CHAPTER 8- Batang Simangot.

221 7 0
                                    

Sabado, walang pasukan. Di na muna ako lumabas ng bahay, masyado na kasing mainit ang panahon ngayon eh, baka ma damage pa yung smooth and white skin ko. XD

"Kath!" Si mama yun.

"Opo mama. Bakit po?!" Sagot ko.

"Kumain ka na't baka malipasan ka pa ng gutom." -Mama.

"Opo ma, tatapusin ko nalang po'tong ginagawa ko." -Ako.

"Sige anak, basta kumain ka agad ha?"  -Mama.

"Opo ma."-Ako.

Nag-aayos kasi ako ng mga gamit ko pero biglang may panyo akong nakita. Habang tinatapos ko ang pag-aayos ay innisip ko, kanino kaya 'to?'

Di nagtagal ay naalala ko narin.  Panyo pala 'to ng childhood sweetie ko. Panyo pala ito ng first crush ko nung bata pa ako at batman yung design ng panyo. XD

Habang nakatulala ako sa panyo ay di ko namalayang yung iniisip ko ay binubuga na pala ng bunganga ko. "Hay. Asan na kaya yung batang yun? Sana makita ko siya ulit at sana di na yun nakasimangot pag nagkita kami ulit. Paano naman kasi e, lagi nalang nakasimangot! Simula nga nung araw na nakilala ko siya e, nakasimangot na siya..hangga't sa naging marunong narin siya na ngumiti simula ng araw na naging kaibigan kami. Sabi nga niya e, "Walang iwanan" kaya iyak siya ng iyak nung dinala siya ng parents niya sa labas ng bansa. Kaya itong panyong ito? Ito nalang yung natitirang alaala ko sa batang simangot na yun. Di ko na nga rin matandaan pangalan niya e. Ewan asan na yun pero sana, magkita kami ulit. Sana nga!"

"Kath? Anong pinagsasabi mo diyan?" Aysus! Andiyan pala si mama. Patay ako neto, narinig niya kaya yung mga sinabi ko. Omaygad. -_-

"Po? Wala ma. May ni-renecite lang po." -Ako. 

"Aba anak, lage ka nalang atang nag mememorize, baka sumabog yung utak mo yan. Nung first day ng school ka pa niyan eh. Abay, kumain ka na anak dahil for sure bukas mo pa matatapos yan at baka bukas ka narin kumain." -Mama.

"Opo ma, andiyan na po." Sagot ko tapos linigpit ko na yung lahat ng kalat, tinago yung panyo at lumabas narin para kumain ng pananghalian.

------------------------------------------------------------------------------------------------

Sabaw po! Ewan pero nauubusan na talaga ako ng ideya. Di talaga inspired si Ate. :3

#Vote #Comment

Got To BelieveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon