#Worried

9 1 0
                                    

Kinaumagahan pumunta si Neil sa bahay ni Leeram para sunduin ito at ihatid sa school.

"Sabi ko naman sayo huwag mo na akong sunduin... naaabala ka pa tuloy "

"At kailan ka pa naging abala sa akin Lee? "

"Hay nako.. Sige na payag na ko. Baka lang kasi masanay ako "

"Oh ano naman kung masanay ka? Hindi naman ako magsasawang sunduin ka araw araw"

Napangiti naman si Lee dahil sa sinabi ni Neil.

"Thank you Neil"

"Para saan?"

"Kasi... hindi mo ko sinusukuan, kahit na ilang beses na kitang tinanggihan"

"Paulit ulit na lang ba natin pag uusapan yan? Ewan ko kung ilang beses ko na sayong sinasabi ito.. pero hindi ako mapapagod na paulit uliting sabihing mahal kita at hinding hindi ako magsasawang iparamdam sayo yun.. "

"Sana gano'n ka rin sakin"
Mahinang sabi nito.. Pero narinig pa rin ito ni Lee.

"Neil.. Pwede bang sunduin mo ulit ako mamaya? "

"Kahit hindi mo naman sabihin... susunduin pa rin kita."

***

"Ang taray naman ng lola mo, di hatid ni boyfie! "

Bungad ni Gwen matapos maka upo si Lee..

"How did you know? "

"Magkasunudan lang kaya tayo.. iintayin sana kita kaso nag uusap pa kayo ni Neil kaya nauna na ako"

"Ah. Okay"

"Wala pa si Mikos?" Tanong ni Lee.

"Nandito na 'yun. Naglabas lang pagkadating ni Gwen."
Sagot naman ni Lou.

"Oh? Nasaan 'yung bag niya? Tska bakit pala dyan ka naka upo Gwen?"

"Ewan ko rin.. pagkarating ko kasi sabi ni Mikos palit daw muna kami nang upuan eh.. ayaw ko ngang pumayag kaso bigla na lang kinuha yung gamit ko tapos nilagay dito tapos ayun lumabas na.. "

"Gano'n? Problema kaya no'n.. tsaka 'di ko naman siya nakasalubong.. "

"Baka ayaw lang sayong ipakita 'yung bangas niya sa mukha.."
Singit naman ni Raej na abala sa paglalaro sa cell phone niya.

"Bangas??"

"Oo nga.. may band aid siya sa may baba" dagdag pa nina Lou at Gwen.

"My gosh! What happened to Mikos?" Sigaw ni Iggy pagkapasok sa room.

"Bakit??" Tanong ulit ni Lee..
"Ano bang nangyayari?"

"Wala lang nakita ko kasi siya nakaupo doon sa may bench.. may band aid sa baba.. tinatanong ko naman kaya lang no response.. gosh nagmukha lang ako doon na baliw na parang nakikipag usap sa statue. " pagrereklamo nito sa harap ng kaibigan..

"Raej.. ano 'yun? "

"Anong kinalaman ko doon? "

"Diba kasama mo siya nung isang gabi na uminom kayo?"

"Oo nga.. pero sabi ko naman sayo, umalis din siya agad at may pupuntahan daw siya.. pagkatapos no'n hindi na kami nagkita. " pagpapaliwanag ni Raej.

"Baka naman nadisgrasya lang?"
Ani ni Gwen.

"Hindi naman siguro gano'n ka lampa si Mikos para magkabangas Gwen.. ang laki laki na no'n ehh. Baka naman nakipag away 'yun"

"Ano nga kaya Lou? Pero kilala ko 'yun eh..hindi naman 'yun nakikipag basag ulo" pagtatanggol ni Lee.

WHEN YOU SAY YOU LOVE ME TOO (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon