Neneng Pov
" Tsk! Hala Ma'am! Nagka pasa kayo sa pisngi. Matindi ata yung pagkakasampal sa iyo." Probolemadong sambit ni Kuya itim habang nilalagyan ako ng ice sa mukha.
Napapaluha ako sa hapdi.
" oo nga kuya. Ang hapdi nga eh...Di ko akalain malakas pa si Kuya payat." Sambit ko.
" hai! Mahanap ko lang talaga yun mam! Naku! Kakaratehin ko yun! Hai.. Pagnalaman to ni sir.... Magwawala yun. Madrama pa naman ang mayabang este ang pogi na yun!" sambit ni Kuya Itim.
" waaaaahhhh! Kuya! Baka magwala si Dong ng bongga!" sambit ko sabay hawak sa braso niya.
" Oo nga mam. Kakasabi ko nga lang niyan dib a? hehehehe. Gaya gaya ka ng script." Sambit ni Kuya Itim.
Narinig ko bigla ang pag tunog ng pinto.
Nanlaki ang mata ko. Si Dong! Nandyan na siya!
" Kuya!! Nandyan na siya!!" bulalas ko.
" hala.... Lagot ka mam...may uwi si dodong sa bahay...." Sambit ni Kuya Itim at ginaya pa yung parang sound ng sa pelikulang feng sui.
(>0<) waaaaaaaaaaaaaahhhhh!!! NAKAKATAKOT SI KUYA ITIM!
Tapos narinig ko ang pag click ng pintoan. Ibig sabihin pumasok na si Dong.
Nanakbo ako sa kwarto at nagkumot.
Yung side na walang pasa ang pinaharap ko.
Pinikit ko ang mata ko at nagkunwaring tulog.
Tapos nakirinig ako sa paguusap.
" SIR DONGGGG!! SURPRIIIIIISSSSSSEEEE!" NADINIG KONG SAMBIT NI kuya itim.
" where's my wife?" walang ganang nadinig ko na reaction ni Dong.
" OUCH NAMAN SIR! Di niyo ba ako namiss?! Nakakasakit ka ng damdamin ah! Ako nga namiss ko kayo! Walang araw na hindi kita iniisip" tampong sambit ni Kuya Itim.
(O.O) Ha?! Ano daw? Walang araw na hindi niya naiisip si Dong?! teka? May crush ba si Kuya Itim kay Dong?!
" A-ANO BA YANG SINASABI MO?! HINDI KA BA KINIKILABUTAN?!" sambit ni Dong na halatang nandidiri.
"Hindi." Direktang sabi ni Kuya Itim.
" Tsss.. ano bang ginagawa mo dito? Akala ko ba nandoon ka sa Amerika? 1 buwan na hindi ka nagparamdam" tanong ni Dong
" ayiiiii... si Sir doNG NAGTATAMPO... HIHIHIHIHIHIHIHI.." KINIKILIG NA SAMbit ni kuya itim.
" gusto mo sapakin kita?" tanong ni Dong
(>O<)hala! Galit na! huhuhuhuhuhu...
" SABI KO NGA sir huwag akong mag assume.. hehehehehe... Uhm, Nandito ako kasi may dapat akong asikasuhin dito sa Pinas. Secret na lang po kasi medyo private. Bawal eshare." Sambit ni Kuya Itim.
" Ok." Yan lang sagot ni Dong
Tapos naramdaman ko ang pagtunog ng cellphone ko.
Umalingawngaw yun sa buong silid.
Tapos bigla iyon napatigil at kaagad pumasok si Dong sa kwarto.
Kaagad kong pinikit ang mata ko para kunwari natutulog ako.
Naramdaman ko ang presensya ni Dong sa harap ko na nakatingin sa akin. Tapos naramdaman ko ang marahan niyang paghaplos sa buhok ko at paglagay ng hibla sa aking tenga.
" Aba! Ang bilis naman ni Mam Neneng makatulog. Kanina lang ang energetic niya eh." Sambit ni Kuya Itim
Waaaaahhh! Kuya Itim naman! Huwag mo naman akong ibuko! Waaaahhh
BINABASA MO ANG
Wanted: Mommy
HumorAko si Nathan Clyde and I just need a mom for my triplets... Who wants to apply? Promise I'll make the salary triple. your bonus will also be Triple. just replace this hired one. PLEAAAAAAAASEEEEEE!!!!