#Meet Neil

7 1 0
                                    


Nakalipas ang dalawang araw. Biyernes na naman. Kaya muli na namang magsasaya ang mga magkakaibigan. Nakagawian na kasi nila iyon tuwing biyernes. At isa pa, isang subject lang naman ang klase nila ngayon.

"Oh guys? San tayo ngayon?"

"Oo nga.. swimming kaya tayo?"

"Oy! Good idea.. ang hot ko na kasi masyado eh"

"Wow ha? Hot talaga Gwen? Excuse me mas hot ako.." ani ni Iggy.

"Hay naku! Basta swimming na tayo.. Anong oras ba?" Singit ni Lou.

"Now na?" Pagtatanong ni Gwen.

"Sigurado ba kayo? Ni wala nga tayong dalang damit eh.. lakas nang loob nyo dyan mag akit" may point nga naman si Raej.

"Edi umuwi na tayo ngayon.. kitakits na lang later, pero bago ang lahat saan ba ang venue?" Paglilinaw naman ni Keen.

"Sa clubhouse na lang kaya namin?"

"Ay bonga ka talaga Iggy! And how about the food?"

"Magdala na lang tayo ng mga pagkain, dating gawi ah"

"Paano naman yung walang madadala? "

"Hay nako Mikos, kahit ngayon nga lang wag mo munang pairalin yang kakuriputan mo"

"Tama ka dyan Lou..napaka kuripot kasi.." pagsang ayon pa ni Gwen.

"Guys? Anong meron?"
Tanong ni Lee, na kadarating lang..

"Wala.. mukhang busy ka kasi sa kausap mo sa cellphone eh "

Pagsusungit na naman ni Mikos. Saglit kasing nagpaalam si Leeram kanina sa kanila dahil nga sa kausap nito sa cellphone.

"Grabe naman kayo.. Di nga anong pinagpaplanuhan nyo?"

"Gusto kasi nilang mag swimming.. kaya ayun!" Sagot ni Lou.

"Swimming? As in today? "

"Oo nga, bakit ba gulat na gulat ka Dyan? anong problema?"

"Uhmm.. ano kasi eh, I think I can't go with you guys..."

"Ang lakas ng loob magtanong, hindi rin naman pala sasama"

"Let me explain ha, Mikos!"

"Ehh bakit nga? Anong reason at hindi ka makakasama? " pagtatanong ni Iggy matapos ayusin ang mga gamit niya sa table.

"Ano kasi.. tsk! May pupuntahan ako mamaya.. " Hindi mapakaling sagot ni Leeram.

"At kelan kapa nagkaroon ng ibang agenda kapag Friday? " Oo nga naman kung tutuusin ito ang unang beses na hindi makakasama si Lee.

"Ano kasi guys.. "

"Ano nga?" Sabay sabay nilang tanong maliban na lang kay Mikos na nakatingin lang sa kanya at naghihintay lang sa isasagot nya.

"Kanina ka pa hindi matuloy tuloy dyan.." Pagdudugsong pa ni Raej.

"Errr. Nothing I'll go with you guys na Lang.."

"Sus. Arte pa,sasama rin naman pala, Oy! Una nako sainyo kita nalang tayo sa clubhouse.." Pamamaalam ni Mikos.

"What's with him? This past few days ang init init nang dugo nya sakin..nakakahalata na ko ha."

"Buti na lang hindi siya babae kundi, baka napaghinalaan ko nang buntis siya at ikaw ang pinaglilihian." Bulalas ni Keen na kanina pa nanahimik.

"Aba, edi swerte nang magiging anak nya.. ganda ko kaya!"

WHEN YOU SAY YOU LOVE ME TOO (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon