FAST FORWARD
Tapos na ang kasal at nandito na kami ngayon sa reception ng wedding. Ang ganda ng reception, ang elegant ng place. Puro white lang ang makikita mo.
" At ngayon naman. Let us call the sister of our bride, Nadine! " Pumalakpak ang lahat. Tss. Tumayo na ako at naglakad sa harapan. Awkward smile. Nakakahiya. Ang daming tao. Pati mga long relatives namin ay nandito.
" Uh- H-hello? Hello? " Testing ko sa mic. Mahirap na baka di gumagana.
" Uh una po sa lahat, magandang umaga. " Bati ko sakanilang lahat.
Uh okay.. Hindi pa naman ako nakahanda ng speech ko dito. Nagahol ako sa oras. Kakabalik ko palang naman galig Austrailla kahapon. Hays.
" Ate!!! " Bigla akong tumingin kela ate at tumili. Isama mo na ang pagtalon-talon ko.
" Congrats! " Masayang sigaw ko.
" Masyang-masayang-masaya ako para sa inyo.. " Ano bang dapat kong sabihin?
" ... "
" ... " Hindi ko alam kung namental block ba ako o sadyang hindi ko alam ang dapat sabihin.
" ... "
" Uh? Ehehe. Sorry po. Hindi po kasi talaga ako sanay na humarap at magsalita ng ganito sa harap ng maramig tao. Ehehe. " Pagpapaumanhin ko sa lahat na agad naman nila masayang tinawanan.
" Ate. " Tumingin muli ako sakanya.
" Hmm? "
" Alam mo namang bata palang tayo.. Tayo ng dalawa ang magkasama hanggang sa araw na to. Akalain mo yon. Kasal ka na! Parang kahapon lang nagkwekwento ka pa sakin ng first crush mo. Nagulat man ako sa pagpapakasal niyo.. Masayang-masaya ako para sayo ate. " Pagkatapos ay nginitian ko siya.
" Nakakatouch naman! " Dinig kong bulong sa audience.
" Ikaw naman kuya Drew! " Nilipat ko ang tingin sa katabi ng ate ko, ang mapapangasawa niya.
" Alam kong mahal na mahal mo si ate.. Wag ka sanang mapapagod alagaan at intindihin ang ate ko ah. Maski makulit yan.. Soft inside naman yan. At w-wait.. " Pumiyok ako. Ano ba yan! Shit! Bakit ba ako naiiyak!
" May mga maliliit kang mga bagay na dapat malaman kay ate! "
" Hala ano yon. " Pabirong tanong no ate habang papalapit sakin.
" Minsan *sniff* pag di yan makatulog, maglalambing yan *sniff* at pag naglambing yan, magpapakamot ng ulo yan hanggang sa makatulog. Kapag umaga naman ayaw niya ng malamig na malamig na tubig *sniff* Tapos sa kwarto, malinis na malinis yan.. Nakaayos ang lahat, pulido *sniff* T-tapos.. Lagi mong ipapaalala ang mga vitamins niya. Tandaan mo lahat yan ah.. Ikaw na ang papalit sa trabaho ko.. "
" I love you, Nadine. " Niyakap nalang ako ni ate at tuluyan na akong naiyak.
" Ay. Meron pa pala. " Natawa ang lahat sa sinabi ko. Humiwalay ako sa pagkakayakap ng ate ko.
" Paghating gabi na.. Minsan.. Tumatayo yan at bumababa para kumuha ng midnight snack. Kailangan lagi kayong may snacks, okay? " Niyakap ko na ulit si ate.
" I love you too ate.. Dalawin mo ako sa bahay ah? " Tinignan niya lang ako at inayos ang mga nakaharang kong buhok sa muka.
" Oo naman! Oo naman. " At dahil don ay napangiti na ako. Dapat ko na siguro talagang tanggapin. Kasal na si ate. Isa itong bagong chapter ng buhay niya. Bubukod na siya ng bahay. Mag-isa na ako sa bahay namin..
Huminga nalang ako ng malalim at babalik na sana sa kinauupuan ko kanina nang may narinig akong magsalita.
" Eh ako? " That voice!
My heart skipped a beat.
" Mahal mo? "
Oh my god..
Alam ko kung sino yon.

BINABASA MO ANG
You Are The One
FanficCan a mistaken identity find your true love? Can you be the one even if you were never really that one? Sa airport sila unang nagkakilala.. Sa airport din kaya ang ending nila?