Ano ba naman tong pinapanuod ko ngayon dito sa eroplano, ang corny. Walang kathrill-thrill. Kumagat ako ng malaki sa kinakain kong sandwich.
" I like that movie. " Napatingin ako sa nagsalita sa gilid ko. Nakangiti siya sakin. Nginitian ko nalang din siya maski mahirap dahil puno ang bibig ko.
Lumipas ang ilang minuto bago ulit siya sumabat.
" Very heartwarming, very dramatic. " Maarting slang niya sakin.
" Really? " Yun lang ang nasabi ko. Sana hindi niya mahalata na hindi ako interesado. Teka, bakit ba ang kulit ng isang to? Masyadong.. Uh.. Ano nga yun.. Nasa dulo na ng dila ko eh.
" Her boyfriend was such a jerk, right? He should have not done that to her! " Feel na feel pa talaga niya ang pagkwekwento sakin eh.
" Yeah. " Tanging nasabi ko. Nakakanosebleed siya ah! Naglabas siya ng dilaw na libro at nagbasa. Yan, mabuti pa nga. Magbasa nalang siya para manahimik narin siya.
Maya-maya, nang nasa break up scene na ako nitong pinapanuod ko ay bigla nanaman siyang nagsalita. Ugh.
" Why aren't you crying? " Pakielamera! Yun! Naalala ko na!
" Excuse me? " Ano daw? Gusto niya ba akog umiyak?
" Oh, I'm sorry. It's just that.. My first time watching that.. I was a crybaby. " Oh tapos? Ano ngayon sakin kung naiyak siya noon ng sobra dahil dito sa movie na to? May problema ba kung di ako naiiyak ngayon? Tss. Tumawa siya ng mahina.
" And no matter how many times I've watched that film, I get really affected by it. Damn it. " Ewan ko ba dito. Wala namang nagtatanong. Pero muka naman siyang friendly.
" I wonder what's going to happen in the end. " Kunyari interesado ako. Ang totoo niyan, inaantok na nga ako sa palabas na to eh.
" Shoot I forgot. Hi, I'm Kaila. " At nag-offer siya ng kamay niya.
" Nadine. " Sagot ko naman habang nakatakip ang kamay sa bibig ko. May nginunguya ako, baka madura ko to.
Tinignan ko yung kamay niya. Naghihintay parin siyang makipagshake-hands kaya yung kamay ko kanina sa bibig ko, pinahid ko muna sa pantalon ko at nakipagkamay sakanya. Nakakahiya naman kung madumi.
" So, you're visiting Austrailla? Or..? " Sinarado niya muna yung dilaw na libro niya at humarap sakin kaya tumingin narin ako sakanya.
Maganda siya.. Tisay.. Mukang americana. At mukang mabait pero di mo na maipagkakaila, makulit at annoying siya.
" Uh.. Vacation.. Hehe. Yes.. Vacation. "
" Wow, alone? No friends? No boyfriend with you? " Hay.
" Muka ba akong may kasama ha? " Ay shit.
" What? " Tanong niya pero nakangiti parin siya. Tss.
" Sorry, none. As in, I'm alone. " Pagkasabi ko non ay nawala bigla ang mga ngiti sa muka niya at tinitigan lang ako. Baliw ba to? Baliw yata tong babaeng to eh? Nakangiti lang kanina tas ngayon biglang poker face. Lah.
" Um, can I ask you something? " Tanong ko sakanya. Tumango lang siya.
" Why are you staring at me? D-do I have something on my face? " Kinapa-kapa ko pa ang muka ko. Weird kasi niya. Tahimik na nakatitig lang sakin na parang.. Parang.. Naaawa?
Aba dahil ba mag-isa lang ako ngayong nagbabakasyon. Tse. Buti nalang talaga at ilang minuto nalang, lalanding na kami. Hindi ko na siya makakausap ulit.
" Here. Read this this will help you. Alot. " Lapag niya ng libro niyang kanina pa niya binabasa sa harap ko.
Sinilip ko yung title, ' HOW TO BE HAPPY IN LIFE '.
Ano!? So tingin niya kawawa ako? Di ako masaya sa buhay ko? Ganun ba? Haist.
" Me? This? Nah, sorry, I don't read books. " Dinilaan ko ang mga labi ko. Tss. Sayang ubos na yung kinakain ko. Bitin ako.
Inirapan lang niya ako.
" How bout you? "
" How bout me what? " Bumalik yung ngiti niya. Hay, weird talaga. Masaya yata siya pag siya naman tinatanong eh.
" Why are you going to Austrailla? "
" Exciting! You see.. " Bigla nalang siyang naexcite ng sobra at pumalakpak pa.
" Ah-huh. " Okay?
" I came across to this dating website.. And take note! It's legal and not a scam or anything. You can find a guy that you like there and talk.. I mean chat with him. And after that you get to meet him sometime! And I found this good looking Ausie Guy and yeah, basically, I'm here to meet him. "
" Oh. " Sa dinami-dami ng sinabi niya, yun lang ang lumabas sa bibig ko. Patawad.
" T-thats.. " Siningkitan ko siya ng mata.
" Yeah? "
" Great! " Wew.
BINABASA MO ANG
You Are The One
FanfictionCan a mistaken identity find your true love? Can you be the one even if you were never really that one? Sa airport sila unang nagkakilala.. Sa airport din kaya ang ending nila?