The basketball game is over. Ang wave 2 ang nagchampion proud to be a part of Wave 2. Halos lima hanggang sampu ang nagiging lamang sa bawat kopunan. Konting-konti lang kung tutuosin pero hirap sila sa pagbabantay sa amin ni Shashie panu ba naman dalawang varsity player kaming dalawa nuong college time MVP pa at the time. Kaya malaking puntos ang laging nakukuha sa amin. Ang next activity is dancing and singing magkasabay na araw gaganapin. Since kasali na ako sa lyrical dance si Jayme na lang ang ginawa nilang pambato. Jayme have beautiful voice. Bumibirit talaga kaya hindi na ako magugulat kung ito ang mananalo. Sanay sa kantahan ei.
"Van, praktis pa tayo bago ang laban."Sabi ni Shashie sa akin habang inaayos ang gamit ko para ipasok sa loob ng bagpack. Konting oras na lang ay magsisimula na ang dance contest. Naririnig ko pa sa stage ang boses ni JD habang pinaliliwanag nito ang mechanics ng contest. Hanggang sa stage maarte pa rin itong nagsasalita. Sabagay sanay na sanay naman itong humarap sa maraming tao.
"Sige, may 30 minutes pa naman tayo." Pumunta kami sa isang sulok para magpraktis.
Makalipas ng ilang minuto ay nagsimula na ang paligsahan.
Unang tinawag ang Wave 1 to follow by wave 2 at kami yun.
Daming nagtitilian at nagsisigawan ng tawagin ang Wave 2-dami kasi naming binayaran hehehehe....JD's POV
Kinikilig ang mga kababaihan ng mapanuod ang magandang lyrical dance na sinasayaw ng team nila Van. Kahit ako napapahanga sa sabay-sabay na galaw at kilos nina Shashie, Lloyd at Van together with the four men's dancer na hinired pa ni Sir Luise para lang mas mapaganda ang sayaw. Nasa gitna si Van parang siya ang main character ng story according to the song that they dance.
"Thank you for the broken heart...."iyon ang title nung song na sinasayaw nila Van.
She's dance as if she feel every lines that says in that song. Kasabay ng mensahe ng kanta ang emosyon na makikita sa mga mukha ng mga dancer. Parang feel na feel.
Van wearing black tank top and white longsleves with black maong pants nakapaa rin ito katulad ng dalawang kasama niya na nagsasayaw. After a minutes the number is end. Sabay-sabay na nagsigawan ang mga audeince. "Thank you Wave 2 for sharing your emotional number to us."Wika ko habang bumababa ng stage ang mga ito. "Now let's proceed to another number coming from Wave 3."
Sunud-sunod na ang sasayaw iba-ibang genre but wish me luck for those deserving to win for this contest. Right after the dance contest they proceed for singing contest.After an hour the contest is done. Since this is the last day of two weeks events. Lahat nang nanalo sa ball games at sa singing, dancing contest ay sabay-sabay ng sasabihin. Awarding of medals, cash and trophy of course.
"The winner of singing contest is coming from Wave 3 Ariel John B. Balbon."Every one's clap their hands with cheers and laughs. Ganun kasaya ang paligid sa tuwing magaganap ang ganitong event. Ang wave 2 ang pinakamaraming nahakot na award. "Hakot award goes to......Wave 2."Nagpatugtog pa ng drums ang mga kateam member ng wave 2. Todong picturan after the event.
"Uy, best papicture kayo ni Van."Sabi ni Aisha.
"Sira."Sabi ko. Nagliligpit na kami ng mga ginamit na props.
"Sige na.."Pagpupumilit nito sa kanya.
"Ayoko.."
"Sige."Mayamaya ay rinig niyang wika. Mula sa kanya likuran ay nakita niya si Van na nakasuot pa rin ng tank top pero wala na itong longsleeves. Ganitong-ganito iyong itsura niya nung nasa Pampanga sila. "Ayoko."Nakairap pa na wika ko.
"Bakit?"Takang tanong ni Aisha.
"Eh kasi nakaganyan siya."Sabi ko kasabay ng pagturo sa suot ni Van.
"Anong nakaganyan?"Nakakunot na wika nito.
"Nakasando!"Inis na wika ko.
"Ah...magpolo ka nga Van kaya ayaw magpapicture ei."Natatawang wika ni Aisha.
Dali-dali naman nitong sinuot ang longsleeves polo na suot niya kanina. "Oh' yan nakapolo na po ako."Iiling-iling na wika nito.
"Sige magtabi na kayo."Tinulak-tulak pa ni Aisha ako kay Van.
Nang magkatabi kami ay agad na kinuhaan kami ng picture nito.
"Bagay na bagay."Nakangiting wika ni Aisha habang tinititigan ang picture.
"May I see."Wika ni Van.
"Bagay nga."Sabay tingin sa akin ng diretso.
Na nagpahinto ng aking mundo. Bakit ba kasi ang hirap iwasan ng mga mata nito. Na akala mo'y laging may sinasabi kainis.
"Hoy! Kayong dalawa!baka magkatunawan kayo."Putol na wika ni Aisha sa aming dalawa ni Van.
"Ewan."Naiinis na wika ko.
"Sige una na ako."Paalam ni Van.
"San ka pupunta?"Tanong ni Aisha.
"Uuwi na sa Monday na raw yong celebration ei."Si Van.
"Ah ganun ba...hatid mo na si JD kasi umalis na sila Nick, aalis na rin ako dahil may sundo ako ngayon."Bahagya pa itong kinilig. "Si jowa."Nakangiting wika ni Van.
Para lang akong invisible sa dalawang nag-uusap. Panu ba naman hanggang ngayon tahimik pa rin ako. Kainis kasi si Van.
"If she want."Rinig ko pang wika nito.
"JD si Van na maghahatid sayo ah."
"Ah!"Sagot ko.
"Sabi ko si Van na maghahatid sayo."Ulit ni Aisha.
"Bakit hindi mo ba ako puwede isabay."Nairita ako lalo sa sinabi ng kaibigan.
"Sorry, friend baka mahuli tayo kung tatlo tayong aangkas kay Len."Paliwanag nito.
No choice!
"Sige na nga."Napag-isip-isip ko masyado ng malalim ang gabi kung magkocommute pa ako.
"Thanks friend."At niyakap pa ako nito. "Bye"
"bye."I hug her back.
"Uy,.....Van wag mong sasaktan kaibigan ko ah."Pahabol na wika nito kay Van.
"Oo naman, baka nga ako pa saktan niyan."Pabirong wika ni Van.
Binatukan ko si Van dahil sa sinabi nito. "Oh diba kasasabi ko lang."Parang batang wika nito.
"Hahahaha...sadista."Natatawang wika nito.
"Pasaway, sige dyan na kayo."dugtong pa na wika nito.
"Bye."Kumakaway na paalam namin kay Aisha.
BINABASA MO ANG
Let it be
RomanceAng pag-ibig parang waiting shed-kahit gaano katagal dumating, mananatili kang maghihintay ng tamang oras o panahon kung kailan titigil o hihinto ang pampasarehong sasakyan. Ganun din ang pag-ibig-maghintay ka lang ng tamang panahon. "Piliin mong...