Chapter 62.1: Broken Mirror (Part 1)

13.8K 386 47
                                        



Neneng Pov

" P-po? " Gulat na gulat na tanong ko kay Tito Daddy.

" Oo. Hindi ba fiancée mo naman talaga si Jadon? You are meant to marry him when youre 18... right now youre 19 years old." Sambit ni Tito Daddy sa akin.

" Maggie... that is the only way. Ang mga Martinez ang makakatulong sa ating kompanya." Sambit ni Tito Daddy sa akin.

" A-ano po kasi tito daddy...." hindi ko magawang makatingin sa kay Tito daddy.

" Hindi bat nagmamahalan kayo ni Jadon?" tanong ni Tito daddy.

" M-mahal ko po si Jadon bil----"

" yun naman pala Maggie. Hindi ka mahihirapan dahil mahal mo siya. Alam ko na mahal ka din ni Jadon." Sambit ni Tito daddy.

Napayuko ako.

" H-hindi po maari ang gusto ninyo Tito daddy... " sambit ko

"why?" tanong ni Tito daddy.

" Kasal na po ako." Sambit ko at tumingin kay Tito daddy.

" W-what do you mean?" tanong ni Tito daddy. halata ang pagkabigla sa kanyang mukha.

Ay di ba siya nakakaintinde ng tagalog?. hai.. mapapa English na naman ako.

" Im married Tito daddy." sambit ko at pinakita ang weding ring namin ni Dong.

" ANO?!" halos sigawan niya ako.

Tulala lang akong napatingin sa kanya.

" YOURE USELESS! I THOUGHT THAT I FOUND YOU! YOU WILL HELP THE COMPANY! BUT I WAS WRONG! " sigaw nito sa akin at napahawak sa ulo nito.

Nasaktan ako sa sinabi niya. Pero pinilit ko na huwag ipakita iyon at intindihin si Tito Daddy. Alam kong nasasabi niya lang ito dahil may mali na nangyayari sa companya.

"Even Daiselle can't help me! She's such a disgrace to the family! " sambit pa nito.

" P-patawad p-po. T-tito D-daddy..." bigla kong sambit at naramdaman ko ang paginit ng mga mata ko.

Napatingin ito sa akin at biglang natigilan.

"N-no.. Im sorry Maggie. I didn't mean to scold you. Im sorry" sambit ni Tito daddy at yinakap ako.

" Im sorry.. I should not have said those words. Im the one useless here.. not you.. Im sorry princess." Sabi ni Tito Daddy.

Ramadam ko ang bigat ng kanyang pagsisisi sa kanyang mga sinabi.

" Naiintindihan ko po Tito Daddy. " sambit ko.

" ilang taon ka ng kinasal Maggie? Hindi mo man lang kami inimbitahan. Sanay ihahatid ko ang isang napakagandang bride sa altar." Sambit ni tito daddy sa akin.

" mga 9 months pa lang po akong ikinasal. Pasensya na kung hindi ko kayo naimbitahan..nagkaroon po kasi ako ng amnesia.. buong akala ko ay sina Nanang at Tatang ang aking magulang.." sambit ko.

Hinawakan ni Tito Daddy ang aking mga kamay at ngumiti.

" Kamusta ang asawa mo? Ok ba siya? Baka naman pinapahirapan ka nun. Gusto ko siyang makilala." Nakangiting sambit ni Tito Daddy.

" Naku! Mabait at isang mabuting lalaki po ang asawa ko. Masipag, Malambing po yon at gandang ganda sa sarili niya. Hahahaha. Pero gwapo naman siya tito daddy. may ipagyayabang naman." Sambit ko at pabulong kong sinabi ang may ipagyayabang naman.

Wanted: MommyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon