CHAPTER 19- Sorry lang? -,-

180 6 1
                                    

Papasok na sana akong classroom ng bigla akong sinalubong nila Miles, Julia at Kiray.

"Kaaaaaaath!" Sigaw ni Kiray tapos lumapit silang pareho.

"Bumalik na si bestpren mo, si Dj! Ayeee, inspired na siya ulit." Panunukso ni Miles.

"Ha? Sino yan? Wala akong kilalang Dj at for sure kapag nakita ko ang pagmmumukha niya..di ko yan magugustuhan dahil ayoko ko kasi sa mga manloloko, nang-iiwan, snob at walang ka puso-puso!" Pangpapanggap ko sa kanila.

"Ay? Di mo kilala tapos alam mo na manloloko, mahilig mang-iwan, snob at walang puso? Haleer! Girl? Para lang doon, galit ka na agad sa kanya? Dahil lang di ka niya ni-replyan, ayaw mo na sa kanya? Come on Kath, he's your bestfriend." Ikaw kaya ganyanin Miles? Di ka magagalit? XD

"He is not my bestfriend anymore. Right Kiray?" Oo. Alam ni Kiray yun. Alam niya na nagatatampo ako kay Dj. Siya pa nga yung nagbigay ng kwentas kay Dj na binigay ni Dj sa akin ta's sinauli ko na! 

"Teka nga Kath, ang gulo-gulo mo e. Di ba nag-away kayo before siya nag-absent ng two weeks? Di kaya dahil doon, kaya siya umabsent ng 2 weeks?" Paniningit naman ni Julia.

"Abay ewan ko sa kanya. Di kaya ako ang magulo, siya yung magulo!"

"Ayses, LQ kayo no?" Panunukso ni Julia.

"Mukha niyo!" Biro ko sa kanila sabay walk-out. Habang sila? Wala, ewan kung saan papunta ang mga yun.

Nung papasok ako ng classroom ay huminga muna ako ng malalim tapos nung pumasok na ako ay, Wooooooh. Shet, si Dj agad ang nakasalubong ko at kami lang yung tao sa classroom. Siguro sinet-up 'to nila ni Kiray? Aish, patay talaga sila sa akin! -____-

Nag-smile siya sa akin tapos ako? I just stared. Ang kapal kapal naman talaga ng pagmumukha niya. Nakuha na pang ngumiti sa akin matapos niyang hindi replyan ang message kong mala-edsa? Wow Dj ha? Ilang page yan pagmumukha mo? -____-

Tumalikod ako at huminga na naman ako ng malalim. Shet, oxygen please? xD

"Boss." Shet he's calling me. -____-

No response.

"Boss."

No response.

"Kath."

No response.

"Boss."

No response.

"Kath! Kathryn Bernardo, do you hear me?!" Obkurs! Pakipot lang po ako Mr. Daniel!

"Ay! Ha? Sir, tinatawag niyo po ba ako? Sino po kayo, ano po ba yung kailangan niyo?" Pagmamaang-maangan ko sa kanya.

"Boss, ano bang nangyayari sayo? Na-amnesia ka ba?" Sino ba namang may ayaw na kumalimot sa ginawa mo sa akin Dj? Ang sakit kaya. Siguro di nyo ko naiintindihan kung bakit gan'to yung nararamdaman ko pero basta! Sensitive ako at ang pinaka-ayaw ko ay yung binabalewala ako!

"Boss? Amnesia? Ako? Wala. Di ko patalaga kayo kilala."  Pagmamaang-maangan ko na naman.

"Boss, ako 'to si Bestpren mo! Si bosing Dj mo!" Sabi ko ba, magpakilala siya? XD

"Ha? Bosing-bespren-dj? Baka nagkakamali ka lang, di ko po talaga kayo natatandaan." 

"Kath, ano ba? Stop it! Di mo ba talaga ako natatandaan? Ako ito, si bespren mo!" Namimilitt talaga? Dj ha, napipikon na talaga ako! "Kath, remember this?" Dagdag niya pagkatapos niyang hablutin yung kwentas sa bulsa niya. "Akala ko ba, infinite-walang katapusang pagsasamahan? Akala ko ba walang iwanan? Akala ko ba, lalabanan nating magkasama ang lahat ng hamon ng buhay?! Ha? Kath, come on!" Sabi niya habang hinahawakan niya nang mahigpit ang mga braso ko.

"Shut up Dj! Bitawan mo nga ako." Sabi ko tapos I removed his hand out from my shoulders. "Dj, you're the one who leave and I'm the one who's being left. Don't act so calm because everything was your all your fault! Di mo ba naa-alala na di mo rineplyan ang mala-edsa kung message para sayo? Ginawa ko yun dahil nag-aalala na ako sayo kung ano na ang nangyayari sa'yo, kung napano ka at kung ano ang problema mo kaya di ka pumapasok at may sasabihin ako sa'yong importante. Pero natatandaan mo pa ba yung ginawa mo? Binalewala mo lang ang lahat ng effort na ginawa ko.--Alam mo, siguro tama sila. Tama sila na feeling ka! Hangin ka, dahil ang inaakala mo na lahat ng babae gagawin ang lahat para mapansin ka at para makasama ka. Pero Dj, ibahin mo ako! Dahil ako? Madali akong kausap. Kung ayaw mo, e di wag. Ayan kasi e, masyado kang kampante diyan sa kagwapuhan mo kaya binabalewala mo nalang ang mga taong mas na pinapahalagan ka dahil mas ina-asikaso mo yung mga taong gusto mo kahit tinatakwil ka na! Dj, akala ko pa naman mahalaga ako para sa'yo, akala ko pa naman mabait ka, akala ko ba naman may puso ka at akala ko pa naman iba ka. Dj, I'm sorry pero ayokong umasa sa mga maling akala ko sa'yo. Paalam Dj. Tang-***!!" Okay, sa'n mas mahaba. Ang EDSA o yung lumabas sa matabil kong dila? Hahaha. 

"Kath, I'm sorry. Ano ba kasi yung gusto mong sabihin? E kath, may rason naman kasi ako kung bakit--." I cutted him off.

"Sorry? Rason? Hahaha, oo tama pala ako simula noong una. Sana hindi nalang ako nakinig sa'yo. Tama naman pala ako e. Na lahat kayong mga lalake, mga manloloko! Puro ka'yo palusot. At DJ, yung sasabihin ko? Wag mo nalang alalahin yun dahil I'm ending this friendship. Ayoko na! Ang sakit kasing isipin na ang mga taong akala mong laging nandyan para sa'yo ay mawawala lang pala at doon pa talaga sa mga panahong mas kinakailangan mo sila. Sorry Dj at salamat sa lahat-lahat. Pati sa kwentas na yan, salamat din dahil kahit minsan ko lang nagamit yan at least kahit minsan, nagmukha akong tao." Biro ko sa kanya pero tutulo na talaga ang luha ko kaya nga ako nagbiro e! Shunga lang? 

"Kath, I'm really really really sorry. Promise I'll do anything."  Lumayo ka! Magagawa mo ba yun? XD

"No dj, don't promise. Just do it. At Dj, don't expect na agad-agad kitang mapapatawad dahil di matatanggal ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ng isang sorry lang." Umupo ako tapos pinunasan ko yung mga luha ko. Pumatak e! -____-

 ---------------------------------------------------------------------------------

O ha? Ang drama'2 di ba? May gagawin kaya si Dj para magkabati sila ni Kath? O hahayaan nalang niya hangga't sa pansinin siya neto. Sabi nga nila 'time heals' kaya malay natin baka naniniwala si Dj dun! Vote please! Kamusta nga pala yung story, please leave your comments


Got To BelieveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon