Neneng Pov:
Ang saya ko ngayon.. Kasi una hindi na galit si Dong sa akin. Hindi na niya ako inaaway. Tapos kinakausap na niya ako sa harap ng maraming estudyante sa skwelahan namin.
Kakatapos lang ngayon ng klase ko.
Sinundo niya ako at saka sinabi na bibilhan niya ako ng ice cream! Yey!
(^_^) Di ko mapigilang ngumiti ng malapad.
Naglalakad kami ngayon sa hallway ng paaralan na magkahawak kamay.
Hindi ko alam kung bakit niya hinahawakan ang kamay ko. Natatakot ata siya sa mga babae eh. Grabe kasi kung makatingin ang mga babae sa amin. Hai! Siguro naiinggit sila sa ganda ni dong. Hihihihihi...
Naramdaman ko na mas humigpit ang paghawak niya ng kamay ko at napatigil sa paglalakad. Nakita ko si Mareng Lance.
HALA! BAKA magtalo na naman ang dalawa kung sino mas maganda sa kanila. Parehas naman silang maganda eh.
" Nathan.." sambit ni Mareng Lance na napakaseryoso.
" lancer.." sagot naman ni dong.
Checking of attendance ba????
"Neneng! Present!" Biglang sabat ko. Baka mamarkahan akong absent eh. Heeeheheh...
" hi Neneng." Nakangiting bati ni Mareng Lance.
" tssss..... " reaction ni Dong at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.
" Anong problema Dong??? Naiinggit kaba sa kagandahan ni Mareng Lance? NAKU! huwag ka ng mainggit. Maganda ka rin naman. " bulong ko kay Dong.
Naningkit ang mga mata niya.
" what are you talking about?" Tanong ni Dong.
Namutla ako sa tanong niya.
" nevermind." Sambit ni Dong ng makita niya ang pamumutla sa mukha ko.
Never mind?
Hindi siya nagkautak?!
Hala! Alam ko na ang rason kung bakit maypagka slow tong si dong. Hindi pala siya nagkautak kahit kailan.
Naawa naman ako kay Dong. Hai.
Nagusap ng ilang sandali sina Mareng lance.
Nagpaalam si Dong na ma lelate siya sa practice sa banda.
" i'll be dating my wife. " sambit ni Dong. Biglang nalungkot si Mareng Lance.
Ano kaya ang sinabi ni Dong?
Pagkatapos ay nagsimula na kaming maglakad paalis.
Nag good bye ako kay Mareng lance pero ngumiti lang siya. Parang pilit na ngiti.
Bat ganoon kaya ang reaksyon ni Mareng Lance?
Nagpatuloy kami sa paglalakad.
Nararamdaman ko ang lahat ng babae na nakatingin sa amin. Ang iba nahimatay pa sa pagkakita sa amin ni Dong na magkahawak kamay. Ang iba naman umiyak. Tapos ang iba parang papatayin ako sa tingin. Huhuhhu...
" Pasensya na....." bulong ko sa mga babaeng nakapaligid.
Bigla akong hinila ni Dong at umakbay sa akin. Naamoy ko yung pabango ni Dong.. Grabe ang bango niya.(>.<) waaaaahhhh..parang gusto ko siyang ....kagatin.
(*^*)
waaah! Kaso baka pag nagkataon ay huhulihin ako ng mga pulis at tuturukan ng anti-rabies. Waaaaaahhhh! Ang sakit pa naman kapag tuturukan ka.huhuhuhu...
BINABASA MO ANG
Wanted: Mommy
ComédieAko si Nathan Clyde and I just need a mom for my triplets... Who wants to apply? Promise I'll make the salary triple. your bonus will also be Triple. just replace this hired one. PLEAAAAAAAASEEEEEE!!!!
