CHAPTER 25- Fighting with the feeling.

156 7 3
                                    

Kath's Pov:

Few days passed ay nagkakalabuan na ata kami ni Dj.  Gusto ko sana siyang lapitan pero parang nagwo-work out naman siya kahit wala ako dahil kasama niya si Barbie. Muka naming masaya si Dj e, kaya rerespetuhin ko yun. At tsaka, parang nahuhulog narin ata ako kay bata.

Ewan ko ba, ang weird!

Palagi kasi kaming nagtutuksuan ni bata e. Nagkwekwentuhan, nagtatawanan, nagtutuksuhan kaya mas lalong nagging magaan yung loob ko sa kanya. Oo, iba na pala talaga kapag teenager ka na. Dahil lahat nalang ng bagay, kahit wala lang, binibigyan na ng meaning.

Pero alam ko naman na di'to diskarte dahil ito naman talaga yung treatment niya sakin dahil siyempre, kababata nga e! Kaya for sure, di ako madidis-appoint neto dahil  pinakita niya naman talaga yung totoong siya at kailanman di ko masasabi sa kanya na "You've changed."

"Hoy, bata!  Ang lalim lalim naman yang iniisip mo? Ako ba yan?" Si bata yun. Ewan kung saan lumalup siya dinala ng hangin, kanina ko pa'to hinahanap e.

"Wow naman. Ang kapal naman ng fez, nakailang page na yan?" Biro ko sa kanya.

"HAHAHA. Ito naman di na mabiro. E sino ba yan.. o ano?" Tanong niya.

"Wala, iniisip ko lang kung kailan nagawa yung orasan." Biro ko ulet.

"Ah. Ahm, alam mo ba kung kailan sumikat yung araw ko?"

"Ha? May sarili ka palang schedule? Ahmm. Siyempre hindi." Biro ko.

"Ah, ou. Ahmm, simula noong nakilala kita." Sagot niya. Ehh, bakit naman? Muka ba akong flourescent?! XD

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Kasi, nagliwanag kasi yung mundo ko."  Pick-up niya. Boom panes! XD

"Awee? Nagpapapoints ka ata bata?" Biro ko sa kanya.

"Hahahah, lol." Simple niyang sagot.

Natahimik kami pareho. Ayokong simulan ang usapan dahil para nabubulol na ata ako at nauubusan na ako ng sasabihin. But then, he suddenly asked me. "Kath, what if may manligaw sa'yo? Anong gagawin mo sa kanya?" 

"Siyempre, rerespetuhin ko yung feelings niya at dapat respetuhin din niya yung desisyun ko." Sagot ko sa kanya.

"E, paano kung isa sa mga kaibigan mo ang manligaw sa'yo? For example, si Dj, si Brian..o ako?" Anong sinabi niya?! Paano kung nanligaw siya? Omaygad. Mauutal na naman ako neto. Hindi ko na alam kung paano ako iiwas neto. Patay!

"Ha? Ano bang ligaw-ligaw na pinagsasabi mo bata?" Tanong ko na habang sinasabi ko na please naman, sana wag ka nalang sumagot Francis..please lang..'' Hahaha. XD

"Wala, nasagi lang sa isip ko." Sagot niya.

"Ah, ganun ba? Hmmm--." Tumayo ako, kinuha ko yung bag ko at nagpaalam muna ako sa kanya dahil nakakailang kasi yung mga katanungan niya. "Oh, di bale. Mauna na muna ako bata ha, may gagawin pa kasi ako sa bahay. Sige, bye!" Naglakad ako ng mabilisan ng bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko.

"Teka, teka. Aalis ka na?"

Hindi ako makagalaw. Nagkatitigan lang kami, mata sa mata. Natulala ako. Di ako makakibo. Para bang humiwalay kaming dalawa sa mundo. Ewan ko ba.

"Bata? Heelowww!? Okay ka lang ba?" Tanong niya.

"Ay! Ay! Ako? Siyempre naman." Napukaw ako kaagad ng presensiya niya.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya ulet,

"Ha? Ako? Oo, okay lang ako. Sige byeeeeee!" Hinablot ko yung kamay ko at umuwi ako kaagad. Nung gabing yun, di ako makatulog sa kakaisip sa kaya at pag-gising sa umaga, siya parin yung nasa isip ko. Teka, parang na overdose ata ang nainom kung memory plus? XD

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ 

Buhay nga naman oh! Ewan ko ba. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito pero 'to di maari, di pwedi at hindi dapat.

Basta Kath, never assume anything, never ever forever. 

------------------------------------------------------------------------------------

Gusto na nga ba ni Kath si Francis? Eh si Francis, gusto kaya si Kath? Mapapalitan na ba ang pangalang Daniel Johnford Padilla sa puso nii Kath ng isang 'Francis Kiko Elmer Magundayao?'

#Vote please! :)))))

Got To BelieveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon