Chapter 17 - You're Okay

203 10 0
                                    

Hindi na ako sumagot pa. Ayoko nang makipagtalo. Hingal na hingal ako.
Pumasok na kami sa loob at bumulaga samin ang malalakas na tugtog, ang mga nagsasayawang tao, at mga waiter na may mga hawak na tray.

" Restroom lang ako.. " Paalam ko muna sakanya.

" I'll take care of it. " Sabi niya. Hay.. Sana mahanap niya, sana natabi nila dito, marami pa namang mga laman yun.. Lalo na yung regalong binili naming dalawa para sa ate ko.

Tinulak ko ang pinto at buti nalang at walang tao. Pumasok na ako agad at nilock ang pinto. Lumapit ako sa sink at humarap sa salamin..

Tinitigan ko ang sarili ko..

Alam kong hindi ako iyakin.. Pero nagulat nalang ako ng may biglang pumatak na luha galing sa mga mata ko..

Naaawa na ako sa sarili ko..

Sa ginawa ko palang pagtakbo, nakalimutan ko na ang sarili ko. Basa at gulo-gulo na ngayon ang buhok ko, may mga talsik na ng putik ang puti kong pantalon, ang putla ko narin, at pawis na pawis na ang buong katawan ko.

Nadine, ano bang pinaggagagawa mo sa buhay mo.. Ang tigas-tigas talaga ng ulo mo.

Ito ang napapala ng mga sinungaling na katulad mo.. Wag ka na kasing umasa, nalaman na niya ang totoo, hindi ka na niya gusto.

Pinunasan ko ang mga luha ko at tumayo ng maayos. Sinimulan ko na sa coat ko. Hinubad ko na ito at inayos ang sando ko. Pwede na to, mas mukang malinis. Sunod kong pinagpag ang puti kong pantalon. Hindi ko man matatanggal yung mga stains sa dulo, atleast naman yung mga dumi-duming iba.

Sinuklay ko ang mga buhok kong naninikit na. Buhaghag na pala talaga kanina.
Huli kong kinuha ang make-up kit ko.. Naglagay ako ng konting powder sa muka ko para hindi oily. Tapos naglagay ako ng red lipstick para kahit wala masyadong make up, maganda parin tignan.

" You're okay, Nadine. You're okay. " One last look sa sarili ko at luamabas na ako.

As expected, bumungad sakin ang maingay na mga tugtog. Nasan na kaya yung mokong na yun? Tumingin-tingin ako sa paligid.. Nakita ko na siya. Nandun siya sa inupuan namin noon, umiinom. Napatingin ako sa nakalagay sa tabi niya, ang mga paperbags! Yes! Nahanap niya!

Naglakad na ako papunta sakanya. Habang naglalakad ako ay napalingon siya sakin.. Ewan ko ba pero parang iba ang titig niya ngayon sakin kaya napatingin sa sa dibdib ko.. Hindi naman siguro sa suot ko no. Bigla nalang siyang natulala.

" You found it! " Masaya akong umupo sa tabi niya at tinignan ang mga laman nito kung kumpleto pa.

" I already got mine, sayo na lahat ng loob ng mga yan. " Lasing na siya.

" Thank you. "

" Tss. " Tanging sabi niya.

" Um.. Can I have this water? Uhaw na uhaw na kasi ako kakatakbo kanina eh.. "

" Yeah, whatever. " Kinuha ko na ang tubig niya at uminom. Naubos ko.. Uhaw nga ako.

" I think I have to go. " Pinunasan ko ang bibig ko at tumayo na.

" No, wait. " Nang tumayo na ako hawak-hawak ang mga paperbags, bigla niya akong hinila sa kamay. Dahil don ay nahulog ako sakanya. Wah! Ito na yata ang pinaka-awkward na posisyon na nagawa ko sa buong buhay ko! Nakaupo siya at nakapatong ako sakanya na parang.. Parang.. Nagmemake out lang! Nakaupo ako sa lap niya at nahulog ako sa balikat niya! The hell!

Bumitaw na ako sakanya pero nanlaki ang mga mata ko nang ilagay niya ang dalawa niyang kamay sa bewang ko.

You Are The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon