CHAPTER 30- Until death do us apart.

164 6 0
                                    

Maaga kaming nagising ni mommy para bisitahin si Kath. Ewan ko lang kung kailan kaya pero alam niya na pala na na ospital si Kath. Tinanong ko nga kung saang lupalop siya nagtanong at sabi niya. "sa tita min mo."

Mas unang nagising si mommy para magluto para kay Kath. Ang swerte naman ata ng prinsesa ko at nakalimutan akong paghainan ni mommy ng breakfast? Hahaha. Di bale na. Basta para sa prinsesa ko, okay lang yan. :'D

Dali-dali kaming kumain, nag prepare ng fruits and foods for Kath at naligo ni mommy.. pero for your info., di kami sabay naligo. Aahahah. Ang laki ko na kaya.


Pagdating namin sa ospital ay dali daling hinanap ni mommy ang room ni Kath..at pagdating at pagbukas pa lamang ni mommy ng pintuan ay agad niyang inilagay ang mga prutas sa lamesa at yinakap ng matagal si Kath. Ako naman nandito lang sa pintuan, ini-aarange yung fruits.

Walang tao sa loob kahit isa. Iniwanan nilang lahat si Kath. Buti nalang walang nagyari sa prinsesa ko.

Matagal na yinakap ni Mommy si Kath. Lumobug nalang ang araw at nagyayakapan at nag-iiyakan parin sila...

Jokee! Oh heto totoo na'to.

Yinakap ni mommy si Kath ng lubusan as if anak niya. Pero alam niyo, di na kakailanganin ang salitang 'as if' na yan kasi malapit nang mapalitan ang apelyido ni Kath ng apelyido ko. Magiging legal ng anak ni mommy si Kath. Hahah. Assuming ko grabee.

Sa lubos na pagkakabalisa ni mommy ay di man lang niya namalayang dumating na sina Tito at Tita Min.

"Kath, ano bang nangyari sa'yo? ...Ha?..Okay ka lang ba?...Kawawa ka naman batang ka..Ang Ang bata bata mo pa..inatake ka na agad sa puso..nako naman kasi..eh masyado niyo naman kasing sineseryoso yung mga feelings niyo..kaya ayan tuloy..." walang urong na tanong ni mommy kay Kath.

"Okay lang po ako Tita...God's always there to help me in my sickness." Sagot ni Kath.

"Talaga ha? Oh, baka naman may boypren ka na? Tapos sinaktan ka niya..linoko..tapos nasaktan ka kasi pinagpalit ka lang niya sa iba.." Mga nakaka-lerke naman talagang tanong ni mommy.

"Haha..wala po tita..Kayo po talaga.." Maikling sagot ni Kath..Kawawa naman ang prinsesa ko..ang tamlay na.. 

"Who are you?" Tanong ng baboy, si Clarence...Kakadating lang.

Lumingon si mommy sa may pintuan kung saan kami lahat naka-pwesto.

"Hi best..Kamusta na..?" Mapag-alalang tanong ni mommy kay tita.

"Heto..sa taas nalang at sa pamilya humuhugot ng lakas.." Nakasimangot na sagot ni Tita.


Tumayo si mommy sa inu-upuan niya at lumapit at yinakap si Tita.

"Everything's going to be okay. Just keep the faith.." She paused and then asked Kath. "Am I right Kath?"

"Yes, Tita."

Pagkatapos ay kumalas si Tita ng yakap kay Mommy tapos bigla nalamang napatingin ng malalim si Tito Teodor kay Mommy and then Mommy also look at him in the same manner and asked. "Is he your husband?"

"Ay, oo. Sorry nakalimutan kong ipakilala sayo.." Sagot ni Tita tapos lumapit kay Tito sabay hawak sa balikat. "Teodor, meet my bestfriend—." Di paman nakapagtapos magsalita si Tita ay nagtanong na agad si Tito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Got To BelieveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon