

"Awee? Asan?!" Excite na excite kong tanong.

"Andun, sa hallway. Halika—puntahan na natin!" Sagot niya tapos hinablot niya yung kamay ko at kinaladkad niya ako palabas.

Mayroon nga ba? O baka pinagtritripan na naman ako ng gagang to? >//<

Pumunta kami agad sa hallway para linawin kung mayroon talaga sila Richard Yap at Enchong Dee sa school. Siyempre, artista na yan ang mismong bumisita sa school, papa hard-to-get ka pa? Sugod na! Haha. xD

"Excuse us-excuse me po-excuse-padaan-excuse." Sabay naming sabi ni Kiray habang naglalakad at nakikisiksik sa mga nagkakagulong mga babae't bakla sa hallway. Hangga't sa may nakatapak ng paanan ko tapos hinimas-himas ko 'to tapos bigla ko nalamang nakita si Dj at yumuko ulit nang bigla na lamang mas lalong naging magulo at natabunan ako ng mga tao at nahimatay siguro? Basta, wala na akong maa-lala.

Pag-gising ko ay nasa clinic na ako ng school tapos may isang lalaking nakatalikod.

 Tinanong ko siya "Sino ka?"

Unti-unti siyang humarap tapos sabay kaming nagulat at sinabing, "Bata?!"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Bata? Yung lagi kong kalaro noon? Si bata ba yun? Parang di naman ah. Ang gwapo ha, tapos ang puti. Teka para siyang—takte! Siya pala yung sinasabi ni Kiray. Akala ko pa naman—totoo. :3

Sino kaya si 'bata' na tinutukoy ni Kath? Siya nga ba? O kapareho lamang nang mukha. Ano kaya ang mangyayari sa pagpasok ng 'mala-enchong at Richard na lalaking yun sa buhay ni Kath?'

#Vote. #Comment. #Spread.

Got To BelieveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon