"Gosh! Mikos" tawag nito habang hindi mapakali.
Agad naman siyang nilingon ni Mikos.
"Bakit? Napapaano ka dyan?"
"I think... I think there's something.. err.." halos naiiyak na ito sa pagsasalita.
"Napapaano ka ba? Umayos ka nga dyan. Ano?"
"Ano kasi eh..red tide alert"
"Ha??"
"Ugh! Red.. red tide alert!" Hindi pa rin naman ito ma gets ni Mikos.
"May tagos ako!!" Sigaw nito sa kaibigan.
"Ha? Eh anong gagawin ko?"
"May panyo ka ba dyan? Or scarf.. o kahit ano na pwedeng pang taklob?"
"Wala eh.. wala akong dalang gamit"
"Hala paano na? Ang layo layo pa naman nang Comfort Room dito."
Naupo na ito..habang nakataklob ang palad sa kanyang mukha."Wag ka ngang umiyak" Hay nako umiral na naman ang pagkaiyakin nito.
"Tumayo ka dyan" inalalayan nito ang kaibigan hanggang sa makatayo na.
"Kasi naman eh, nakakahiya"
"Sakin ka pa talaga nahiya? Halika.. tatakloban kita..Lumakad ka lang dyan, tatakluban ko likod mo"
"Eh?"
"Anong eh? Kesa naman mag-iiyak ka dyan.. walang mangyayari sayo kung palagi mong papairalin yang pagkaiyakin mo."
"Sige"
Lumakad na sila pabalik sa pinanggalingan nilang building, doon lang naman kasi may maayos na CR.
"Dito na lang ako ha? Baka may tao sa loob eh, pagkamalan pa akong mamboboso."
"Sige sige salamat.."
"Meron ka pala dyan?".Tanong ni Mikos.
"Merong Ano??"
Seryoso ba talaga itong babaeng to? Hindi nya ba talaga alam?
Tanging bulong ni Mikos.Napailing na lang ito. "Hay nako,Sanitary Napkin, kung meron ka?"
"Ahhh..wait tingnan ko kung meron pa ako sa bag, wag ka munang aalis dyan ha?" Tiningnan niya ang laman ng bag niya at nagbabakasakaling meron pa.
"Oo na, bilisan mo.."
"Hala..hala wala na.." nakahibi nitong sabi.
"Tss. Pumasok ka na dun, bibili na ako,mag intay ka dyan. Mabilis lang ako"
Napatango naman si Lee. At pumasok na nang cubicle.
Habang nagmamadali naman na umalis si Mikos at dumiretso sa malapit na Mini Mart sa kanilang school.
Pagkapasok niya ng Minimart ay agad siyang nagpunta sa Sanitary station.
Sobrang daming brand.. sobrang dami.. Alin kaya dito?
Habang abala sa pagpili si Mikos, may biglang lumapit sa kanyang babae.
"Hindi naman ako nainform na gumagamit ka na rin pala nyan"
Napahinto sa pagpili si Mikos at napatingin sa babaeng nagsasalita.
"Sa halip na pagtawanan mo ako dyan,bakit hindi mo na lang kaya ako tulungang mamili kung alin dito ang dapat kong bilihin"
"First day ba?"
"Oo"
"Ahh, mas better kung yung long pads ang bibilhin mo"
BINABASA MO ANG
WHEN YOU SAY YOU LOVE ME TOO (On-going)
Ficção AdolescenteEveryone wants to love and to be loved. No one wants pain and heartache. But that's love is. If you choose to love and to be loved, you must accept its consequences. You must be ready to get hurt. Pero totoo bang hindi kayang diktahan ang puso? Wha...