Chapter 22 - Baby

274 10 1
                                        

" Bakit? Ano bang ginagawa sa dancefloor!? Nagswiswimming!? " Aba pinipilosopo ako nito ah!

" Tigilan mo nga ako! " Akmang aalis na ako pero mabilis niyang hinigit ang kamay ko at hinila ako pabalik sa harapan niya.

" Bitawan moko! " Bumitaw ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko at lumayo ng konti sakanya.

" Teka! " Bago ko makalimutan!

" What did you just do back there!? " Turo ko sa table nila Tristan.

" I.. I.. Nothing. " Inosenteng sagot niya. Bwisit!nagawa pa talaga niyang magpacute sakin ngayon ah.

" But- Pero- Ah- UUUUUUGH!!! " Napasigaw nalang ako sa gigil ko. Gusto ko siyang sabunutan ngayon!

* I'll be your favorite thing, you could be beautiful.. *

" It's her boobs. " Automatikong napatingin ako sakanya. Anong sinabi niya?

" A-ano? " Napatigil ako sa pagsasayaw.

" I think.. That it's her breasts.. You asked a truth for her kanina diba? " It took me almost a minute to realize what he's saying.

" Ang sama mo! " Natatawang sabi ko sakanya sabay palo sa dibdib niya. Wups, ang tigas ah. Di ko talaga mapigilan matawa.

" Slow mo. Masyadong late reply. "

" Bakit mo nama- " Hindi niya ako pinatapos.

" It's flat. " Sabi niya ng nakangisi.

" You! Ikaw talaga! " Pinandilatan ko nalang siya ng mata. Hindi parin mawala-wala ang ngiti ko. Tss.

" While yours is.. Y'know.. Amazing? " My jaw dropped. Nawala ang kanina pang mga ngiti sa muka ko. Bakit pinapaalala nanaman niya yon!

" I hate you! " Nagpapadyak ako.

" Baby. " Sabi niya at hindi ko alam at parang automatikong napatingin ako. Feeling much naman yata ako? Di ko naman siya totoong boyfriend.

" ... " Napatigil kami sa pagsasayaw at nagkatitigan. Ang akala ko sa mga pelikula lang to nangyayari..

He then suddenly came closer to me..

Maski medyo nahihilo ako sa pagkalasing ay parang sumeryoso ako. Parang.. Parang nawala ng parang himala tong pagkalasing ko.

Napaatras ako sa ginagawa niyang paglapit sakin ngayon.

He gently slid her hands at my back and pulled me closer. Ginawa niya lahat ng yon nang nakatingin lang sa mga mata ko.

What is he doing?

Pinulupot ko ang dalawa kong kamay sa batok niya na para bang may mga sarili itong buhay.

What am I doing?

Nang napansin kong papalapit na siya ng papalapit sa muka ko ay bigla ko siyang niyakap. Pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya at doon nalang tinago ang tunay kong nararamdaman.

Di niya ako pwedeng halikan.. Hindi niya ako gusto. Hindi naman kami.. At hindi kailanman. Siya narin ang mismong nagsabi kanina na makikipagkita parin siya kay Kaila diba..

Napuno ng luha ang mga mata ko pero sinikap kong tumingala. Di ako pwedeng umiyak mo. Tss.

Para siguro kaming ewan dito ngayon. Habang ang mga taong nasa paligid namin ay sumasayaw at nagpaparty, kami naman.. Nasa gitna lang, magkayakap.. Nasa sarili naming mundo..

" James? " I whispered.

" Mmm? " Humiwalay siya sa yakap namin at tinignan ako sa mata. Mga mata niyang nakakatunaw..

" Let's go? " Yaya ko.

" Where to? " Kumunot ang noo niya.

" A-airport.. 40 minutes nalang flight ko na.. "

" Shoot. I forgot. Lets go! " Hinawakan na niya ang kamay ko at sinama ako sa pagtakbo niya palabas ng bar nato.

You Are The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon