LEERAM'POV
Gumising ako nang maaga para makapag-ayos pa ako ng gamit. Nakatulog na kasi ako kagabi kaya hindi ko na naasikaso.
"Lee?" Tawag ni kuya.
"Pasok ka na lang kuya.. may ginagawa kasi ako e." Kaya hindi ko na magagawang ipagbukas pa siya ng pinto.
Ugh. Nasaan na ba yung belt ko? Aishhh.
"Paalis ka raw?" Tanong ni kuya matapos na makapasok sa kwarto.
"Yeah.. pupuntahan namin si Keen."
"Saan ka sasakay? Gusto mo ihatid na kita?"
"Ay wag na kuya.. kay Mikos na lang ako sasabay. Tsaka nakapagsabi nako dun e. Pero kung gusto mo ihatid mo na lang ako sa school. Doon kasi ang meeting place namin."
"Uhm sige.. Oo nga pala. Kasama mo pala si Mikos kagabi?"
"Ah oo. Paano mo nalaman?"
Psh. Hindi ko talaga makita yung belt ko! Kainis.. halos itaob ko na itong kwarto ko e. Baka naman nasa ilalim ng kama.
"Loko yun. Pinagpalit kami sayo.. kung sabagay mahal ka nun e."
"Ha?"
"Ano bang hinahanap mo dyan?"
"Yung belt ko kasi kuya.. nawawala."
"Aling belt? Eh ang dami-dami mong belt dyan."
"Ah ah naman e. Gusto ko nga yun..kasi yun yung kaunahan mong bigay sakin pagkasakay mo ng barko e." Then I pout. Mahalaga sakin yun.
"Hay nako ang baby sister ko talaga.. hayaan mo na yun ibibili na lang ulit kita ng bago, bago ako sumakay ng barko. Bilisan mo na dyan baka iniintay ka na nila Mikos."
Yah! Pfft. Pagbalik ko na nga lang hahanapin.
I packed my things and went down.
"Mommy.. aalis na po kami." Pagpapaalam ko.
"Lee mag-ingat kayo ha.. wag kung saan-saan magpunta."
"Opo.. noted! Si kuya?"
"Nasa labas na."
"Byeeee.." I hug her and kiss her cheeks.
Tapos tumakbo na ako palabas.
"Tara na." Nakangiti kong sabi kay kuya pagkasakay ko sa passenger seat.
"Excited ah?""Ha? Eh gusto ko na kasing makita si Keen"
"Si Keen o si Mikos?"
"Kuya??"
"Biro lang!" He smiled at me and starts the engine at nagsimula na kaming umandar.
Nakakaasar, parati na lang akong inaasar ni kuya kay Mikos, siya yung reason kung bakit ako nagkagusto kay Mikos e! Kaka-asar niya..
Hmp! Pero he must avoid it na. May boyfriend na kaya ako.. and speaking off my boyfriend.. wala siyang sweet message sakin kaninang umaga. Awd. Galit pa rin siya.
"Hoy? Bakit nakanguso ka na naman dyan? Nabanggit ko lang si Mikos e."
"Tss. Si Neil kasi e."
"Oh Bakit? Break na kayo?"
"Kuya!"
"Ay bakit nga?"
"Galit siya sakin.."
"Ah. Akala ko naman break na kayo e."
"Ang hard mo kuya ha? Nag-away kami kagabi kasi nga.. hindi ako nagpasundo sa kanya kasi sabi ko maagap uwi ko.. eh ito namang si Mikos dinala ako sa Coffee shop nila at inabot kami ng gabi doon. Tapos pag-uwi ko, nasa bahay pala si Neil.. at nalaman pa niyang kasama ko si Mikos kaya nagalit siya. Ayun! What should I do?"
BINABASA MO ANG
WHEN YOU SAY YOU LOVE ME TOO (On-going)
Teen FictionEveryone wants to love and to be loved. No one wants pain and heartache. But that's love is. If you choose to love and to be loved, you must accept its consequences. You must be ready to get hurt. Pero totoo bang hindi kayang diktahan ang puso? Wha...