Tatlong araw na simula ng makabalik ako sa Pilipinas. At gaya nga ng sinabi ni JD i need to forgive her. Saan ba nagsimula ang takot ko magmahal ulit at makapanakit ng damdamin ng iba. Diba kay Rose.
Mabait lang ang tadhana dahil hindi na ako ang kusang gumawa ng paraan para makausap si Rose. Dahil eto na mismo ang gumawa ng paraan para magkita kami. Everything is clear and plain. Nandito kami ngayon sa bakanteng lote kung saan ako binugbog ni Jho at Marga kasama ang nanay nito.
"Sorry."Basag ni Rose sa katahimikan.
"Sorry din."Sabi ko. Mula sa sinabi ko ay napatingin ito sa akin. Bakas sa mga mata nito ang lungkot. "Akala ko hindi na tayo magkikita."Sabi pa nito.
"Ako rin, akala ko mag-iiwasan na lang tayo."Bahagya akong napangiti.
"Pasensya ka na sa mga nangyari,after all. Hindi ka pa rin gumanti. Ni hindi ka man lang nagalit sa akin."Nahihiyang wika nito.
"Bakit naman ako magagalit sayo?"Tanong ko.
"Kasi dahil sa ginawa ko sayo."Diretsong wika nito.
"Hindi na kailangan kasi inisip ko minahal naman kita."Pinaramdam ko kay Rose na wala dapat pang alalahanin." Hindi naman porket nasaktan ka kailangan gumanti ka. Ano ba yung nagmahalan kayo tapos magagalit ka kasi nasaktan ka."I open minded about relationship. I always looking forward for the reality of life. Niyakap ako ni Rose dahil sa sinabi kong iyon. "Get life Rose, gusto kong maging masaya ka na rin."Bulong ko pa sa kanya.
"Salamat Van, ang suwerte niya kasi ikaw ang naging partner niya."Naluluha na napapangiting wika nito. Ramdam kong mabigat din para dito ang iwanan siya noon. At alam kong nagpagsisihan na rin nito iyon. "Basta mabuhay ka ng normal. At nandito lang naman ako bilang kaibigan mo."Sabi ko.
"salamat."
Iyon lang at hinatid ko na ito sa kanila. Alam kong matapos ang tagpong ito baon ko na sa limut ang nangyari sa nakaraan. Masarap talaga ang magpatawad.
BINABASA MO ANG
Let it be
RomanceAng pag-ibig parang waiting shed-kahit gaano katagal dumating, mananatili kang maghihintay ng tamang oras o panahon kung kailan titigil o hihinto ang pampasarehong sasakyan. Ganun din ang pag-ibig-maghintay ka lang ng tamang panahon. "Piliin mong...