Chapter 13: Announcement

28.9K 753 45
                                    

Neneng POV

" Hello Sister Isabel!" bati ko kay Ate.

Ngumiti siya ng pilit at kumaway sa akin. Pero agad din tumingin kay Dong.

Ay..Mali ata ako sa pagbati ko na English kay Ate Dapat siguro.. "Hello Garci?" Tapos sasabayan ko ng " Ang Saya Saya Noh?"... Ay! English pala dapat..." Happy Happy Noh?"

Tapos napansin ko yung kyut na kyut na baby na hawak ni Toto Naizer. Hala! Ito ba yung nabalitaan ko na anak ni Ate Ysabel?

" Hi Baby!" sabi ko dun at ngumiti naman ito.

" hello" sagot nito.

Waaaaahhhhh ang kyut!!!!!

"Happy Birthday Twin Brother." bati ni Toto Naizer kay Dong.

Teka..Twin Brother ba palayaw ni Dong?

Ang sosyal naman pakinggan.

" Same to you." cool lang na sagot ni Dong at saka kumuha na ng manipis na papel na parang tela. Pinunasan nito ang mukha.

Ako din kumuha ng sosyal na pamunas mula sa kulay asul na kahon at saka ginaya ang pagpunas ni Dong.

Ang cute ni Dong. Ngumunguso talaga yung bibig habang pinupunasan ang gilid ng mukha.

"Enjoying your birthday?"taning ni Toto Naizer kay Dong.

" What do you think?" supladong sambit ni Dong.

(@___@) Waaaahhh... Ano ba yung pinaguusapan nila?Wala akong naiintindihan.

"Really obvious. Hahahaha.. Hi Neneng! Its nice to see you." sabi ni Toto Naizer sa akin.

Ay ako pala yung kinausap niya? Nakakahiya! Hindi ako sumasagot! Huhuhuhuhi... Teka..ano ba ang isasagot ko?

See you daw....

" I can see you but you cant see me." sabi ko at saka winave yung kamay ko sa mukha.

" Hahahahaa.. I didnt know that you are a fan of John Cena." sambit ni Toto Naizer na tumawa pa.

Teka sino yun? Fan???? Magpapahangin ba si toto Naizer?

"Hahahaha...Who u? John Cena? Fan? Ah! Eletricfan the Cenabawan!" sabi ko at tumawa din.

Hindi ko alam kung bakit ako tumatawa. Eh si Toto Naizer tawa ng tawa eh.

" You are really funny! At last Bro! You have someone to brighten up your day." sabi ni Toto Naizer na pinataas pa ang dalawang kilay.

Ahhhhmmm... Ako parin ata kinakausap nito? Ah makasagot na nga lang.

" Ahehehehe...Funny funny funny and very very very! Hahahaha..So life is shine bright like a jejemon! No need for Meralco" sagot ko at nag peace sign pa.

Ang ibig kong sabihin ay dapat laging masaya para ang buhay ay maliwanag.

" Ahahahahahahahahahahahahahahaha..." Lumagapak si Toto Naizer ng tawa.

(?_____?)

" Hala Dong! Anong nangyari diyan sa kapatid mo uy?! Kanina pa tawa ng tawa.." bulong ko kay Dong.

(-___-) "Ewan ko. Kayo kaya nag uusap diyan." supladong bulong ni Dong.

Ang highblood naman ni Dong. Mana sa tatay niya. Siguro nung kabataan ni Tatay Pogi ay pinagbabato rin ito ng kung ano anu o kaya hinihila sa tenga.

"Neng! Tsk..Can I just take you home?" biglang sambit ni Toto Naizer sa akin..

Teka! Nadinig ko na yan! Oo tama! Tinatanong yan sa mga restaurant... Teka.. Di pa nga tinatanong kung ano order niya take out na agad?

Wanted: MommyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon