CHAPTER 20- I'm leaving sooner.

171 6 0
                                    

Ayoko ko sanang pumasok pero kailangan. Ewan. Wala akong gana. Parang hinihila talaga yung katawan ko ng kama ko pero dapat akong pumasok ako, dapat matatag ako dahil pag pinakita kong malungkot ako baka sabihin nila na- lalaki lang pala yung kahinaan ko. Ang gusto ko, makita nila na kahit anong mangyari- walang Dj o meron - meron mang bestfriend o wala - malakas ako.

Nag-usap na pala kami ni mama tungkol sa pangi-ngibang bansa namin at sumang-ayon na rin ako sa desisyon niyang isama ako. Ewan ko kay mama, biglaan nga yung desisyon niya eh. Gusto ko sanang magtanong pero para sa'n pa? Pero para narin siguro 'to sa ikakabuti ko, namin ni mama at sa samin ni Dj. Baka sakaling pagbalik ko, magkaka-ayos na kami..o baka sakaling magaan na yung loob ko sa kanya o baka makayanan ko nang patawarin siya..

Baka lang namin e. Walang kasiguraduhan ang lahat. At tsaka, matagal pa naman yung alis namin mukang sa bakasyon pa ata kami aalis. Siguro, baka ngayon na andito pa ako sa Pilipinas, maayos na namin..ang lahat-lahat sa pagitan namin ni Dj.

During science subject.

"Boss?" Tawag sa akin ni Dj habang inaabot sa akin yung spaghetti'ng dala-dala niya. Pakshet, ang sarap! Dj talaga ha? Alam niya talaga ang mga bagay na di ko kayang tanggihan.

"I'm not hungry. Bigay mo yan sa mga friends mo baka nagugutom sila. Baka mamatay sila sa gutom, sayang naman..mahalaga pa naman sila para sayo." Wee? Shet, ang sarap hablutin nung spagghetti! -___-

"Kath, di mo na ba ako mapapatawad?" Tanong niya.

"Siguro, maari pa Dj..siguro may paraan pa pero wag muna ngayon." Sagot ko sa kanya tapos di talaga ako tumingin sa kanya kasi ayokong maawa. 

"Bakit kath? Ano ba yung dapat kung gawin?" -Dj.

"Dapat mong gawin? Kainin mo yang peace-offering mo..dahil baka nagugutom ka't nakakalimutan mong nakikipag-usap ka sa pinakawalang saysay na tao sa buhay mo." Sabi ko. Siguro dapat maging matapang narin ako no?

"Kath, wag ka ngang ganyan..di mo lang alam na mahal--." Napahinto siya. "Mahal-laga ka para sa akin. Sana naman mapatawad mo ako dahil baka mahuli na ang lahat."

"Bakit Dj, mawawala ka ba? May sakit ka ba? Mamatay ka na? Bakit ikaw ba yung mawawala Dj? Di ba dapat ako yung dapat mawala? Dahil aalis na kami Dj.. Pupuntahan na namin sila Papa at Clarence, doon na kami titira.." -Kath.

"Aalis ka? Iiwan mo na ako? Di na ba kayo babalik?" Aba siyempre! Sabi ko nga 'aalis KAMI di ba? Hindi ko sinabing aalis TAYO! Pambihira.

"Hindi Dj. Babalik pa naman ako e. Baka sakali pagbalik ko, maayos na ang lahat. Sabi nga nila 'timeheals' kaya baka mangyari sa atin yun.." -Kath.

"Pero Kath, wag ka namang mang-iwan oh."  -Dj.

"Dj, wala na akong magagawa."-Kath.

"Kath, I'm sorry. Promise, gagawin ko ang lahat, wag ka lang umalis." Eh, di kumapit ka nalang sa eroplano! 

"Dj, siguro ngayon..dapat sarili nalang muna natin yung isipin natin dahil pinapalala natin yung sitwasyon eh. Lalo lang tayong di magkaka-intindihan Dj kaya mas mabuti pa na wag na munang tayong magkita o mag-usap man lang. Pwedi?" Tumayo ako at aalis na sana ng bigla siyang sumagot.

"Hindi kita susukuan Kath. Bestfriend kita, ikaw yung dahilan kung ba't ako pumapasok sa school, kung ba't ko pinagbubutihan yung pag-aaral ko kaya ayokong mawala ka; importante kana sa akin Kath at di ko kakayanin na mawalay ka sa akin." Di mo kasi ako ni-replyan eh, ayan tuloy.

"Tigilan mo nalang ako Dj, masasaktan ka lang." Sagot ko tapos umalis narin ako agad. Ayoko ko nang marinig yung mga sagot niya. Baka maawa pa ako, tapos papatawarin ko siya agad tapos lolokohin niya ako tapos ano? Ako na naman yung magmukhang tanga? Ganoon? XD

"Kaya kung masaktan, makasama ka lang." Narinig kong sabi niya habang paalis na ako. Di ko nalang siya pinansin. Nakakasawa kasi yung mga sinasabi niya eh. Masyadong common, alam ko namang si-nearch lang yang mga sinasabi niya sa google. -_- 

----------------------------------------------------------------------------

Magkakapatawaran pa kaya sila? 

#Vote. Comments! :)

Got To BelieveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon