#Huling hirit

8 1 0
                                    


Kinabukasan, busina ng sasakyan ang gumising sa akin. Ano ba naman kasing sasakyan iyon! Napaka walang galang sa taong natutulog pa. Wala na rin naman akong nagawa kundi ang bumangon sa aking ever beloved na bed. Dumiretso pababa ng hagdan without even washing my face and looking at the mirror. Sanay na rin naman sakin sina Mommy na ganito ang style ko tuwing umaga.

"Hey Bro!" Sabay tapik ko sa likod nya. Abala kasi itong nakatayo sa may side ng stair case at hawak ang cell phone.

"Good Morning Baby! How's your sleep?"

"Very very very good!" Biro ko sa kanya.. "Where's Mom?" Dagdag ko pa.

"Kitchen.. nag pre-prepare ng breakfast" sagot naman niya habang abala pa rin sa pag dukduk sa phone niya. Why so busy early in the morning?

Pumunta na ako ng kitchen para puntahan ang mabangong pagkaing naaamoy ko.

"Ang bango....." hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko pagkapasok ko sa kitchen.

"Good Morning Beb" sabi niya habang may sobrang lawak na ngiti at nakasuot pa ng Apron.

"Oh my golly wow.. okay wait!" I suddenly rushed to the bathroom.

Shocks naman oh! Nakakahiya yung itsura ko.. I don't even look at the mirror kanina to check how's my face is. Grrrr~ Terrible! Yung buhok ko gulogulo.. and may mga you know bakas pa ako ng isang masarap na pagkakatulog kagabi.

Dalidali ko ng inayos ang sarili ko.. naligo na rin ako since papasok na rin naman ako.. Okay Maganda na ulit ako. Waha!

Lalabas na sana ako ng room ko ng biglang may kumatok sa pinto.

"Beb" si Neil..

"Palabas na ko" I opened the door and smiled at him.

"Bilis magtransform ha?" Sabi nya with a grin on his face.

"Tse! Transform ka Jan.. ano yun? From witch to princess?"

"Joke lang.. maganda ka pa rin naman."

"Wag kang bolero dyan ha.. Ano nga palang eksena mo at pumunta ka pa dito para magluto ng breakfast?"

"Ayaw mo? Ikaw na nga itong pinagluto ko kahit hindi naman talaga ako marunong magluto.."

"Aww. How sweet naman this boyfriend.. So paano ka nakapagluto?"

"Nagpatulong ako kay Mommy Lyn"

"So kasabwat mo pala si Mommy ha?"

"Hindi naman. Tara na? Lalamig yung niluto ko"

"Hahaha. Oo na, nakakahiya naman dun sa niluto mo,pinag iintay ko pa"

We went downstairs holding each others hand at dumiretso sa kitchen.

"Oh kain na kayo, baka malate na kayo" pag aakit ni Mommy.

"Masarap naman ba yan ha?" Pang aasar ko, sabay tingin kay Neil.

"Grabe ka naman anak, nag effort si Neil dyan oh"..

"Joke lang po.. si Mommy naman"

"Napaso pa nga iyan maipagluto ka lang ng breakfast" Napatingin ako kay Neil pero nakayuko ito at abala sa pagkain.

"Hoy! Totoo nga?"

"Wala ito, malayo sa bituka" nilapitan ko naman siya at hinanap ang paso.

"Patingin ako"

"Wag na, kumain ka na lang dyan.. malalate na tayo oh"

I don't know why pero bigla ko na lang siyang niyakap mula sa likod habang siya ay nakaupo.

WHEN YOU SAY YOU LOVE ME TOO (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon