#HiddenReason

15 1 0
                                    


Hindi na rin naman nagtagal si Mikos. Pagkahatid niya sa akin ay umalis na rin siya. Medyo madilim na rin kasi.

Habang binubuksan ko ang gate, natanaw ko sa tapat namin na may naka park na kotse. Kahawig ito ng sasakyan ni Neil.

Baka naman sa kapitbahay namin. Tsaka bakit naman dito pupunta si Neil?

Pumasok na ako ng bahay.. at hindi na lang inintindi ang nakita sa labas.

"Mom.." sabay beso ko.

"Kanina ka pa iniintay ni Neil.." bulalas ni Mommy.

"Po?" Iginala ko naman ng mata ko sa salas pero wala siya roon.

"Nasaan po?" "Nasa kusina.. O'sige akyat muna ako sa kwarto. " pagpapaalam ni Mommy.

Bigla naman akong nakaramdam ng kaba. Pumasok ako ng marahan sa kitchen at doon nadatnan si Neil na umiinom ng tubig at nakupo sa lamesa.

"Akala ko ba maagap ang uwi mo?"
Tanong niya sa akin. Pero sa baso niya lang ito nakatingin.

"Eh ano eh..may pinuntahan pa kasi ako. Uhm biglaan"

"Nasaan si Tita?" Tanong niya na parang hindi manlang narinig 'yong paliwanag ko.

"Nasa taas"

"Pasabi aalis na ako" sabay tayo niya sa kinauupuan at nilampasan lang ako.

"Neil.." hinabol ko siya hanggang sa nakarating kami sa labas ng bahay.

"Galit kaba?"

"Sinong kasama mo?"

"Ah. Si ano..."

"Don't tell me si Mikos ang kasama mo"

"Uhm. Si Mikos nga.."

"Lee! Ilang beses ko bang dapat sabihin sayo na iwasan mo na siya?"

"Pero bakit kaba nagagalit? Magkaibigan naman kami ah. Best friend ko naman siya anong masama doon?"

"So mag eexplain na naman ba ako?! Siguro mahal mo pa siya ano?"

"Ano bang pinagsasasabi mo dyan?"

"Lee.. 'wag mo naman akong gawing tanga.. Lahat naman ginagawa ko diba? Hindi pa rin ba sapat? Ano? Ano pa bang kailangan mo.. para lang layuan mo na yang Mikos na yan"

"My God Neil.. umuwi ka na lang maige pa, baka kung ano pa ang masabi natin, magkasakitan pa tayo"

"Well siguro nga!"

Pumasok na siya ng kotse at pinaharorot ito ng mabilis. God! Bakit ba napaka seloso niya?

"Nak.."

"Mom.. akyat na po ako" iyon na lang ang nasabi ko kay Mommy.

Gusto ko nang matulog.. Maagap pa kaming gigising dahil pupunta pa kami kay Keen. Kamusta na kaya ang lagay niya? Sana naman maayos na.

Nagpalit na ako ng damit at inayos ko na rin ang higaan ko. Nagtext na rin ako kay Mikos. Sa kanila na lang siguro ako sasabay.

***

MIKOS' POV

Bumalik ako ng coffee shop pagkatapos kong maihatid si Lee. Mag uusap kasi kami ni Mama tungkol sa Branch na itatayo namin sa Legaspi. Malapit sa kinatitirahan ng aking yumaong Lolo.

Gusto kasi ni Mama na magtayo doon ng Coffee shop dahil iyon ang isa sa mga pangarap ng aking Lolo. At napagdesisyonan na ako muna ang mamamahala pansamantala. Katulong ko naman ang aking isa pang tiyahin na nakatira doon.

WHEN YOU SAY YOU LOVE ME TOO (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon