Chapter 53: My Queen's Real Identity

19.9K 520 105
                                    

Nathan Pov

Tahimik kong pinagmamasdan ang mga larawan ng asawa ko.

Lahat.. lahat nasa edad 5 pataas ang edad niya.

Wala siyang baby pictures...

Hindi kaya... siya yung Iesha Margeux Veloso?i

Yung anak ng karibal ni Dad sa negosyo at pag-ibig.

The father of Iesha Margeux is actually my Dad's rival to the woman he really loved....

What a small world ei?

Siya nga ba talaga si Maggie?

Yung Maggie ng ugok na jadon nay un?

Hindi! Kung siya man si Maggie..siya ang Maggie ko at hindi sa ugok nay un!

Kinuha ko ang picture niya na nakaupo sa bato at naka peace sign. May dumi siya sa mukha...pero kahit ganoon ay napakaganda parin ni wife sa larawan. Her bright eyes and cheerful sweet smile were captured. she's like smiling at everyone looking at her...

Then I look at another one.

There's a picture of her with.. with Mario. Mario's wearing a graduation robe.. ang pangit ni Mokong dito at naka akbay pa talaga siya sa asawa ko.

(=____=) pwede ko ba tong sunugin? Kainis eh! At ang pangit ng pagkakakuha.

Author: ahahhahahhaha.. Bias itong si Dong! Hahahahahah

Then I look at another picture of my wife, which looks like she's around 5 years old with Tatang.

Binubuhat siya ni Tatang. Nakatayo si Tatang sa Ilalim ng puno. Meron siyang benda sa ulo si Neneng sa larawan...

" Ah... yang picture nay an..kinuhanan nung nagpapagaling si Neneng mula sa aksidente.." Biglang may nagsalita.

Napalingon ako at nakita ko si Tatang na nakatayo sa likod ko.

" po?" tanong ko.

" nung 5 taon siya.... Nung papunta kami sa bayan. Nawalan ng preno ang sinasakyan namin ng motor. Nahulog yung motor sa bangin. Nung bumagsak siya ay tumama ang ulo niya sa bato. akala ko noon... mawawala na siya.. masyado siyang maliit ang dami ng dugong lumalabas..." pagkwekwento ni Tatang na nakatingin sa malayo.

" akala ko noon.. babawiin na naman ng Dyos ang binigay niya sa amin....Babawiin niya na naman ang isang batang anghel.." sambit nito na medyo naiiyak.

" Natakot kami noon nung asawa ko..... paano namin siya maibabalik sa kanila kung... kung nasaktan siya?" sambit nito.

" Maibabalik? A-ano po ang ibig niyong sabihin Papah (wave)?" tanong ko sabay wave.

" maibabalik sa sarili niyang pamilya...... hindi namin alam noon kung saan siya nagmula.... Nakita siya namin sa dalampasigan....kinupkop at tinuring bilang anak." Sambit ni Tatang.

Nanigas ako sa aking kinatatayuan........k-kung ganoon.....

"Kahit masakit noon sa amin, kailangan namin siyang ibalik... alam namin ang pakiramdam na mawalan ng anak... ngunit ng panahon na iyon... nung panahon n asana pupunta kami sa presinto sa bayan para ipahananp ang magulang niya ay naaksidente kami... hindi na na-alala ni Neneng a-ang tungkol sa pagkatao niya matapos nun.....hindi namin siya pwedeng tanungin ng tanungin dahil nakakasama iyon sa kanya..kaya ang payo sa amin, hintayin na lang namin na bumalik ang alaala niya... at may mag report na nawawala siya..pero magpasahanggang ngayon.. wala parin siyang na-alala. Wala ring naghanap sa kanya....Nagdesisyon kami na.. na yung pangalan na lang nung yumaong anak namin ang ipangalan namin sa kanya.... Alam mo ba... nung birthday ng anak namin nakita si Neneng..... August9... doon naramdaman namin na.. na siyay biyaya galling sa langit." Pagkwekwento ni Tatang.

Wanted: MommyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon