Nakarating na sa Campus ang dalawang magkaibigan. Nang hindi nag iimikan. Si Lee busy parin sa pagtetext, habang tahimik namang naglalakad si Mikos.
"Ouch"
"Yan! Buti nga"
Natisod kasi si Lee sa bato.
"Ang sama mo ahh"
"Text kasi ng text"
"Lou!!" Sigaw ni Lee matapos matanaw ang kaibigang kanina pa hinahanap.
"Asus! Kaya naman pala biglang nawala.. nag date kayo ano?"
"Hoy! Hindi noh.. hinikit lang nya ako bigla"
Pagtatanggol neto sa sarili. Habang si Mikos naman ay tahimik na naupo sa kanyang upuan at nilagay sa tenga ang earphones. Mukhang badtrip eto.
"Hayaan nyo na nga yung dalawa, minsan na nga lang lumabas yan eh"
To the rescue naman si Keen.
"Saan kayo nag date??"
Pang uusisa ni Gwen habang nakangisi at nag aabang sa kwento ni Lee."Sabing hindi nga yun date! Kumain lang kami sa labas tapos ayun nag mall.. kumanta sa Fun Park..that's it!"
"Ay ano palang tawag mo dun?"
Singit pa naman ni Raej."Wala! Tinalo nyo pa ang dictionary kung mag bigay ng meaning ahh.. tigilan nyo nga ako"
"Ehh bakit mukhang badtrip yun?"
Tanong ni Iggy. Sabay nguso kay Mikos.
"Ewan ko dyan"
"Woah? LQ na naman??"
"Hindi yun LQ. Okay Lou? Wala naman akong ginagawa dyan eh.. bigla na lang akong sinungitan, Okay pa naman yan kanina nung nasa Mall kami.. bigla na lang akong hindi inimikan nung pauwi na kami dito"
"Mikos!"
Tawag ni Iggy.
"Ano??" Tugon neto matapos tanggalin ang earphones sa tenga.
"Okay ka lang?? San kayo nagdate ni Lee?"
"Date?"
"Yung kanina! Di manlang kayo nagpapaalam eh.."
"Tss.."
"Ay! Snob ang lolo mo.. haha bakit nakanguso ka dyan?"
"Wala.."
Tumingin ito kay Lee, na tawang tawa kasama nina Lou.
"Wala? Nag away ba kayo ni Lee?"
"Hindi ah."
"Eh bakit nga badtrip ka dyan??"
"Wala nga sabi! Ang kulit ehh.."
"Meron yan eh.."
"Kulit mo Iggy.. Teka? Kilala mo ba si Neil?"
"Sino yun?"
"Ah. Wala! Di ko rin kilala.."
"Anong meron naman dun?"
"Ka text ni Lee"
"Ahhhh. Sus! Selos ka naman?"
"Selos ka dyan.. kahit dun na pati siya. I don't care"
"Selos ka nga! Hahaha.. kaya naman pala eh. Gusto mo ba si Lee?"
"Gusto? Hindi ah.. hinding hindi"
"Okay sabi mo yan eh.. ikaw rin baka maunahan ka ni Neil.."
"Hoy.. Iggy! Dyan ako nakaupo"
BINABASA MO ANG
WHEN YOU SAY YOU LOVE ME TOO (On-going)
Teen FictionEveryone wants to love and to be loved. No one wants pain and heartache. But that's love is. If you choose to love and to be loved, you must accept its consequences. You must be ready to get hurt. Pero totoo bang hindi kayang diktahan ang puso? Wha...