Chapter One

1K 24 0
                                    

Tuwing umaga ang lagi kong ginagawa ay maghanda sa kasungitan ni Ms. JD ang babaing hindi ata marunong makisama sa isang tulad ko. Kahit anong gawin ko ay siya namang angil niya. Naku!kung hindi ko lang crush ang babaing ito baka matagal na akong sumuko. At kundi dahil sa trabaho kaya ginagawa ko siyang pakisamahan. Lesbian kasi ako at ayaw ni JD sa isang tulad ko. Ayoko namang ipagkasiksikan ang sarili ko sa kanya. Tama na iyong minsan na ginawa kong magpaloko sa nararamdaman ko.

Sa totoo lang nightshift ako, pero dahil tumutulong ako sa Training ni Ms. JD inaadjust ko ang oras ko. Gaya ngayong araw ng Monday. Yes Monday na Monday badtrip ang isang ito sa akin.
"Ano ba naman 'yan?!"Iritang bungad nito sa akin ng makita niya na maraming paper works na nakatambak sa mesa niya.

"Mam Rissa send me that papers here in your office."Paliwanag ko.
Si Mam Rissa ang pinaka-manager namin sa SET or Skill Enhancement Training. Oo nga pala, we are in call center industry malayo sa natapos ko na Bachelor of Secondary Education. But I have experienced to teach 4 years ago but after that i decided to change my career because its complicated.
Lesbian ako at alam kong mahihirapan akong mag-out dahil nga guro ako. Hindi naman dahil lang din sa profession kaya ako nagdesisyon na mag-iba ng linya, personal reason ko na rin iyon.
"So when i need to finish this?."Mataray pa nitong tanong sa kanya. Kailan ka kaya babait sa akin?..bulong ko sa sarili ko.
"She need that on Friday morning."Seryosong sagot ko. Kahit naman palabiro at mabait ako, minsan marunong din akong mapuno. Kaya kung pantayan o higitan pa ang katarayan nito kung gugustuhin ko. Ayoko lang talaga ng away sa oras ng trabaho ko. I love my work. Dahil ang trabaho ko na lang ang maaasahan ko para makalimut sa lahat ng masasakit na alaala ko sa nakaraan. Maliban doon, sa trabaho ako nakafocus ngayon hindi sa kung saanman. Ang drama lang>_<...

Narinig ko na naman ang sunud-sunod na buntong-hininga nito. Ganito si JD kapag maraming ginagawa iyong tipong hindi pa nakakaupo may ihahabol na namang paperworks sa kanya. Iyong tipong isusubo na lang niya iyong pagkain bigla ay may tatawag sa telepono nito para lang itanong kung anong meron sa technohub nila ngayon. Ganya siya kabusy kaya no wonder kung bakit wala siyang lovelife. She's beautiful, simple, kind, sophisticated , maarte hindi un mawawala sa katangian nito pero sweet ito pagdating sa mga kaibigan nito. Except sa akin...sakit diba...Hays..buhay nga naman. But i really like her because JD is different for other woman, masyado itong inspired magtrabaho. Parang teacher din kasi ang style nito sa mga training nito. Nagbibigay ng inspirasyon at lakas ng loob para sa mga bagong applicant. Actually, i'm one of her pixies. Isa sa mga tinuturuan niya. Noong una napagkamalan niya akong lalaki.

*****Flashback*******
"You're late Mr.."Pormal nitong sita sa akin. "Sorry mam."Nahihiyang hingi ko ng paumanhin. "But next time don't be late."Wika pa nito. At nagpatuloy ito sa pagdidiscuss ng mga dapat naming matutunan sa pag-aaply at siyempre pati sa pagsagot sa mga tanong ng mga operation manager or interviewer. One time nagkaroon kami ng introducing yourself sa harapan ng mga co-trainers ko. Ang way ng pagpapakilala ay pipili ka kung sino sa mga seatmate or co-trainer mo ang susunod na magpapakilala sayo. Nagkataon na si Mark ang tinawag isa sa mga nakapalagayan ko ng loob during training. "May I call Van."Tawag niya sa pangalan ko. Nak!ng tokwa ako talaga ang tinawag diba. Naginhale-exhale muna ako bago ang tumayo. Pagharap ko sa mga co-trainers ko bumati muna ako. "Hi guys,Goodmorning!"....may nagtatakbuhang kabayo sa dibdib ko.
"I'm Vanessa Rain M. Saval, you can call me Van."Halatang nagulat sila ng banggitin ko ang buong pangalan ko. Kahit naman sino magugulat dahil lalaking-lalaki ang porma at ayus ng nasa harapan nila ung tipong walang bakas ng pagkababae and here i am standing in front of you guys and introduce myself as a girl. Awkward >_< lang ang peg. "Are you a girl?"Hindi makapaniwalang tanong ni Ms. JD. "Yes, mam."Sagot ko. Napapailing na napapangiti ito. Parang unbelievable. "What happen?"Tanong pa rin nito.
"None mam, I born like this."Pabiro ko pang sabi. "IT is a JOKE!?"sabi pa rin nito. Napapailing na napapangiti na lang ako. Baliw ba ito, mukha ba akong nagbibiro...
"No, mam i'm serious."Napakaseryosong wika ko. Ang lagay nagsisinungaling ako. Nagmamaktol na ang isip ko sa mga reaksyon ng babaing ito.
Tumigil muna ito tumawa bago muling nagsalita."Okay, continue."
"I'm 26 years old, graduating from PUP manila took up Bachelor of Secondary major in Science, I Live in Pasig City. I also have my working experience in teaching for 4 years in high school and Elementary."
Hinga ng konti at "My motto in life don't make promises if you meant it to be broken and learn to accept what only you can do, nor what you can't do to make them fall if you not mean it."
Gets ninyo ba?hehehe..ako gets ko motto ko na yan dati pa....
Maraming natamaan sa motto ko."How great your motto."Napapangiting react ni Ms. JD. "That is my motto since grade six."Sabi ko.
"Oh'really?"Maarting wika nito. "Yeah."
"I see."
At pinagpatuloy ko, "And my status is......"Ano na nga ba kami nung girlfriend ko. Oo may girlfriend ako that time kaya lang It's complicated.
"in a relationship."Finally nasabi ko na rin.
"Okay thank you, Van."Sabi pa nito sa kanya.
At bumalik na ako sa kinauupuan ko. At hanggang sa matapos na magpakilala ang lahat nagbreak na muna kami.

Let it beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon