Kinabukasan, nakapasok na si Lee. Nakatanggap rin pala siya ng tawag mula kay Mikos kagabi. Humingi ito ng Sorry at nangamusta narin sa kalagayan niya."Lee tara sa labas tayo mag lunch" pag aakit ni Mikos.
"Bakit? Sawa kana sa pagkain sa cafeteria?"
"Parang ganun na nga, tara"
Hinila neto ang kamay ni Lee at dire-diretsong naglabas ng Campus.
Nakaramdam naman nang kaba si Lee. Kaba nga ba o kilig? Ayan kana naman Lee ha. Ano aasa ka na naman?
Sabi neto sa kanyang isip.
"Oy teka!"
Hinigit neto ang kamay niya kaya napabitaw si Mikos.
"Bakit?"
"Paano sila? Hila ka kasi ng hila eh.. hahanapin tayo nang mga yun noh!"
"Hayaan mo na sila, kaya na nila ang sarili nila.. malalaki na sila"
"Grabe toh!"
"Ohh bakit? Ayaw mo nun tayong dalwa lang ang magkasamang mag lunch?"
Saglit natigilan ang dalaga at napatingin sa likod ng binata na patuloy parin sa paglakad..
Ano ba naman yan Mikos! Anong pakulo na naman toh? Aishh.
"Hoy? Bakit natigilan ka dyan? Ayt! Bilisan mo, gutom nako eh"
Muling bumalik ang binata, at kinapitan siya, this time hindi na sa braso kundi sa kamay na mismo.. HHWW ang dating nila ngayon.
Lalo tuloy nakaramdam ng pagkailang si Lee. Nagkunwari na lang siya na wala lang sa kanya iyon. Hindi na lang siya umimik at patuloy na lumakad hanggang makapasok sila ng Fastfood Chain.
"Anong gusto mo?" Tanong ni Mikos.
"Uhm...ikaw...."
"Ha???"
"I mean ikaw! ano bang gusto mo? Di mo naman ako pinapatapos eh.. kung ano yung iyo yun narin ang akin.. parehas naman tayo ng taste sa food.. Sige hanap nako nang table sa taas.."
Talagang wala pa sa tamang wisyo si Lee. Napailing na lang si Mikos.
Baliw talaga kahit kailan..
Sabi neto sa sarili.
Umorder na siya ng dalwang one piece chicken, sinamahan narin nya ng all time favorite nilang magkaibigan, isang large fries.
Samantalang.. hindi parin naman mapaigi si Lee but she's trying her best to compose herself. Bago pa man makaakyat si Mikos.
Napaka pathetic mo talaga Lee! Ano bibigyan mo na naman ng malisya yung ginagawa nya ngayon? Kung ganyan ka ng ganyan talaga ngang wag ka nang umasang makaka move on ka!
Pangangaral neto sa sarili.
"Lee"
"Oy!! Nandyan kana pala? Di kita napansin.. bilis mo ah?"
"Kukunti yung tao eh.. okay ka lang ba?"
"Oo naman! Haha. Ikaw okay ka lang?"
"Binalik talaga sakin yung tanong?"
"Yeah.. uhm? Mikos.."
"Ano yun?"
"Anong nakain mo?"
"Nakain? Wala! Wala pa nga akong almusal eh, kaya gutom nako.. kakain nako ha, kumain kana rin habang mainit pa yung kanin"
Aba? At kailan pa siya naging concern sakin? Grabe.. ano bang nangyayari?
BINABASA MO ANG
WHEN YOU SAY YOU LOVE ME TOO (On-going)
Teen FictionEveryone wants to love and to be loved. No one wants pain and heartache. But that's love is. If you choose to love and to be loved, you must accept its consequences. You must be ready to get hurt. Pero totoo bang hindi kayang diktahan ang puso? Wha...