Chapter 23.2 Babies and Me

29.4K 690 61
                                    

Nathan POV

Nakakapagod parin talga yung sa paghabol kay Neneng. (=.=)

Pagpasok na pagpasok ko ay simula na ng kalbaryo.

" UWAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!" capslock na iyak para intense.

Grabe napatakip ako ng tenga ko sa iyak ng tatlong anak ko. Mababasag eardrums ko sa iyak nila promise!

" Oo na! Andito na si Daddy!" sigaw ko at pumasok na sa kwarto ni Neneng.

Nakatayo na sila sa kuna at umiiyak.

" Uwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhh" iyak nila Lalo. (=.=) Wala pa nga akong ginagawa umiiyak na sila ng sobra.

" Shhh! Stop crying kids... Tell your dad what your problems are." sabi ko sa kanilang tatlo habang nakatayo sa tapat nila na naka cross arms.

" Uwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhh!" sagot nila.

" Anong uwaaahh? Meron bang ganyang problema?" tanong ko sa kanila

" Uwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhh.." -- sagot nila.

Napa facepalm ako. Anong gagawin ko?!

" Daddy! Daddy! Daddy!" sambit nila habang umiiyak.

" Eto na nga ako oh. Daddy kayo ng daddy! (=.=) " sabi ko.

Nakadipa na silang tatlo sa akin habang umiiyak.

" Karga!" natuwa kong sambit! Gusto nilang kargahin ko sila! Hahahahahah!

Kinuha ko si Exodus muna at aba..

" uwaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhh!" nakakabinging iyak ng dalawa. Yung ipit na sigaw na.(T^T)kaya hindi ko natuloy ang pagbuhat sa kay Exodus. Gusto nila buhatin ko sila ng sabay.

" Babies. Daddy has only two hands: the left and the right "

Ay....Parang ang tanga naman pakinggan ng English sentence ko. Nahahawaan na ako ni Neneng.

Habang nagiisip ay may Nakita ko yung carriers sa gilid. 3 yun. Kaya ginawa ko...

Binuhat ko si Psalms at Exodus at nilagay sa tigisang carrier. Sinuot ko si Exodus sa likod. Si Psalms sa harap at si Revelations ay inakay ko sa gilid.

Waaaaaahhhh! Grabe! Nakakaawa ako (T^T)

Pagkakarga nila ay kaagad na lumabas na kami sa kwarto. Humupa na din yung iyak ng tatlo.

Salamat naman. Phew!

Oh ano na gagwin ko?

Gruuuuuuuuuuuuuuuuuuuu------ demanda ng tyan ko.

Tumawa yung mga bata sa tunog ng tyan ko. Napangiti naman ako. I really find their baby laugh cute.

Gruuuuuuuuu---

Tsk. Gutom na ako.

Kaya pumunta ako...uh..kami sa kusina..

Since wala si Neneng eh mag ce-cereal na lang ako.

Ang hirap nga magprepare ng cereal lalo na may tatlong batang kumakapit sayo. (=_=) halos natapun na nga yung cereals eh. Si Psalms kasi inaagaw yung cereal box. Tapos paglagay ko ng cereals sa bowl ay sinipa niya.

" Psalms.. masama sipain ang pagkain.Kung gusto mo manipa, sipain mo si Mario hindi yung kakainin ni Daddy. " sabi ko kay Psalms.

Pagkatapos kong maihanda ang cereals ay nilagay ko na yung kakainin ko sa mesa at umupo.

Wanted: MommyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon