Nathan Pov
Byahe na namin ni Neneng papunta sa European tour kung saan pinili ng tatay ko na mag honeymoon kami.
Sosyal namin ano? Kahit papaano ay nararamdaman ko na may kaunti pang kabutihan ang tatay kong yun. (=___=)
Mananatili kami doon for four days kasi naman baka hanapin na kami ng tatlong anak ko.
Hindi isinama ni Dad ang tatlo para mag enjoy daw ang bagong kasal.
(=_=) Weeh!
“ Dong! Para tayong ibon! Lilipad tayo!” tuwang tuwa na sabi ni Neneng sa akin.
“ Kaya nga nandito tayo sa eroplano diba? May nakita ka bang eroplano na lumalangoy?” sabi ko sa kanya at tinaasan siya ng kilay. Tsss. Minsan talaga ang babaeng to ay inaatake ng katangahan.
“ Ahahahahahaha.. alam ko. Naku dong! Ang highblood mo. Para kang si Tatay mo.” Sai niya na nakangiti.
“ Kanino pa ba ako magmamana ? Eh ama ko kaya yun. (=____=) Pero hindi ako sadista at nananakit ng sobramg gwapong anak nanagngangalang Nathan.” Sagot ko sa kanya.
“ Hahahaha.. Alam mo Dong.. Ang hangin mo. Parang lumilipad na ako pagkasama kita.”sabi niya sa akin.
“ Puri bay an o insulto?” nakataas kong kilay na tanong.
“Uhh… Ano yun uh… Pick up Lines!” saad niya.
“Panes na panes ang pick up lines mo Neng.”
“ Boom! Hahahahahahaha.” Tawang tawa siya.
(=____=) Pati ata utak ng babaeng to ay panes na din. Padala ko kaya to sa mental at doon siya mag honeymoon mag isa?
“ Hai… Uh Dong saan ba tayo pupunta? Nadinig ko kay tatay pogi na mag hohoneymoon daw tayo.”
“ Oo.” Plain kong sagot at saka ininum yung red wine na binigay sa akin ng magandang flight attendant.
Kukunin ko mamaya number niya. Mwehehehehehehehe….
“ Ano ba ang ginagawa sa honeymoon ng mag-asawa?Hindi ba pwedeng dito nalang tayo ngayon mag Honeymoon sa eroplano?" tanong niya sa akin.
Nagtinginan ang mga tao at Nasamid ako sa tanong niya. Tingin ko nalunod ako at nabilaukan sa ininum ko.
Napalakas kasi ang pagkakasabi niya na mag Honeymoon kami dito at as in now na.
“Sabi ni Tatay Pogi ay dadalhan ko daw siya ng apo na ginawa sa Roma. Meron ba doon sa Roma na binebentang apo, Dong? saka…….. Bakit ka namumula Dong?” dirediretso niyang tanong sa akin. Ang lakas niya magsalita. Parang nakalunok ng isang speaker at megaphone.
“ Siguro maganda ang ginagawa sa Honeymoon Dong no?” dagdag niyang tanong na excited.
Aish! Eto talaga ang mahirap kapag Neneng ang asawa. Sisirain ko ang inosente niyang utak.
“ Ang ginagawa ng mga magasawa sa Honeymoon ay… ay… ay…. Namamasyal at uhmm…. Uma ano….ano…..”
“ Ha? Umaano! Anong umaano dong?“ mas namilog na mata niya. Di niya ata na gets na umaano.
(=___=)
…Nag e- exercise. “
Ang awkward naman na sabihin ditto sa babaeng to. Tingin ko hindi niya kakayanin ang tunay na ginagawa sa Honeymoon. Baka pumutok ovaries nito. (=___=)
Namilog ang mga mata niya. “ Talaga? Nakakapagod siguro Dong no?” tanong niya sa akin na sobrang lapit na ng mukha niya.
(o__o)
BINABASA MO ANG
Wanted: Mommy
HumorAko si Nathan Clyde and I just need a mom for my triplets... Who wants to apply? Promise I'll make the salary triple. your bonus will also be Triple. just replace this hired one. PLEAAAAAAAASEEEEEE!!!!