Busy ang lahat sa paghahanda para sa nalalapit na sport fiest. Si JD na EMCEE sa nasang event ay kaliwa't kanan ang appointment sa iba't ibang wave. Every year ginaganap ang sport fiest sa bawat Wave 1 to 165 sa ECE bilang pagdiriwang sa nalalapit na Annivesary ng aming kompanya. Isa sa kinaaabangan ang basketball, volleyball at hindi mawawala ang dancing, singing contest sa bawat Wave. At siyempre kasama si Van sa lahat ng category. Talented ei. Dalawang linggo na lang ang natitirang preparasyon sa bawat team. Pero sa basketball on going na last week pa. Ang makakalaban namin ay ang Wave 3 since kami ay nasa Wave 2. Natalo na kasi ang wave 1. Ilan pa ang kahaharapin namin. "Van, galingan mo sa laban mamaya."Sabi ni Sir Louise. "Opo, captain."Pabirong wika ko. Ito kasi ang tumatayong captain sa amin. "Kayang-kaya namin yan Sir."Wika ni Angelo. Kateam mate ko. Puro lalaki ang kasama ko sa basketball kami lang ni Shashie ang babae....este lesbi. "Umayos kayo natalo na natin ang Wave 1 at 7. "
"Opo."Halos sabay na wika naming lahat.
Nang tawagin na ang wave namin at ng kalaban. Saka kami lumabas sa court. Sigawan at malakas na tugtog ng drums ang sumalubong sa amin. Ynares sport complex ginaganap ang every year sport fiest namin. "Go wave 2!!"
"Go!wave3!"Halos rinig na cheers ng mga tao sa paligid namin. Siyempre nandun si JD. Hindi ko nga alam kong sino ang bit nitong team. Basta kasama nito sila Nick at Aisha. Si JM kasi ay kabilang sa naglalaro sa wave 3. Gay si JM pero hilig pala nito ang maglaro ng basketball.
Nagsimula na ang labanang Wave 2 and Wave 3. Nagpito na ang refere at nagsimula na ang laban. Lumalamang ang Wave 3 sa unang round pero ng sumunod na round kami na ang nauuna. Hanggang sa kami na ang nanalo. "Congratulation, Wave 2 next match wave 10."
Ang Wave 10 kasi ang nanalo sa first day laban sa wave 9 and 11. Kaya sila ang makakalaban namin mamaya.
JD'sPOV
I stop breathing when i saw Van moves in the middle of playing basketball. Hindi ko inaakalang magaling itong maglaro. MVP ang dating nito sa loob ng court. Grabe!parang hindi talaga babae kung makagalaw. Kahit iyong kasama nito na si Shashie ganun din katulad ni Van. Ngayon ko lalo siya nakikilala. Ano pa kayang talent ng kumag na ito. Kanina bago magsimula ang laro. Dinaanan niya ako sa opis ko. "Manuod ka sungit ah."Sabi nito sa akin.
"Ayoko nga."Sabi ko.
"Sige na, para may inspirasyon ako."Natatawa nitong wika.
Ano daw inspirasyon?gamitin ba naman ako sa kalokohan nito.
"Muka mo Saval."
"Guwapo."tatawang wika nito.
"Kapal mo!"Pagtataray ko.
Guwapo naman talaga siya diba....bulong ng isip ko.
"Hahahaha...ang cute mo talaga kapag naiinis ka na, anyway, manuod ka ah."Natatawa pa ring wika nito.
"Che..."Pagtataray ko pa rin. Lumapit ito sa akin at sabay halik sa noo ko. "Sorry na. Basta manuod ka."
Nanlamig ang buong katawan ko dahil sa ginawa nito sa akin. Halos hindi ko na nga napansin na nakaalis na ito sa opisina ko. Haist!grabe ang mga d moves nito. Kainis!
At ang wave 2 ang nanalo. Sila Van iyon another achievements sa team nila.
"Ang galing-galing ni fafa Van."Kinikilig na wika ni Nick. Parang sira lang.
"Ayaw magpatalo ei."Sabi naman ni Aisha.
"Dalawang MVP ba naman."Rinig kong wika ni JM. Kasali si JM sa basketball. Hilig naman kasi nito yun.
"Sayang 5 points lang lamang nila."Sabi ko.
"Okay lang atleast nanalo ang Jowa mo."Pabirong wika ni JM. Natatawa naman sina Nick At Aisha. Napasimangot naman ako. "Jowa ka dyan!"
"Hahaha....ayaw pa kasing aminin."Pang-iinis ni Aisha.
"Ewan ko sa inyo!"nabudtrip na tuloy ako.
"Uy....kikilig."Panunukso pa rin ng tatlo. Magwowalk -out na sana ako nang matanaw ko si Van na may kausap na babae. Ngayon ko lang nakita iyong babae na yun. Matangkad, maputi at may sexy body. Akala ko ako lang ang nakakita pati pala sina Nick, Aisha at JM. "Who's that girl?"Tanong ni JM.
"Infairness maganda siya ah."Sabi naman niNIck.
"Mukha namang malandi."Reaksyon ni Aisha.
"Tara na, kain tayo."Aya ko na lang sa kanila. Bakit ganun parang nasasaktan ako kahit wala naman akong nakikitang hindi maganda sa pag-uusap nung dalawa. Haits!naman oh.
Sino ba siya?
Biglang nagvibrate ang phone ko.
From Van,
Kita tayo now.
Reply ko
Me: Bakit?
From Van:
Basta sa mini garden.
Me: Okay
Ano namang trip ng tibong yun? Hindi pa ba siya kontento na may kasama siya babae kanina. Kainis!
Nagpaalam muna ako sa mga kaibigan ko bago umalis.
Nang-inis muna ang mga ito bago ako paalisin. "Goodluck"Natatawang wika ni JM
"Sira!goodluck ka dyan."Mataray pa rin na wika ko.
"Hahahaha...."Halos sabay na reaksyon ng mga ito.
Inirapan ko lang ang tatlo saka ako umalis.
BINABASA MO ANG
Let it be
RomanceAng pag-ibig parang waiting shed-kahit gaano katagal dumating, mananatili kang maghihintay ng tamang oras o panahon kung kailan titigil o hihinto ang pampasarehong sasakyan. Ganun din ang pag-ibig-maghintay ka lang ng tamang panahon. "Piliin mong...