Nathan POV
Want to know me more?
Im Nathan Clyde Hoseff. 2o years of age. Running for summa comlaude, elite bachelor, super handsome, a guitarist in a well known band.
Im a dad of 3 without a Mom and getting married with the Hired Mom.
(-____-) Im sooooo Dead.
"What?! Dad! You gotta be joking! Im only 20!!" sigaw ko sa dad ko.
Bigla niya akong hinampas ng tabo. (-___-) Sadistang tatay talaga. Ma report nga to sa Bantay Gwapo 143.
"You should have realized that before you become a Womanizer." sagot ni Dad.
"DAD! its not my fault?! Ok.. Kusang lumalapit ang mga palay sa akin." sabi ko
"Tinutuka mu naman! Kaya ayan. Nagitlog ka ng tatlong sisiw."sagot ng tatay ko.
Ang ganda ng comparison namin ano. (-____-)
" Gusto mo ba na lumaki ang anak mo na walang nanay?!" tanong ni Dad sa akin.
I look at him blankly.
Yeah right..
I know how bad it is to grow up without a Mom.
It is because of us why she is not with us.
Namatay siya sa komplikasyon sa panganganak sa amin ni Naizer.
Natahimik ako bigla.
" Uhmmm...where is the mother of the triplets?"tanong ko kay Dad.
" She's gone. same situation with your Mom." sagot ni Dad sa akin.
But no!
I don't want to end my Bachelors life because of these babies!
What do they want?
Support? I can give them! Sa dami ng pera ko ay hindi ko na alam kung saan ko igagasta.
" Dad. I can take care and support the kids if that is what you want..But I cant marry her." sagot ko at tumayo na.
" Oo mabibigyan mo sila ng supporta.. Eh ang kahihiyang dadanasin mo at ng pamilya natin ha? Ano na lang ang sasabihin ng mga tao na may anak akong... disgrasyado?" sabi ni Dad.
" May anak akong Angelito ang Batang Ama!" Dagdag niya.
" Dad.. hindi na ako bata.. 20 na ako." sabi ko.
"Oh edi Demonyito.. ang nagmamatandang Ama." sagot niya.
(-_____-) I'll accept the Angelito ang Batang ama.. Kasi Anghel na, bata pa.
"Hindi mo ba maiisip na masisira ang image mo sa mga tao? Remember Nathan.. isa kang artista." pa-alala ni Dad.
" I don't care. Marrying her is worse than Hell!" sigaw ko.
Pag may asawa na ako.. no dates for me.. no happy nights on my boring days.
"Sige.. kung yan ang gusto mo. Pero wala kang makukuha mula sa akin ng kahit na ano..No credit cards,no cars and no allowance" sagot ni Dad at biglang nakatalikod.
(O____________O) "Wait?! That's so unfair!" biglang asik ko sa Tatay ko.
" Kaya nga. Mamili ka.. Magpapakasal ka o maghihirap ka?" tanong ni Dad sa akin.
Hindi ako sumagot..
Nagsimula na siyang maglakad papuntang pinto.
"Fine..." biglang sagot ko.
Biglang ngumiti ang Tatay ko ng sobrang laki. (^______________^)
" Good choice Son :) " sabi niya at tinapik tapik pa ang balikat ko.
"Prepare a wedding Proposal" bulong niya sa akin.
Well let me clarify things..
Lahat ng pera ko,kinikita at mana ay naka pangalan sa tatay ko. Hindi ko iyon makukuha unless im 22 years old.. Nakasulat yun sa will and testament ni Mama ko at sa advance will and testament ni Dad. (-____-) Pinaghahandaan na niya daw dahil kahit anong oras ay pwede daw siya mawalan ng buhay sa lahat ng gwapo problems na naidudulot ko.
" Dad... why her?" tanong ko sa tatay kong sadista.
" Simply because I know she can do the job. The babies like her and treat her as their mom. She's nice.. and she has something to pay back to me." sagot ng Dad ko na nakatingin sa akin ng seryoso.
Maya maya ay umalis na ng bahay ang tatay ko.
Payback? tatanungin ko nga si Neneng kung magkano utang niya at ako na lang magbabayad.
Tsk.. but first let me finish my bath...
Ang hapdi na sa mata ehNeneng POV
Alam ko na ang pinaguusapan ni Dong at ni Tatay Pogi.
Sa tingin ko... ang nalalapit na kasal namin ni Dong.
Ang totoo niyan, hindi ko naman gusto na maging asawa si Dong eh.
Pero parte eto ng pambayad ko sa lahat ng kabutihang naibigay ni Tatay pogi sa akin at sa aking pamilya.
Utang ko kay tatay pogi ang buhay ko.
Kung hindi niya binigyan si Nanay ng pampagamot sa akin ay malamang wala na ako.
Meron akong heart disease. May butas ang puso ko. Lagi akong hinihika at nanghihina.
Sa tuwing hihinga ako ay naninikip ang dibdib ko.. Talo ko pa nga yung mmga broken hearted eh.. kasi araw araw, na ninikip ang dibdib ko. HUHUHu....
Tinatanong niyo siguro kung bakit hindi man lang ako tinulungan ni Ate Ysabel dahil mayaman siya ano? Ang totoo.. hindi ko talaga siya kapatid. Ate lang talaga ang tawag ko sa kanya at doon ako nagtatrabaho sa mansion niya sa probinsya. Magkapatid lang talaga ang turingan namin sa isat isa.
Naalala ko kung paano kami nagkakilala ni Tatay Pogi...
Habang naglalakad ako sa daan ay bigal akong hinimatay. Makalipas ang mga sandali, nakita ko na nasa ospital na ako.
Tapos nalaman ko na lumalala na ang sakit ko at kailangan ko ng opera. Na-alala ko na iyak ng iyak si Nanang dahil wala siyang pera na pampaopera..Tapos sabi ng doktor ay huwag na daw kaming mag-alala dahil may isang tao na nagmagandang loob para mapaopera ako.
Siya daw yung nakakita sa akin nung nahimatay ako.
Sobrang mayaman siguro at may malagintong puso kaya niligtas niya ako.
Gusto ko na mabayaran o kaya may magawa man lang ako para sa kabutihan ng taong nag alok ng tulong.
Nagulat na nga lang ako na, ang hinihingi nito ay ang alagaan ko daw ang 3 apo nito sa maynila...
Huli ko na lang nalaman na pati pala ang ama ay kailangan ko ding alagaan at pakasalan.
Ang pagpapakasal nga ay hindi biro.. pero kung ito lang ang makakatulong kay Tatay Pogi ay gagawin ko.
Kahit kailangan ko mag reserba ng pamahid sa ilong ko pag nagsasalita si Dong.
(-____-)
Biglang Lumabas si Dong sa Kwarto.
"Dong?" tawag ko sa kanya.
" What do you want?" tanong niya na matalim na nakatingin sa akin.
Galit ba to o inis? di ko alam.. di ko naintindihan yung english niya eh.
" Tsss..." sabi niya at naglakad papuntang banyo.
Kailangan ata nito tapusin ang pagligo. (-____-) at para naman maging malamig ang mainit niyang ulo.
BINABASA MO ANG
Wanted: Mommy
HumorAko si Nathan Clyde and I just need a mom for my triplets... Who wants to apply? Promise I'll make the salary triple. your bonus will also be Triple. just replace this hired one. PLEAAAAAAAASEEEEEE!!!!