Kung mahal mo talaga siya, Go! Ipaglaban mo ang nararamdaman mo. Go lang girl. -IGGYHay naku! Teh, move on na! Buti pa yung traffic sa edsa may pag usad eh ikaw? Nganga?
-LOUAng hirap kasi kapag nainlove ka sa best friend mo eh, isipin mo na lang pag naging kayo and then nag break kayo... edi awkward! Sayang ang friendship. - KEEN
Hindi naman kasi maiiwasang magkagusto ka sa kaibigan mo eh, lalo na kung super close kayo. Normal lang ang magmahal. Pero dapat we know our limitations.
-GWENBakit kasi nasasaktan kung wala namang masasabing 'kayo'?
-RAEJBawal magmahal ng kaibigan..
-MIKOS- - - -
Paulit ulit na lang na umiikot sa isip ni Leeram ang mga salitang iyon na galing sa kanyang mga kaibigan. Hindi nya rin kasi maintindihan kung ano nga ba ang gagawin nya.. Kung tuluyan na ba nyang kakalimutan ang nararamdaman nya sa kanyang matalik na kaibigan na si Mikos o patuloy paring aasa sa bagay na wala namang kasiguraduhan.
Halos dalwang taon nang nakakaraan ng magkakilala sila ng binata noong ikalawang linggo ng unang pasukan.
Hindi nya nga rin lubos maisip na mahuhulog ang loob nya sa kaibigan. Sa totoo nga ay sinabi pa nya sa sarili noong unang araw na magkita sila na 'Hinding hindi siya magkakagusto dito' .. Iyon ang pagkakamali nya.
"Nasaan na kaya si Lee? Dalwang minuto na lang ohh? Mag ti-time na tayo." Sambit ni Keen. Isa sa kaibigan ni Leeram. At ang pinaka maagang pumasok lagi sa klase.
"Ay naku, Keen! Dika na nasanay dun, malamang late na naman yun.." Sagot naman ni Lou. Ang kaibigan nilang tahimik lang kung minsan pero maraming alam na sikreto ng barkada.
"Wala parin pala si Mikos.. siguro nag usap yung dalawa na 'wag pumasok ng first subject" Dagdag pa ng isa nilang lalaking kaibigan na si Raej.
"Imposible yan Raej! Si Lee? Umabsent? Late Oo! Pero absent? Malabo yun! Alam nyo namang si Lee yung pinaka masipag sating mag aral noh" singit naman ni Gwen na kakaupo lang sa tabi nila matapos sulyapan ang crush neto sa kabilang room.
"Good Morning Class"
Nariyan na ang kanilang Prof. Kaya kanya kanya na silang ayos ng upo.
"Good Morning Ma'am"
Bati nang mga estudyante.
"Sorry Ma'am, I'm late."
Tamang tama lang naman ang dating ni Mikos. Naupo na ito sa tabi ni Raej at inilabas ang notebook.
"Mikos" bulong ni Gwen mula sa likod.
Kaya napalingon naman eto. At tumingin kay Gwen nang may bakas ng pagtatanong sa mukha.
"Si Lee?"
Hindi sumagot si Mikos, at nagkibit balikat lang ito.
"Ahh okay"
"So class.. again? What is Earthquake? Anyone from the class?"
Sandaling nagtalikod ang guro para isulat na naman sa white board ang napaka laking salitang 'Earthquake'..
At para kay Leeram, ito na ang pagkakataon nyang pumasok sa pinto para hindi siya mahalata na late..
Pero yun ang akala nya.. mabilis ang mga pangyayari kaya bago pa siya makaupo sa bakanteng upuan sa kalapit ni Mikos ay nahuli na siya ng terror nilang Propesor.
"Ow! Miss. De Chavez, You're late! Again and again.. What time is it now? "
"Ma'am, Sorry for being late.. medyo masama po kasi ang pakiramdam ko eh"
BINABASA MO ANG
WHEN YOU SAY YOU LOVE ME TOO (On-going)
Fiksi RemajaEveryone wants to love and to be loved. No one wants pain and heartache. But that's love is. If you choose to love and to be loved, you must accept its consequences. You must be ready to get hurt. Pero totoo bang hindi kayang diktahan ang puso? Wha...